Chapter 2

2071 Words
TARAH'S POV “BAKIT ganyang ang mukha mo?” tanong ni Andrea nang makita ako. Kararating lang nito nang mga oras na yon. “Ang tagal mo kasi,” nayayamot kong sabi. Mahigit tatlong oras ba naman akong naghintay sa kanya. Nasira na nga yong araw ko dahil sa nangyari sa akin kanina tapos pinaghintay pa niya talaga ako nang napakatagl. Parang nawalan na tuloy ako nang ganang mag-ikot-ikot. Nagsawa na ako. Parang naikot ko na yata bawat sulok ng mall para lang libangin ko ang sarili ko dahil sa sobrang inip na nararamdaman ko kakahintay sa kanya. Nakabili na nga ako ng damit at nakapagpalit na din. Itinapon ko na lang yong pinagpalitan ko kanina. Wala na din kasing silbi yon. Lalo’t may mantsa na. Gusto ko na nga sanang umuwi na lang kanina e. Kaso ano namang gagawin ko sa bahay? Magmumukmok? Sigurado maiinip lang ako doon. Baka ang ending matutulog lang ako doon maghapon. “Nagsabi naman ako sayo di ba na medyo malalate ako nang kunti?” anito. “Ou nga pero hindi ko naman akalaing aabutin ka nang ilang oras,”nakanguso kong sabi. Halos tumirik na kaya yong mata ko dito sa paghihintay sa kanya kung alam lang niya. “Naipit ako sa traffic, e. Tapos naitaong may checkpoint pa. Chinecheck bawat sasakyang dadaan. Kaya lalo tuloy akong natagalan,” inis nitong sabi. Kumunot ang noo ko. “Wala namang checkpoint kanina, ah. Bakit daw ba kasi?” “May pamilyang pinatay daw kasi kani-kanina lang. I think malapit lang yata dito yon. Hinahanap nila yong suspect kaya nagconduct sila ng checkpoint. At parang hindi pa naman yata daw masyadong nakakalayo.” Bigla tuloy tumaas ang balahibo ko sa narinig. Kapag kasi mga ganung pangyayari kinakabahan talaga ako. Pakiramdam ko bumabalik ako sa nakaraan. Although na-overcome ko na yong trauma. Yong pain at yong nakakatakot na experience nandun pa rin. “Ano daw motibo?”curious kong tanong. Wala bang konsensiya yong mga ganung tao? Ano kayang iniisip nila at parang ang dali lang sa kanilang pumatay. “Inaaalam pa. Pero sana mahuli na yong may gawa. Kawawa yong pamilyang namatay,” malungkot nitong sabi. Bigla akong natahimik. Parang nanlamig ang buong katawan ko. Bigla ko tuloy nahawakan ang mga braso ko. “Are you okay? Namumula ka, e,” nag-aalalang tanong ni Andrea. “Sorry. Dapat hindi na lang ako nagkuwento. “ Mapait akong ngumiti sa kanya. “Okay lang ako. Don’t worry.” “Ngayon nga din pala ang Death Anniversary nang pamilya mo. Tapos nataon pang may ganyang pangyayari,” malungkot nitong sabi. Pilit akong ngumiti. “Ayaw kong malungkot. Gusto kong libangin yong sarili ko ngayon para hindi ako mag-isip ng kung ano-ano.” “Yon naman pala, e,” anitong ngumiti saka inakbayan ako. “Halika ka na pasyal na tayo. Huwag ka nang malungkot diyan, ha?” Lumabi ako.” Since pinaghintay mo ako, ikaw bahala sa lunch,ha?” “No problem,”nakatawa nitong sabi at hinila na ako. Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga saka sumunod na din dito. RAVEN'S POV “HUWAG, please. Bigyan mo pa ako nang panahon para mabuhay. Gusto ko pang mabuhay ng matagal,”umiiyak na pakiusap ng isang sikat na singer sa akin. Nandito ako ngayon para maningil sa kanya. Bago siya naging sikat at nakilala sa buong mundo. Dati lang siyang backup singer. Kahit maganda ang boses niya, hindi naman siya napapansin. Kahit anong pagsusumikap ang gawin niya, walang nangyayari. Then one day umusal siya nang wish at narinig ko naman yon kaya nagpakita ako sa kanya at nakipagdeal. She wished for fame and wealth. Since medyo mabigat yong wish niya, kapalit nun soul niya. After 20 years, babalik ako para maningil. At ngayon nga yong araw na yon. Wala naman siyang masasabi dahil tinupad ko naman yong wish niya. Naging mayaman naman siya at naging isa sa pinakasikat na singer ngayon. And I’m sure na-enjoy naman niya yong buhay niya sa 20 years na ibinigay kong palugit sa kanya. Ngumisi ako. “I’m sorry, darling. Deal is deal. Nakuha mo naman ang gusto mo di ba?” “Layuan mo ako demonyo,” sigaw nito at nagtatakbo sa loob ng bahay nito. Napailing ako. Nung humiling siya sa akin halos sambahin niya ako, Tapos ngayon tatawagin niya akong demonyo? Aba ang tigas naman ng mukha niya. Kahit saan pa siya pumunta o magtago, mahahanap ko siya. Kaya kung ako sa kanya huwag na niyang pagurin ang sarili niya. Hayaan na lang niya akong kunin ang kaluluwa niya. “Mapapagod ka lang sa kakatakbo. You think you can run away from me?”sigaw ko sa kanya. Hinayaan ko siyang tumakbo nang tumakbo habang ako’y kaswal na naglalakad lang. Wala siyang magagawa. Tanggapin na lang niyang hanggang dito na lang ang buhay niya. “Get away from me,”narinig ko pang sigaw niya. “I’m coming,”humahakhak na sabi ko. Sigurado nanginginig na ito sa takot. “Go, away!” malakas niyang sigaw. Sinasagad talaga niya yong pasensiya ko. Bumuga ako nang hangin saka pumikit. Lalo itong nagsisigaw ng bigla akong sumulpot sa harapan niya. “Help me..!” halos maghestirical na ito sa pagsigaw. Nagsumiksik ito sa pader sa sobrang takot. Kahit sino pang tawagin niya ngayon hindi siya matutulungan. Mamamatay siya ngayon kahit ano panggawin niya. “Shut up!” galit na sigaw ko sa kanya. Hinila ko siya palapit sa akin. Pinilit nitong manlaban sa akin. Pero ano bang magagawa nang mahinang nilalang na gaya niya sa isang katulad ko. Masyado niyang pinapahirapan ang sarili niya. Ano ba kasing meron sa buhay niya na ayaw niyang bitawan? Sa tingin ko nasa kanya naman na lahat, e. Huwag niyang sabihing kulang pa yong 20 years na ibinigay ko sa kanya? Masyadong mahaba na yon kung tutuusin. Hinawakan ko siya sa balikat at mariing diniinan ang noo niya. Kusang humiwalay ang kaluluwa nito sa katawan nito. Wala itong nagawa kundi mag-iiyak na lang habang pinapanuod ang katawan niya. “Kunin mo na yan. Baka kung ano pang magawa ko diyan,”utos ko sa Grim Reaper na nakaabang sa isang tabi. Ang sakit sa ulo nang ganitong klase nang tao. Papahirapan ka pa. Akala mo naman may magagawa. They should be grateful. Kundi dahil sa akin, hindi sila magkakaroon ng pagkakataon para baguhin ang buhay nila. Anyway tapos na ang trabaho ko. Na-collect ko naman na yong soul niya kaya bahala na yong mga nasa taas kung anong gagawin nila sa kanya. Hindi ako nakikialam sa bagay na yon. Kung anong trabaho ko yon ang ginagawa ko. Napabuntong-hininga ako. Parang gusto ko munang kumain ng masarap na cake bago umuwi sa mansion ko. Agad akong nagteleport sa paborito kung cake shop. Hindi ako ordinaryong nilalang pero may mga bagay din akong gusto at ini-enjoy tulad ng mga tao. Siyempre nag-evolve din ako kasabay ng pagbabago nang mundo. Kung anong latest, updated ako. At lahat ng mga gamit ko mamahalin. Hindi ako nagsusuot ng cheap dahil hindi naman ako cheap. Madaming tao pagpasok ko sa loob. Expensive ang mga benta dito pero talagang masasarap. Hindi mo pagsisisihan. Mayamaya’y kinindatan ko ang isang crew. Naging sunod-sunuran naman ito agad sa akin na tila isang robot. Sinabi ko sa kanya kung anong gusto kung kainin bago tumalikod at naghanap ng magandang puwesto. Di naman nagtagal ay andiyan na din ito dala ang carrot cake at orange juice na sinabi ko sa kanya. Pinitik ko ang daliri ko. Kasabay nun ay tumigil ang oras at lahat ng nasa paligid ko. Doon pa lang ako nagsimulang kumain. I want to eat in peace kaya ayaw ko nang maingay. Nakakairita sa tenga. Hindi ko alam kung ilang minutong tumigil ang oras. Muli ko lang yong pinagalaw pagkatapos kong kumain. Ilang sandali pa’y tumayo na rin ako saka lumabas na. Nag-stay muna ako sa labas ng cake shop at saglit na nagmuni-muni. Wala pa sana akong balak umuwi. Pero wala naman na kasi akong gagawin dito. Kaya kesa sayangin ko ang oras ko dito, mabuting umuwi na lang ako at magrelax sa bahay ko. May sarili akong bahay dito sa mundo. Namumuhay na akala mo normal na tao. Natigil ang pagmumuni-muni ko nang biglang may pagkaguluhan ang mga tao sa kabilang kalsada. May mga police na dumating at ambulansya. ‘Baka may patay siguro?’ Napailing na lang ako. Ang iksi talaga nang buhay ng tao. Kung gusto nang bawiin ng nasa Taas, wala na silang magagawa. Wala sa loob na pumunta ako doon. Parang gusto kong makiusyoso kung anong nangyari. Nakita ko ang ilang bangkay na tadtad sa saksak na inilalabas isa-isa sa condominium. Isiinakay ang mga ito sa ambulansya na nakaparada. May bata pa. ‘They’re all dead’ sabi ko sa isip-isip ko. Pero bakit ganun? Kamamatay pa lang nila pero wala na agad yong mga soul nila. Kinuha na ba agad ng mga Grim Reapers? “Anong pong nangyari?” tanong ko sa aleng nasa tabi kao. “Pinatay buong pamilya,” anito. “Kawawa naman,” sabi ko na akala mo totoong nakikisimpatiya. “Sino daw may gawa po? “Inaalam pa lang. Yon yong nakakita sa pumatay,”turo nito sa lalaking kinakausap ng mga pulis.”Narinig ko lang nakasuot daw ng mask ba yon? Yong sinabi niya.” Kumunot ang nook ko. Did I heard it right? Nakamask yong killer? Natahimik ako at napaisip. Naalala ko tuloy bigla yong killer na na-encounter ko 10 years ago. Is it him? Or nagkataon lang. I wanted make sure kaya naman mabilis akong lumapit sa kinaroroonan ng witness. Sa isang pitik ng kamay ko tumigil ang oras. Lahat huminto. Agad kong hinawakan ang ulo nito at hinanap kung saang parte ng memorya nito yong pagkakita niya sa killer. Ang there it goes… Papasok na dapat ito nang trabaho nang biglang makarinig ng sigaw sa kabilang apartment. Nagtaka pa ito nang makitang nakabukas ang pinto. Mula doon ay nakita ko siyang sumilip sat tiningnan kung ano bang nangyayari sa loob. At kung bakit may sumisigaw. Nanghilakbot siya sa nakita. May lalaking nakasuot ng maskara at walang awang pinagsasaksak ang babaeng nakatira doon. Hindi ito tumigil hangga’t hindi ito nalalagutan ng hininga. Sa sahig ay nakahandusay ang dalawang anak nito at asawa. Parehong hindi na humihinga at naliligo sa sarili nilang dugo. Mayamaya’y lumapit ito isa-isa sa mgap pinatay niya at may kung anong isinusulat sa tiyan nila. Tila nilalagyan niya sila nang mga numero. Bigla na namang sumakit ang ulo ko. Kasabay nun ay may mga malabo na namang mga imahe na nakita ko sa isip ko. Ewan ko kung ano ba ang mga yon. Parang mabibitak ang ulo ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Binitawan ko ang lalaki at napahawak sa ulo ko. Muling tumakbo ang oras. “Ugh!”ungol ko. Sapo-sapo ko ang ulo ko habang naglalakad papalayo sa lugar na yon. Agad akong nagteleport pauwi. Saktong ang bagsak ko ay sa mismong kama ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa unan ko at hinintay hanggang mawala ang sakit na nararamdama ko. It happened before. Ganito din ang nangyari sa akin nung una kong makita ang taong yon. Napapaisip tuloy ako kung bakit nangyayari sa akin ang ganito. At anong ibig sabihin ng mga blurred images na nakikita ko sa isip ko? Memories ko ba yon? Pero napakaimposible naman yata nun.At bakit parang natitrigger yon tuwing nakikita ko ang taong yon? Are we somehow connected? Huminga akong malalim. It’s the same person. Sa suot palang niyang mask, alam ko na. After that incident 10 years ago, hindi na nagkrus ang mga landas namin. I really wanted to meet him again para mabigyan sana siya ng leksyon sa pang-iinsulto sa akin noon pero hindi yon nangyari. Ewan ko kung nasaan siya nang mga panahong yon. Kung naglie low ba siya or pumapatay pa rin hindi ko alam. Bigla ko tuloy naalala yong batang babae na iniligtas ko noon. Nawala na siya sa isip ko. Kumusta na kaya siya? Siguro one of these days I’ll pay her a visit. I think panahon na rin para maningil ng utang niya sa akin. Maraming katanungan sa isip ko nang mga oras na yon. Pero hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga yon. Parang kailangan ko na din yatang bisitahin ang mga Guardians at alamin kung bakit nangyayari sa akin ang ganito. At kung may alam din sila sa taong yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD