RAVEN’S POV
TAMA ba yong nakita ko kanina? Hindi tinablan ng mahika ko yong babae. Nakakagalaw pa din siya kahit pinahinto ko na yong oras. She’s just a normal human being. Kaya paano nangyari ang bagay na yon? Ngayon lang yata nangyari yon. Nakakapagtaka tuloy Anyway hindi naman importante yon as long as hindi siya magko-cause ng problem.
May bibisitahin ko ngayon. May mga bagay kasi akong itatanong sa kanya at siya lang ang makakasagot nun dahil mas matagal itong nabuhay dito sa mundo kaysa sa akin. Mahilig yon sa mga regalo. Kahit ano basta may dala ka tuwing bibisitahin mo siya kundil hindi ka niya haharapin. Kaya dumaan ako sa Marie’s kanina para kumuha nang cake at iba’t-ibang klase nang bread. Mahilig kasi sa human food yon pero ayaw niya sa tao. Pareho lang kami.
Archer is an old friend. Siya ang pinakamatanda sa lahat ng Trickster. Isa itong celestial kitsune (heavenly/ celestial fox) o yong tinatawag na nine tailed fox na libong taon nang nabubuhay dito sa mundo. Teritoryo niya ang magubat at hilagang bahagi nang mundo. Nandoon ang mga kauri nito. Halos hindi ito lumalabas sa lungga niya. Kaya hindi na niya halos alam kung ano nang nangyayari sa mundo.
Sa lahat ng Trickster, I think siya ang pinakamalakas sa amin. Sabi nila the longer a Kitsune lives, mas lalo itong lumalakas. So you better not mess with Archer.
Kumatok ako sa malaking gate. Napakalaki at nakakalula ang laki nang mansion nito. Mas malaki pa sa bahay ko. Puwede lang naman sana akong dumiretso sa loob kung gusto ko pero minabuti kong kumatok na lang bilang paggalang sa kanya. Saka ayaw niyang may pumapasok sa bahay niya nang walang paalam. Kung gusto mo siyang makausap at makita, sumunod ka sa mga patakaran niya para walang problema.
Ilang sandali muna akong naghintay sa labas bago may nagbukas ng gate. Nagulat pa ako nang makitang kauri niya ang nagbukas nun. Sa pagkakaalam ko kasi tao ang alalay niya at nagsisilbi sa kanya. Ou ayaw niya sa tao pero may pamilyang ilang henerasyon nang nagsisilbi sa kanya. Every 100 years kumukuha ito nang babaeng magsisilbi sa kanya galing sa pamilyang yon. Nung huling punta ko dito tao pa yong tagapagsilbi niya. Pero matagal na panahon na din kasi yon. Baka patay na siguro yong babaeng yon. Alam mo naman mahina at maiksi lang ang buhay ng mga tao.
Yumuko ang alalay nito sa akin bilang paggalang. “Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?”
Ngumiti ako. “Andiyan ba siya?”
“Opo. Kararating lang niya galing ng Mt. Fury,”sagot nito.
Medyo nagulat ako. Ano naman kayang ginawa niya doon?
Napatango-tango ako.
Iniabot ko sa kanya ang mga dala-dala ko. “Pakibigay na lang ang mga ito sa kanya.”
Tumango ito saka saglit na nagpaalam. Nag-ikot-ikot lang muna ako sa paligid habang hinihintay na tawagin ako. Fox Village ang tawag sa lugar na ito. Lahat ng mga nakatira dito ay mga kitsune. Dati pinag-aagawan ang pamumuno sa lugar na ito. Tulad ni Archer may isa pang kitsune ang gustong mamuno noon dito. Nine tailed fox din ito at sinasabing siya ang pinakamalakas sa lahat ng mga kitsune. Ewan ko kung anong nangyari pero pinalayas yon dito at sa human world nagpunta. Curious ako sa kanya at gusto ko siyang makilala. Pero hindi ko alam kung saang lupalop ito nang mundo nakatira. Walang nakakaalam kung nasaan siya.
“Pasok na po kayo,” mayamaya’y tawag sa akin ng alalay ni Archer.
Agad na din naman akong sumunod sa kanya. Naabutan kong nakaupo sa sala si Archer. Kasalukuyan itong umiinom ng kae at sa harap nitong table nakalapag naman ang bukas ng box ng cake na dala ko. Matagal na rin mula nung huli ko siyang makita. Kagaya ko batang-bata pa rin ang hitsura nito at hindi tumatanda kahit libong taon na din ang edad.
Lumingon ito nang maramdaman ang presensiya ko. “Naligaw ka yata.”
“Namamasyal lang,”nangingiti kong sabi saka naupo sa isang bakanteng upuan. “It’s been a long time.”
“Yeah. What brings you here?” kaswal nitong tanong.” Masarap itong dala mong cake.”
“I know”,nangingiti kong sabi. Buti naman nagustuhan niya.
“Kagagaling ko lang ng Mt. Fury,”mayamaya’y sabi nito.
“Sabi nga din ng alalay mo. Anong ginawa mo doon?” medyo curious kong tanong. Minsan lang ito lumabas kaya sigurado importante ang ipinunta niya doon.
Napailing ito.”Wala may bumabagabag kasi sa akin nitong nakaraan.“
Gusto ko sanang itanong kung ano yon. Kaya lang baka mamaya sabihin niya nakikialam ako.
Napatango-tango ako. “Oh okay.”
Humigop ito sa kape nito.”My kailangan ka sa akin kaya ka nagpunta dito? Tama ba ako?”
“Actually, may itatanong lang naman ako sayo? Baka lang naman alam mo,”nangingiti kong sabi.
Kumunot ang noo nito. “Ano naman?”
“Have you heard of the Mask Man? Yong may pintay nitong nakaraan lang?” tanong ko sa kanya. Ewan kung aware ba siya dito. Pero hindi yon ang gusto kong malaman. Parang hindi kasi tao ito kaya ang gusto kong itanong ay kung anong klaseng nilalang ito. Siya ang pinakamatanda kaya alam niya lahat kung anong klaseng mga nilalang ang nabubuhay sa mundo.
Kumunot bigla ang noo nito.”May alam ka ba doon? Actually siya din yong hinahanap ko.”
Nagulat ako. “Anong ibig mong sabihin?”
“Nagpunta siya dito sa teritoryo ko at tinangkang patayin ang isa sa mga tauhan ko rito,”galit nitong sabi. “Buti na lang may nakakita at inalerto ako agad. Pero pagpunta ko doon hindi ko na siya naabutan. Pinaimbestigahan ko siya sa mga tauhan ko at doon ko nalamang marami na palang napatay ang hayop na yon.”
“Akala ko tao lang ang pinapatay niya,”nailing kong sabi.
“I think yong abilities ng kitsune ang habol niya. Hindi ko alam kung bakit,” seryosong sabi nito.
Akala niya siguro palalagpasin ko itong ginawa niya. Hindi talaga ako titigil hangga’t hindi nakakaganti sa kanya.”
“Hindi siya tao, right-“
“No,” maagap nitong sagot.
“Kung ganun ano siya?” curious kong tanong.
“I think he’s a demon,” kaswal nitong sabi. Well, hindi pa ako sigurado at hindi ko pa naman siya nakikita.”
Mayamaya’y tiningnan niya ako. Tila may gustong itanong sa akin.
“Nagtataka lang ako kung bakit interesado ka sa kanya?” kapagkuwan ay tanong nito.
“Personal reasons,”sagot ko.
“Ano? Sorry pero gusto ko malaman.”
Napabuntong-hininga ako.
“Iba kasi yong pakiramdam ko sa kanya. Ewan ko ba pero since I met him ang dami nang mga bagay na gumugulo sa akin. Hindi ako matahimik hangga’t hindi nasasagot ang mga yon.”
“So you met him?” seryosong tanong nito.
“Yeah, kibit-balikat kong sabi.“I was there when he killed a family 10 years ago. Since then ang dami-dami ko nang iniisip.”
“Like what?” kunot noong tanong nito. Mukhang nakakahalata ako. Sunod-sunod na ang tanong niya na akala mo iniimbestigahan na niya ako.
Umiling ako. “And I had this feeling na parang kilala ko na siya dati pa. Alam mo yong pakiramdam na parang konektado kayo sa isa’t-isa. Ewan ko pero yon ang naramdam ko sa kanya nung nakita ko siya.”
“Yong mga hinala natin minsan totoo,” seryosong sabi nito. “I think you should see the 1st Guardian. Malay mo masagot niya yong mga tanong mo. Or may alam din siya kung sino man yong Mask Man na yon””
“Yon na nga,e. Pabalik-balik ako nang Mt. Fury pero hindi pa daw bumabalik.”
“Ewan ko din ba sa matandang yon. Biglang susulpot tapos bigla ding mawawala,”nailing nitong sabi.
Mayamaya pa’y tumayo na rin ako at nagpaalam sa kanya. I still have something to do.
“If you find that guy or kung may balita ka sa kanya, balitaan mo ako agad,” bilin ko sa kanya.
“Okay. Ikaw din kung may update ka sa kanya, let me know,”aniya.
Tumango lang ako saka nawala na sa paningin niya.
TARAH'S POV
DALAWANG ORAS pa bago ang sunod kong klase. Ganito lagi ang schedule ko tuwing Monday at Wednesday. Sobrang nakakaboring.Naiinis ako sa schedule ko sa totoo lang. Wala man lang makausap. . Si Andrea kasi may klase. May dalawang back subject kasi siya nung nakaraang sem kaya in-neroll niya yon ngayon.
Wala kong masyadong circle of friends. Takot kasi akong maglalapit sa mga taong hindi ko gaanong kilala. Maraming gustong makipagkaibigan sa akin pero binabalewala ko lang. Hindi ko kasi alam kung anong totoong motibo nila. Kung gusto ba talaga nila akong maging kaibigan or gusto lang nilang mapalapit sa akin para mapakinabangan lalo’t alam nilang may kaya ako. Sa totoo lang hirap akong magtiwala. Tanging si Andrea lang ang naging kaibigan ko. Kababata ko kasi siya at parehong magkakilala ang mga pamilya namin kaya panatag ako sa kanya.
Naisipan ko na lang tumambay dito sa Eco Park. Malamig kasi dito at maraming puno sa paligid. Isa pa walang masyadong tao kaya makakapagreview ako at makakapagbasa nang tahimik. May quiz kasi kami sa speech communication. Nakapagreview naman na ako kagabi kaya scan na lang sa mga notes at photocopies ang gagawin ko.
Nagulat pa ako nang biglang humangin ng napakalakas. Inilipad tuloy yong mga photocopies na inilapag ko sa bench na inuupuan ko. Napunta tuloy ang mga yon kung saan-saan. Yong isa inilipad pa sa malayo. Doon sa parteng mapuno at walang tao. Napakalayoo masyado nang napuntahan.
‘Ano ba yan?’ yamot kong sabi sa isip ko. Inis akong tumayo saka isa-isang pinulot ang mga yon.
Wala sa loob na iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Ewan ko kung imahinasyon ko lang. Pero para kasing kanina pa may nakatingin sa akin. Actually nitong mga nakaraang araw yon ang pakiramdam ko. Parang may mga matang laging nakamasid sa akin. Tapos kapag naglalakad akong mag-isa, parang may sumusunod sa akin. Pero kapag lilingunin ko, wala namang tao. Kinakabahan tuloy ako. Baka mamaya yong killer na pala yon at tumitiyempo lang para patayin ako. Kaya ang ginagawa ko doon ako lagi sa maraming tao nakikisiksik. Iniiwasan ko nang maglakad ng ako lang. Gusto ko nga sanang sabihin kay Tita pero baka mamaya lalo itong mag-alala at hindi na ako nun palabasin pa nang bahay. Ayaw ko namang sa bahay lang at nakakulong. Baka mabaliw lang ako.
Pabalik na ako sa may bench na kinapuuuan ko kanina nang marinig kong tila may sumisitsit sa akin. Wala pa namang tao sa parteng ito nang Eco Park. Nagpalinga-linga ako sa paligid. May nakita akong lalaking nakadark suit at nakasuot ng black hat na nakaupo lang sa malapit na bench. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakababa kasi nang kunti ang suot niyang hat. Hindi ko alam kung siya ba ang sumisitsit sa akin. Pero nakatingin siya sa direksyon ko nang mga oras na yon. Bigla tuloy akong sinalakay ng hindi maipaliwanag na kaba. Tingin ko kasi hindi naman estudyante or employee ito dito.
Nagkunwari akong hindi siya nakikita at mabilis nang naglakad papalayo doon. Pero nakakailang hakbang palang ako ay naramdaman kong unti-unting bumibigat yong mga pa ako. Hanggang sa hindi ko na yon maihakbang. Pati katawan ko tila nanigas. Kahit anong pilit ko ay hindi na ako makaalis at makagalaw sa kinatatayuan ko.
“Someone help me! Please!” nagpapanic kong sigaw pero parang walang boses na lumabas sa bunganga ko. Hindi ko alam kung anong nangayayari sa akin pero para na akong maiiyak sa takot.
Mayamaya’y nakita ko sa gilid ng mga mata ko yong lalaki kanina na naglalakad papalait sa akin. Lalo lang akong nagpanic at tinangkang magsisigaw pero wala talagang lumalabas na boses sa bunganga ko.
“Huwag mo nang subukan. Mapapagod ka lang,”sabi nang lalaki na nasa harap ko na pala.
“S-sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin?” sa gitna nang takot na nararamdaman ko ay nagawa kong itanong. Nagulat ako nang nakakapagsalita na uli ako. Sinubukan ko uling sumigaw at humingi nang tulong pero nakapagtatakang wala na naman akong boses.
Napailing ang lalaking nasa harap ko. Iniangat nito ang hat na suot nito dahilan para makita ko ang buong mukha niya.
‘I knew him’