CHAPTER 11

2019 Words

Chapter 11 TAGAKTAK ang pawis ko matapos maglaba. Sira iyong washing machine kaya naman mano-mano ang paglalaba. Itinaktak ko ang laman ng plangganang pinagbanlaw ko tapos ay tumayo na ako saka nag-unat-unat. Masakit din sa likod ang kayuyuko. Iyong mga daliri ko nagbabalat na rin matagal na pagkababad sa tubig at sabon. Nasa pagsasampay na ako nang marinig ang cellphone ko na tumunog. Tiningnan ko kung sino ang nag-text at nakita ko ang isang unregistered number. From: 09457******* "G ka ba mamaya?" "Sino kaya 'to?" tanong ko sa aking isipan habang nagta-type ng reply. Hindi naman ako nawawalan ng load dahil tiga-load ako sa school. Negosyo ko ito. Mas madali ito dahil kahit saan pwede kong dalhin. Tapos mabenta pa dahil halos lahat na ng tao sa panahon ngayon na gumagamit ng cellpho

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD