Chapter 10 MAGAAN ang bawat hakbang ko dahil baka may makakita sa akin. Papunta ako ngayon sa basketball court para kuhain sa locker room nila iyong bento box at note na may rating. Panay ang linga ko sa kaliwa't kanan dahil baka may makakita sa akin. Ayokong makilala nila ako na ako ang ang nagbigay dahil nahihiya ako. Bukod pa sa bawal malaman ng nag-rate kung sino ang nagluto para sa patas na rating ay ayaw ko ring ma-issue. Kilala si Mr. Ezcarraza sa buong campus kaya nakasisiguro ako na iisipin ng makakaalam na isa ako sa mga nagkakagusto sa kaniya. "Wala ka nang kawala!" Papasok pa lang sana ako ng locker room pero napatago ako nang marinig iyon. Mabilis ang t***k ng puso ko dahil may tao pala sa loob. Iginala ko ang mata sa paligid at sumilip sa maliit na siwang ng pinto. Nakit

