Chapter 1

2473 Words
10 YEARS LATER… TARAH'S POV NAGISING ako sa mahihinang tapik sa pisngi ko. Ano ba yan? Ang aga-aga a. Inaantok pa ako, e. Iminulat ko ang isang mata ko. Ang nakasimangot na mukha ni Tita Veronica ang namulatan ko. “Bumangon ka na diyan Tarah. May pupuntahan tayo ngayon,” nakapamaywang nitong sabi. “Tita, inaantok pa ako, e,” reklamo ko. Hinila ko ang isang unan ko at tinakpan ang mukha ko. Pero tinanggal lang nito yon. “Yan napapala mo kakapuyat mo.” “Saan ba kasi tayo pupunta? Ang aga-aga pa,”nakasimangot kong sabi. Parang nawala na tuloy ang antok ko sa pagbubunganga nito. Wala akong nagawa kundi bumangon na lang. “Dadalaw kina Papa mo. Nakalimutan muna yata kung anong araw ngayon,”anito. Kumunot ang noo ko? Ano nga bang araw ngayon? Ou nga pala. Death anniversary ng pamilya ko ngayon. Napapikit ako nang maalala ang malagim na gabing yon. Sinong bang makakalimot kasi nun? Ang Mama, Papa at ang Ate Zoey ko kasama ang mga katulong namin sa bahay ay pinatay ng isang hindi kilalang tao. Tanging ako lang ang nakaligtas nung gabing yon. Sabi ng mga doktor, sa dami ng saksak ko sa katawan milagrong nabuhay pa ako. Pero hindi siguro talaga hinayaan ng Diyos na mamatay ako para mabigyang hustiya ang nangyari sa pamilya. Kaya lang hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang may gawa nun. Nahirapan ang mga police sa kaso dahil kulang sila sa impormasyon. Wala din kasi akong masyadong matandaan nung gabing yon. Sa sobrang trauma siguro. Chineck din ng mga pulis ang mga cctv sa loob at labas ng bahay pero nakapagtataka dahil walang nairecord yon. Deleted lahat before and after mangyari ang insidente. Pero sabi nila may lalaking tumawag daw nung gabing yon para ireport ang nangyari. Kaya lang hindi naman nagpakilala. Nung naghahanap ng ibang witness bukod sa akin hindi naman siya nagpakita. Siguro natakot para sa sarili. It’s been 10 years pero walang nangyari sa kaso. Hanggang unti-unti na lang nakalimutan. Hindi tuloy ako matahimik knowing that the killer is still out there . Malaya at hindi pa nagbabayad sa kasalanan niya. Paano kaya siya nakakatulog sa gabi? Hindi ba siya kinakain ng konsensiya niya dahil sa ginawa niya. Anong klaseng tao siya? Ipinapangako ko sa sarili ko, hindi talaga ako titigil hangga’t hindi siya nakukulong. Gagawin ko ang lahat para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa pamilya ko. “Sige po. Bababa na ako, Tita. Maliligo lang ako saglit,” sabi ko at mabilis na niligpit ang higaan ko. Ang ganito kaliit na bagay, hindi ko na inaasa sa mga katulong. Kaya ko namang gawin kaya ako na ang gumagawa. “Hintayin kita sa baba,” narinig ko pang sabi ni Tita bago tuluyang tumalikod. Pagkatapos kong magligpit ay agad na rin akong dumiretso sa CR para maligo. HINDI ko maiwasang hindi maluha habang umuusal ng taimtim na panalangin sa harap ng puntod ng pamilya ko. Sobra akong nangungulila sa kanila. May mga gabi na umiiyak na lang ako kapag naaalala ko sila. I really miss them so much. Ang sakit-sakit sa loob isipin na wala man lang akong nagawa para mabigyan sila ng hustisya. Tinapik-taik ako sa balikat ni Tita. “I’ll wait for you in the car.” Tanging tango lang ang isinagot ko. Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang inilagi ko doon bago ipinasyang umalis na din. “Ma, Pa, Ate, alis na ako. Sana masaya kayo kung nasaan man kayo ngayon. Pasyalin ko uli kayo kapag may time ako,”paalam ko sa kanila saka malungkot na tumalikod. Dumiretso ako sa nakaparadang kotse sa gilid ng daan. “Let’s go,”sabi ko nang maisara ang pinto nang sasakyan. “Ihatid mo na siya sa bahay, Mark,”utos ni Tita sa driver namin. “Idaan mo na lang ako sa company.” “Sige po, Maam,” anang driver saka pinaandar na din ang sasakyan. “Hindi muna ako uuwi, Tita. Magkikita kami ni Andrea ngayon sa Mall. Mamamasyal kami,”sabi ko sa kanya. Tumingin ito sa akin. “Hayan ka na naman. Ginagawa mo na naman kung anong gusto mo porke naging maluwag na ako sayo.” Nang mamatay ang pamilya ko, pinag-agawan ako nang mga kamag-anak ko kung sino ang mag-aalaga sa akin. Hindi dahil may malasakit sila. Kundi dahil mapapakinabangan nila ako. Alam mo naman mayaman ang pamilya ko. At wala namang ibang magmamana nang mga naiwan ng mga magulang ko kundi ako. But in the end, ako mismo ang namili kung sino sa kanila ang mag-aalaga sa akin. I choose Tita Veronica. Sa lahat kasi nang mga kamag-anak ko, siya lang naman kasi ang kaclose ko. Saka alam kong hindi niya ako pababayaan. At hindi nga ako nabigo. Kapatid siya nang Papa ko at hindi na nag-asawa dahil sa pag-aalaga sa akin. Siya ang tumayong magulang ko at siya na din ang nagpatakbo sa mga naiwang business ng mga magulang ko. Kaya naman sobrang laki nang utang na loob ko sa kanya. Salamat dahil sa tulong niya, unti-unti kong naibalik sa dati ang takbo nang buhay ko. She made sure na makakarecover ako sa traumang naranasan ko sa pagkamatay ng pamilya ko. “Sige na, Tita. Uwi din naman ako agad,”pangungulit ko sa kanya. Humawak pa ako sa braso niya na tila naglalambing. Dati kasi halos hindi ako palabasin ng bahay ni Tita. At kung lalabas man kasama siya o di kaya’y may mga bodyguards akong kasama. School-bahay lang tuloy ang naging araw-araw kong routine. Siyempre hindi ko naman siya masisisi. Nag-iingat lang din siya lalo’t hanggang ngayon di pa nahuhuli ang pumatay sa pamilya ko. Pero lately naging maluwag na siya sa akin. Pinapalabas na niya ako kahit waalang mga body guard. Narealize niya din siguro na kailangan ko din ng freedom lalo’t nasa tamang edad naman na ako. Eighteen years old na ako at second year college na sa kursong Business Administration. Kung patuloy pa niya akong hihigpitan, ano na lang mangyayari sa buhay ko. Hindi ko na mae-enjoy ang kabataan ko kapag ganun. Saka kung balak akong balikan nung killer, dapat noon pa niya yon ginawa. sIlang taon na ang lumipas pero wala namang nangyari sa akin. Pero huwag siyang mag-alala. Kung hindi man niya ako binalikan, siya ang babalikan ko para singilin sa mga utang niya sa akin. Umikot ang mga eyeballs nito saka napailing. “Fine. Fine. Basta mag-ingat ka. If you find something wrong, don’t hesitate to call me.” “Opo, Tita,”nakangiting sabi ko. Malapit na kami sa Mall. Masyado pang maaga kaya I’m sure wala pa doon si Andrea. Saka if ever na andoon na yon, magchachat or tatawag yon sa akin. “Magtext ka mamaya kay Mark kapag magpapasundo ka,” bilin nito. “Dito ka na ba bababa?” “Ou, Tita,”sabi ko. “Itabi mo na lang Kuya Mark. Bababa na ako dito.” “Ingat ka, ha,”dagdag na sabi ni Tita. “Opo, Tita. Sige po. See you later.” Kinuha ko ang bag ko saka bumaba na. Kumaway pa ako kay Tita Veronica nang paalis na ang sasakyan. Sarado pa ang Mall. Yong mga staff pa lang at ibang mga nagtatrabaho na nakaschedule ng opening ang pinapapasok ng mga guard. Pero may mga tao na ding naghihintay sa labas. Bahagya akong sumulyap sa suot kong relo. Halos isang oras pa bago mag-open ang Mall. Nakakaboring naman kung makikipaghintay din ako kasama nang ibang mga tao dito. Tutunganga lang kami ganun. Dumiretso na lang ako sa isang coffee shop na nakabukas sa malapit. Ang daming tao sa loob. Hindi ako nakapagbreakfast ng maayos kanina kaya ipinasya kong umorder muna nang kape bago naghanap ng bakanteng pwedeng maupuan. Meron namang bakante pero nasa bandang pinakagilid pa. Okay lang basta makaupo. Naglakad na ako papunta doon dala ang caffe latte na inorder ko. Pero bago pa man ako makaupo ay may lalaking nauna nang naupo sa akin. Dahil wala nang bakanteng table, ang ginawa ko nakishare na lang ako sa kanya. Tumingin ito sa akin saka biglang kumunot ang noo nito. Medyo nairita tuloy ako pero hindi ko na lang ipinahalata. Huwag niyang sabihing ipagdadamot niya itong upuan. Aba hindi naman kanya! Mahiya naman siya! “Pasensya na! Wala na kasing bakanteng upuan,”sabi ko na lang. Nagbabaka-sakaling makaunawa ito. Pero tinapunan niya lang ako nang masamang tingin. Humigop ito nang kape. Hindi nito pinansin ang sinabi ko na tila wala namang pakialam doon. Hindi ko na lang din siya pinagtuunan ng pansin. Kinuha ko ang phone ko saka chinat si Andrea. Sinabi kong andito na ako at hinihintay siya. Inilapag ko ang phone ko saka humigop sa kape ko. Wala sa loob na napatingin ako sa lalaking kaharap ko. Ngayon ko lang siya natitigan ng maayos. Sobrang guwapo pala nito. Walang binatbat sa kanya yong Korean singer na crush ko. Red lips, matangos na ilong, black wavy hair at thick eyebrows na bumagay sa maiitim at magaganda nitong mga mata. Sobrang perfect ng mukha niya. Mas maganda pa siya sa babae. Bagay na bagay sa kanya ang dark suit na suot nito. Hindi ko tuloy maiwasang humanga dito. Ngayon lang ako nakakita nang ganito kagandang lalaki. Bigla akong natauhan ng biglang mabuhos ang iniinom kong kape at tumapon yon sa suot kong shorts. “s**t!” mura ko nang maramdaman ang init nun sa hita ko. Mabilis kong kinuha ang panyo sa loob ng bag ko saka pinunasan ang hita ko at shorts ko na nabuhusan. Nakita naman ng isang crew ang nangyari kaya mabilis itong lumapit sa akin. “Okay lang ba kayo Maam?” nag-aalalang tanong nito sa akin. Agad nitong pinunasan ang kapeng nagkalat sa mesa. “Yeah. I’m fine. Thanks,” medyo nahihiya kong sabi sa kanya. Buti na lang hindi nabasa yong phone ko na nakalapag lang sa mesa. Ngumiti ito. “Palitan ko na lang yong coffee niyo, Maam.” “Huwag na, Kuya. I’m good.” “Sige, Maam. Kayo pong bahala,” aniya. Pagkatapos malinis ang mesa ay tumalikod na din ito. Nagtaka tuloy ako kung paano natapon yong kape. Hindi ko naman natabig. Ano yon itinumba ng hangin? Ang nakakaiinis pa tumapon pa sa akin. Basa tuloy yong harapan ng shorts ko. Tapos nagmantsa pa. Ang pangit tuloy tingnan. Napabuntong-hininga ako. Bibili na lang ako mamaya ng bagong damit. Hindi ako komportable kapag ganitong basa ang suot ko. Mayamaya’y napatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Nagulat pa ako nang makita kong tumatawa ito. Ako bang pinagtatawana ng kumag na to? Bigla tuloy akong nanggigil. “May nakakatawa ba?” inis kong tanong. Parang gusto kong itapon yong kape niya sa mukha niya. Nagpipigil lang talaga ako. Lalong lang itong natawa. Napalitan nang pagkabwiset yong paghangang naramdaman ko sa kanya kanina. Bastos pala itong lalaking ito. Tingin ba niya nakakatawa yong nangyari? Mayamaya’y tumayo ito. Ewan ko ba kung namamalikmata lang ako. Pero naglakad lang ito saglit tapos bigla na lang siyang nawala. Sinubukan kong igala ang paningin ko sa paligid at hanapin ito. Pero hindi ko na siya nakita. Ang bilis naman niyang nawala? Napailing na lang ako. ‘Siguro talagang namalikmata lang ako’ sabi ko sa isip-isip ko. Wala namang ganung tao di ba? Bigla na lang mawawala? Ano yon? May superpowers ganun? 2023 na uyy! Walang ganun. Kathang isip lang yon. Sayang sobrang guwapo pa naman niya. Ngayon lang talaga ako nakakita nang lalaking mas maganda pa sa babae. Akala mo bakla pero parang hindi naman. Ewan ko lang. Kaso hindi ko gusto ang ugali. Inyo na kung sino mang may gusto sa kanya! Mayamaya’y lumabas na din ako nang coffee shop. Hinintay ko na lang si Andrea sa labas ng Mall. RAVEN'S POV EVERYDAY routine ko na ang pagpunta araw-araw sa coffee shop na ito. Nagustuhan ko kasi ang lasa nang mga kape nila. Masasarap at talagang maaadik ka sa lasa. Kaya binabalikan ko. Regular customer ako dito. Pero siyempre hindi ako nagbabayad. Tamang hypnotize lang ang ginagawa ko sa mga crew na nag-a-assist sa akin. Tapos boom! Mamaya lang andiyan na yong kape ko. Pagkatapos kunin ang brewed coffee na inorder ko ay naupo na agad ako sa paborito kong puwesto. Maganda kasi ang view dito. Nakakarelax tingnan ang paligid. Kaya lalo kung nae-enjoy yong kape ko. Napakunot ang noo ko nang biglang may engot na babae na naupo sa harap ko. Hindi ko na tuloy makita nang maayos yong view na tinitingnan ko dahil natabingan na niya. Yong pagmumukha na niya ang nakikita ko. Bigla tuloy akong nainis. “Pasensiya na. Wala na kasing bakanteng upuan,”sabi nito. Napailing ako. ‘Like I care? Di maupo siya sa sahig!’ Hindi ako ang mag-a-adust sa kanya? Does she even have the slightest idea who I am? Weak humans like her doesn’t have the rights to sit with me. Langgam lang siya kung ikukumpara sa akin. Since medyo nasa mood naman ako ngayon, hahayaan ko na lang siya. Mabait naman ako minsan, e. Iniwasan ko na lang tumingin sa mukha niya at naiirita ako. Ang tulis ng ilong niya. Ang laki nang mga mata niya. Ang kapal ng bibig niya. Haays! Napakapangit na nilalang! Mayamaya’y napansin kong pinagmamasdan niya ako. Napailing na lang ako sa reaksiyon niya. Of course! Magandang lalaki ako kaya lahat ng nakakakita sa akin mapapanganga talaga. Mas maganda pa nga ako sa kanya, e. Ewan ko ba pero lalo akong nainis sa babaeng ito. Pasimple kong pinitik ang daliri ko. Kasabay nun ay tumapon sa kanya ang mainit-init pa niyang kape. Bigla tuloy itong nataranta at napangiwi nang wala sa oras ng maramdaman ang mainit na kape sa balat nito. Agad namang lumapit ang isang crew para tulungan siya. Nakaismid lang ako habang naaaliw na pinapanuod siya. ‘Buti nga sayo’ kako sa isip ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi matawa. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag pinaglalaruan ang mahihinang nilalang na kagaya niya. Nakakatuwa! “Anong nakakatawa?” inis na tanong nito nang mahuli niya akong tumatawa. ‘Ikaw’ gusto ko sanang isagot pero nagbago ang isip ko. Lalo lang tuloy akong natawa na halatang ikinainis nito. Kitang-kita ang pagngingitngit nito nang mga oras na yon. Nakakaaliw ang hitsura niya. Naisip ko tuloy kung anong pakiramdam ng maging isang tao. May mga emosyon kasi sila. Alam nila yong pakiramdam ng maging masaya, malungkot, masaktan at kung ano-ano pa. Nakikita ko lang yon sa kanila pero wala kong ideya kung anong pakiramdam ng mga yon. Wala kasi kaming emosyon. Pero okay lang yon. Ayaw ko din namang maging tao. Mahihina sila. At maigsi lang ang mga buhay nila. Mayamaya pa’y tumayo na din ako nang maalalang may importante pala akong pupuntahan ngayon. Nakatingin pa rin sa akin yong pangit na babae pero hindi ko na pinansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD