TARAH'S POV
“ARE YOU SURE IT’S HIM?” seryosong tanong ni Sir Loyd sa akin habang ipinapakita ang isang sketch. Siya at ang batang detective na kasama nito na Rei ang pangalan ang may hawak sa kaso nang murder case na napabalita nitong nakaraang araw. Pinuntahan nila ako dahil parang same daw ng pattern sa pamilya ko ang pagpatay na ginawa. Parang iisang tao lang daw ang gumawa.
Naluluhang tumango ako. Wala akong masyadong matandaan nung gabing yon lalo na dun sa killer. Pero tumatak sa akin ang suot nitong maskara. At siyang-siya yon sa sketch na hawak ni Sir Loyd.
Nanginginig ako sa takot nang mga oras na yon. Sampung taon na ang lumipas pero hindi ko talaga nakalimutan yong maskarang yon. Ibang takot ang iniwan nun sa akin. Sobrang creepy kasi nun. May mga gabi pa ngang napapanaginipan ko pa rin yon.
Niyakap ako nang mahigpit ni Tita Veronica.”Sssh its okay, sweetheart.”
“Pabantayan niyo muna siguro siya, Maam,”suhestiyon ni Sir Loyd. ”Kailangan muna nating magdoble ingat ngayon. Hindi natin alam kung anong mangyayari lalo’t nagsimula na namang pumatay yong suspect. May posiblidad na magiging target siya nito kapag nalamang buhay pa siya.”
“Ou may mga nakausap na ako kanina. Simula ngayon ayaw kong lumalabas-labas pa siyang mag-isa,”nag-aalalang sabi ni Tita.
“Mabuti po kung ganun,” ani Sir Loyd.
“May pag-asa po bang mabuhay muli yong kaso?” tanong ni Tita.
“Yes, Ma’am. Lalo’t connected din po yon sa murder case ngayon. Iisang suspect lang din ang hinahanap.”
Tahimik lang na nakikinig kagaya ko si Sir Rei. Pero ako lang ba ang nakakapansin ng pangisi-ngisi nito nang palihim? Ewan ko kung para saan yon pero napaka-creepy tingnan. Parang tumatayo tuloy ang mga balahibo ko sa kanya.
“Salamat po kung ganun, Sir. Ang tagal din po namin kasing naghintay pero wala pong nangyari. Natabunan lang yong kaso at kinalimutan na”, malungkot na sabi ni Tita.
“Pasensiya na po kayo, Maam,”hinging paumanhin na sabi ni Sir Loyd. “ Sa totoo lang po nahirapan ang pulisya sa kaso dahil nung time na yon wala po silang makuhang lead. At least ngayon may update na po.”
“Sana nga po mahuli na yong hayop na yon para mabigyan din ng hustisya yong mga pinatay niya. At para matahimik na din kami.”
“Huwag po kayong mag-alala, Maam. Gagawin po namin lahat ng makakaya namin para mahuli na siya at mapagbayad sa mga krimeng ginawa niya.”Ngumiti si Sir Loyd na tila nagbibigay ng assurance sa amin ng Tita ko.
‘Sana nga’ sabi ko sa isi-isip ko. Masyado nang mahaba ang sampung taon na malaya lang ang hayop na yon. Nagpupuyos tuloy ako sag alit.
Mayamaya’y tumayo na din ang mga ito at nagpaalam na.
“Tawagan na lang namin kayo kapag may bagong update sa kaso,”ani Sir Loyd. “And kung may mapansin kayong kakaiba lalo ka na Tarah, ialerto niyo agad kami.”
Tumango ako. “Opo, Sir. Please po gawin niyo po ang lahat para mahuli na po yong demonyong yon.”
“Ou kaya huwag kang mag-alala,” sagot ni Sir Rei na ngayonl lang nagsalita.
“Mag-ingat ka,ha,” dagdag pa nito at hinawakan ako sa ulo na parang bata. Nagulat pa ako sa ginawa niyang yon.
“Opo, Sir,”sagot ko na lang sa kanya.
Tumalikod na ang mga ito. Inihatid sila ni Tita hanggang sa labas ng gate.
Sa totoo lang halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Medyo nabuhayan ako nag loob kasi finally may development na din yong kaso. Kahit papaano may konting ideya na ang mga awtoridad about dun sa killer. Kaya lang hindi ko din talaga maiwasang hindi matakot. Yong isipin ko pa lang na nasa paligid lang yong killer, para na akong nanginginig sa takot. Paano na lang kaya talaga kung isang araw ay balikan niya ako at tuluyan ng patayin? Ayaw kong isipin ang bagay na yon pero may possibility na ganun ang mangyari. Kahit ayaw ko pang mamatay, wala na din naman akong magagawa kung talagang oras ko na. Pero sana huwag muna talaga.
Itinaas ko ang damit ko at sinilip yong tiyan ko na may bakas pa ng peklat gawa nang pagkakasaksak ko noon. Unti-unti na yong nawawala. Yong iba tuluyan ng natanggal. Pinapatanggal ni Tita sa isang kilalang doctor para daw hindi ko na maalala ang nangyari noon. Pero hindi naman ganun kadali yon. Siguro tuluyan lang akong makakalimot at matatahimik kapag alam kong nakakulong na yong hayop na yon. Kaya sana mahuli na talaga siya at baka mamaya may patayin na naman siya.
Kahit siguro lumuhod sa harap ko ang hayop na yon, hinding-hindi ko siya papatawarin. Sagad sa buto ang kasamaan niya. Dapat sa kanya itaon na sa impiyerno anng masunog na.
Ang mga kagaya nia wala nang karaatang mabuhay pa dito sa mundo.
AYON nga bumalik na naman sa dati yong buhay ko. School bahay na naman yong routine ko tapos may mga bodyguards na naman na nakabantay sa akin. Medyo nakakairita kasi hindi ko magawa yong mga gusto ko. Laging may mga matang nakasunod sa akin kahit saan. Ang hirap kumilos sa totoo lang. Pero kapag nasa school compound naman na ako, hindi naman na sila pumapasok. Sa labas lang sila ng gate nag-aabang at naghihintay sa akin. Marami din kasing security ang school. Sa gate pa lang istrikto na sila. Hindi sila basta-basta nagpapapasok lalo kung walang ID or walang kamag-anak sa loob yong bumibisita. Talagang iniisip ng school ang kapakanan ng lahat ng mga estudyante nila. Kaya makakampante kang kapag nasa loob ka na, safe ka talaga.
“Ang guwapo talaga ni Dylan, no?” hindi maiwasang sabi ni Andrea. Nasa gymnasium kami nang mga oras na yon.
Nagpapalipas ng oras habang hinihintay ang last subject namin ng hapon. Sakto naman andidito pala si Dyan. Naglalaro nang basketball kasama ang mga barkada. Kaya swerte namin ni Andrea. Pareho kasi namin siyang crush. Sobrang hot kasi niya at napakaguwapo pa. Halos lahat yata nang babae dito sa school pinapantasya siya. Kaya masuwerte ka na kapag kinausap ka niya. Bibihirang pagkakataon yon kasi mahirap siyang lapitan.
“Ou nga,e,” ayon ko habang ang mga mata ko’y nakatutok kay Dylan. Kaysarap nitong panuorin. Tumutulo na ang mga pawis nito sa katawan. Ang hot niya lalo tuloy tingnan.
“Balita ko may bagong gf yata ulit,”narinig kong sabi ni Andrea.
“Talaga ba?” gulat kong sabi. “Parang last week lang yata nagbeak sila nung ex niya di ba?”
“Ou tapos ngayon nga meron uling bago,”kibit-balikat na sabi nito.
“Ikaw ba naman ang maraming reserba,”nailing na sabi ko.
“Ganun talaga. Pogi, e.”
“Tiga dito din ba sa school natin yong girl?” curious kong tanong.
“Yata. I’m not sure,”kibit-balikat na sabi ni Andrea.
Crush lang naman namin si Dylan at hanggang dun lang yon. Alam naman namin pareho ni Andrea na wala kaming pag-asa sa kanya. Hindi yong mga kagaya namin ang mga tipo niya. Kaya hindi na kami umasang mapansin pa niya. Malabo ang bagay na yon.
Sinilip ko ang oras sa relong suot ko.
“Pasok na ba tayo?” mayamaya’y tanong ko kay Andrea.
“Anong oras na ba?”
“May 15 minutes pa naman,”sagot ko.
“Tara na. Maglalakad pa tayo,e,” anito. Sa kabilang building pa kasi yong room namin.
Inayos namin ang mga gamit namin at nagmadaling umalis na din doon.
BAGO ako umuwi ay pinadaan ko muna si kuya Mark sa Marie’s. Bilihan yon ng mga masasarap na cakes at cupcakes. May mga tinapay din silang mga tinda. Dito kami madalas bumili ni Andrea. Medyo pricey nga lang ang mga paninda nila. Pero di bale na kasi sulit na sulit naman.
Birhday kasi nang isang kasambahay namin. Naisipan ko siyang handaan kahit konting salo-salo kaya bibili ako ng cake para sa kanya. Mabait kasi siya at masipag kaya natutuwa ako sa kanya. Deserve niyang mahandaan talaga. Malambot ang mga puso ko sa mga kasambahay. Tuwing nakikita ko kasi sila, naaalala ko yong mga kasambahay namin na pinatay din kasama nang pamilya ko. Sobrang naawa ako sa kanila at sa mga naiwan nilang pamilya. Kaya naman naisipan kong tulungan at suportahan ang mga anak nila hanggang makatapos sila. Sa ganung paraan masuklian ko man lang ang mga kabutihang ginawa nila sa akin.
Pagkatapos makagbayad ay naupo muna ako sa isang bakanteng table habang hinihintay ang inorder kong cake. Cheesecake ang kinuha ko at naubusan daw kaya binebake palang. Need pa daw maghintay ng 15 minutes. Sabi ko okay lang total hindi naman ako nagmamadali. Nagpipindot muna ako nang phone ko para hindi mabagot.
Dapat kapag bibili ka dito, agahan mo. Sa hapon kasi kadalasan ubos na mga paninda nila. Madami kasi silang customer. Tapos yong iba namamakyaw po. Bentang-benta kasi talaga mga products nila. Wala akong masabi.
Iniangat ko nang bahagya ang ulo ko nang tumunog ang pintuan. Tanda na may pumasok at tama nga ako. May lalaking naka dark suit at nakashades na pumasok. Kumunot pa ang noo ko nang makitang parang pamilyar ang mukha nito. Parang nakita ko na siya dati pero hindi ko lang matandaan. Sabagay maysakit din kasi talagang kalimot. Tumigil ito sa gitna saka nagpalinga-linga.
Mayamaya’y nagulat na lang ako nang parang hindi na gumagalaw ang mga tao at bagay sa paligid. Lahat tumigil. Maging ang oras ay huminto rin. Parang nakapause lahat ba. Ngayon lang ako nakakita nang ganito kaya bigla akong natakot. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko.
Maging sa labas ay ganun din ang nangyari. Lahat ay hindi gumagalaw. Ano na kayang nangyari sa mundo? Katapusan na ba?
Tiningnan ko ang lalaking kakapasok lang. Naglakad ito palapit sa counter na parang walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya.
‘Sino kaya itong lalaking ito?’
Ako dito nagpapanic na samantalang siya pasipol-sipol pang namimili sa mga nakadisplay na product. Tila hindi apektado. Ewan ko kung paano nangyari yon pero ilang segundo lang may hawak na itong box ng cake at mga tinapay na nakalagay sa paper bag. Ano yon? Magic? Para tuloy akong natulala. Ano na kayang nangyayari sa akin at kung ano-ano na lang nakikita ko. Totoo ba yon o produkto lang ng imahinasyon ko.
Ilang sandali pa’y paalis na ito bitbit ang box ng cake at mga tinapay na dala nito. Bigla akong naalarma. Bakit kinuha na niya ang mga yon nang hindi pa nagbabayad? Malulugi na ang may-ari nito. Nang tumapat siya sa kinauupuan ko ay tinawag ko ang aensyon niya at sinubukan itong kausapin.
“Hoy! Hindi ka pa nagbabayad.”
Tumingin lang ito sa akin saka biglang kumunot ang noo. Nilagpasan lang niya ako na parang walang naita at narinig. Pagdating niya sa pinto ay bigla na lang itong nawalang parang bula sa paningin ko. Kasabay nun ay bumalik sa dati ang lahat na parang walang nangyari. Muling umikot ang oras at tuloy lang kung anong naiwang ginagawa nang mga tao kanina.
Just what the hell happened? Guni-guni ko lang ba yon kanina? Pero I’m sure hindi. Totoong nangyari yon. Akala ko sa mga napapanuod lang sa TV nangyayari ang mga ganung bagay. Pero pati pala sa totoong buhay. And who is that guy? Bigla na lang siyang sumulpot out of nowhere tapos parang hangin ding nawala. Tingin ko siya din ang may gawa nung paghinto nang oras kanina. Kung sino man siya, marahil hindi siya tao. Because no human can do that. Nasa modern age na tayo tapos makaka-witness pa ako nang mga bagay na ang hirap paniwalaan. At bakit kaya ako lang hindi naapektuhan kanina?
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang iabot na sa akin ang box ng cake na binili ko. “Thank you.”
“You’re welcome, Maam. Balik po kayo,” magalang na sabi nang crew.
Nginitian ko na lang ito bago tumalikod at bumalik sa sasakyang naghihintay sa labas.
Haays! Gusto ko sanang ikuwento kay Tita or kay Andrea ang nangyari kanina pero hindi ko alam kung maniniwala sila. Baka isipin nila nababaliw ako. Alam ko namang mahirap paniwalaan talaga yon. Kahit ako nga parang ang hirap kong i-convince yong sarili ko na nangyari talaga yon.
Parang sumasakit lag yong ulo ko sa pag-iiisip kaya hindi ko na lang masyadong pinagtuunan ng pansin yon. Agad na akong sumakay ng sasakyan at ilang sandali pa’y umalis na kami doon.