CHAPTER 1

1678 Words
Chapter 1 "I love you, Ezcarraza!" sigaw ng isang babaeng nanunuod ng basketball game. Napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng cheer dito sa basketball gymnasium. May laban ngayon ang mga Universities at kasalukuyang naglalaro ang school namin. Hindi na nakakapagtaka kung mas malakas ang cheer ng panig namin dahil eskwelahan namin ito. Iyong mga taga-ibang school dumayo lang para manuod at mag-cheer. "Go! Go! Captain!" Nagpalinga-linga ako sa paligid upang hanapin ang kaibigan ko. May kailangan kaming review-hing lesson para mamaya sa reporting namin. Sinubukan ko siyang tawagan kanina pero hindi naman niya sinasagot. Mahilig sa basketball player ang isang iyon kaya nakasisiguro akong nandito lang ang babaeng iyon. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko siya sa bandang itaas na may hawak na banner at nagchi-cheer kasama ang ilan naming kaklase sa Culinary Arts. Nakipagsiksikan ako sa mga tao makalapit lamang sa kaniya. Ininda ko ang nakakabinging cheer ng mga tao. "Sazha!" Lumapit ako at kinuwit siya. "Kanina pa kita hinahanap, nand'yan ka lang pala." "Naku bess, tingnan mo naman si Daniel!" kilig na kilig nitong utos. "Huh? Sinong Daniel?" nakakunot ang noo kong tanong. "Iyon oh! Iyong lalakeng nakasuot ng jersey na number 4. Hindi mo ba siya kilala? Siya ang Captain ng Varsity natin." "H-Hindi eh. Alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga ganiyan." "My gosh! Ikaw na lang yata ang hindi nakakakilala sa kaniya. Eh halos lahat ng tao sa school kilala siya. Saang planeta ka ba nanggaling, huh?" Halos pasigaw ang usapan namin dahil sa ingay ng paligid. Bigla kong naalala iyong dahilan kung bakit ako nagpunta rito. "Oo nga pala muntik ko nang makalimutan. Pinuntahan kita para sa reporting natin mamaya. "Nakapag-research na ako para sa lahat ng ita-topic natin. Kailangan na lang review-hin at gumawa ng PowerPoint Presentation," sabi ko at ch-in-eck iyon sa aking cellphone. "Saka na 'yan 'te. Tingnan mo nga ang ganda ng laro. Sayang naman kung aalis tayo rito." "Mas sayang kapag bumagsak tayo pareho. Mamayang after lunch na ang reporting natin. Patay tayo kay Ma'am Sargona kapag wala tayong na-report mamaya." "Kalma ka lang 'te. Saka ano bang reporting ang sinasabi mo? Walang reporting, okay?" "Huh? Paanong wala? May klase kaya tayo sa kaniya mamaya. Baka nananaginip ka." "Tinanong namin iyong taga-kabilang section na tinuruan din ni Ma'am Sargona kung pumasok ba si Ma'am. Ang sabi naka-leave daw dahil may trangkaso." "Ang ibig bang sabihin walang klase sa kaniya mamaya? Hindi rin ba tuloy ang reporting?" "Exactly. Kaya kumalma ka d'yan at manuod na lang ng laro." Pumihit siya paharap sa court at muling nag-cheer. "Go! Captain! CCS! Huwag kayong patulog-tulog!" Hindi na ako nagpaalam sa kaniya na aalis dahil nakakahiya naman siyang abalahin. Umalis na ako dahil hindi ko kayang tagalan ang ingay dito. Matagumpay naman akong nakababa ngunit nang binabaybay ko na ang gilid ng court ay bigla na lamang may matigas na bagay na tumama sa aking ulo. Napabulagta ako sa sahig sapu-sapo ang parteng tinamaan. Pansamantala akong nabingi sa lakas ng impact. Iminulat ko ang mata ko at umiikot ang paligid. Ramdam ko ang sakit sa parteng tinamaan ng bola. Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay. NANG magising ako ay nasa school clinic na. Kumirot ang aking ulo kaya napangiwi ako. Nakapa ko ang bendang nakabalot sa aking noo. "Naku friend mabuti naman at gising ka na." Tumakbo kaagad siya palapit sa akin nang mapansing gising na ako. "Sobra kaming nag-alala sa 'yo kanina," nag-aalala nitong sambit. "Oo nga, akala nga namin patay ka na kanina." Napalingon kaming dalawa sa kapapasok. Naka-PE Uniform ito at may labit na brown na paper bag na galing sa isang fast food. Inilapag niya iyon sa lamesa at lumapit sa amin. "Bakit ang tagal mong bumili?" nakataas ang kilay na tanong ni Sazha. "Ang layo kaya ng bilihan," sagot naman nito na hindi rin nagpatalo at nakipagtarayan dito. "Anong malayo eh d'yan lang naman sa tapat ng Campus ang bilihan n'yan? Tingin ko naman hindi ka aabutin ng isang oras sa pagbili. Ang sabihin mo nagpa-cute ka pa roon sa crush mong nasa counter." "Hindi ko kailangang gawin iyon dahil maganda na talaga ako!" "Tumigil nga kayo. Mas lalo lang sumasakit ulo ko dahil sa mga pinaggagawa ninyo." "Kumusta naman pala ang pakiramdam mo? Masakit pa ba?" Naupo si Sazha sa silyang nandito sa kuwarto. "Uhm, medyo kumikirot pa. Pero hindi na naman ako nahihilo tulad kanina." Kinapa ko ang aking ulo. "Jusko sis, hindi mo lang alam kung paano mo nakuha ang atensyon ng lahat kanina. Grabe pati iyong audience napatigil mo, sis." Inilabas ni James ang laman ng paper bag. "Natahimik nga iyong buong paligid tapos tumakbo palapit sa 'yo iyong nakatama sa iyo ng bola." "Teka, bakit parang hindi yata tugma ang ekspresyon mo? Tinamaan na nga ako pero bakit parang kilig na kilig ka pa? Hindi ba dapat ay galit ka roon sa nakatama sa akin? Hello? Na-hospital ako dahil sa kaniya." "Clinic bhe," pagtatama ni Sazha. "Ganoon na rin iyon," tugon ko naman. "Naku sis! Sana talaga ako na lang ang tinamaan ng bola kanina." "Talaga James? Ang sweet mo naman," sabi ko dahil sobrang na-touch talaga ako. "Ang haba ng hair mo kanina, bhe." Sinundot ni Sazha ang tagiliran ko. Kunot noo ko naman silang tiningnang dalawa. Naguguluhan ako sa kanilang mga sinasabi. "Naku sissy kung alam mo lang kung paano ka binuhat ni Captain kanina. Grabe parang nasa Asian Drama lang. Inggit nga lahat sa 'yo. Sana all na lang talaga." "Iyan ba ang rason kung bakit gusto mong ikaw na lang ang tinamaan ng bola kanina?" Pinaningkitan ko siya ng mata. "Hehehe parang ganun na nga— ouch! Ang sakit ah. Bakit ba bigla-bigla ka na lang nanghahampas?" "Ang sakit kaya nung tama. Kita mo nga nakabenda pa ako. Hayaan mo kapag bumuti ang lagay ko ako mismo ang babato ng bola sa 'yo. Puro ka kaharutan," singhal ko rito. "Kalma ka lang bhe." Hinagod ni Sazha ang likod ko. "Ang swerte-swerte mo kaya kanina. Eh halos lahat ng babae rito nagkakandarapa na mapansin ni Daniel tapos ikaw binuhat pa. Tapos kitang-kita sa mukha niya na nag-aalala siya sa 'yo. Sana all talaga." Isa pa itong babaeng ito eh. Hindi ko talaga alam kung paano ko naging kaibigan ang mga ito. Pagdating sa gwapong boys ay sila ni James ang magkakampi. May mga pagkakataon din na nagiging sanhi iyan ng away sa pagitan nila. Kahit nga mga artistang lalake sa KDrama eh pinagtatalunan ng mga iyan. Para namang papansinin sila ng mga iyon. "Maswerte ba iyong tinamaan ng bola na akala mo bulalakaw? Naku tigil-tigilan nga ninyo a—" May kumatok sa pinto kaya napatigil ako sa pagsasalita. Nagmamadaling pumunta si James sa pintuan upang pagbuksan ang kumakatok. "Oh My Gosh! Nanaginip ba ako?" Nakaabang lang kami ni Sazha sa lalakeng kumatok. Ilang saglit pa at pumasok ang lalakeng naka-school pants at basketball shirt. Halos maihi sa kilig naman itong babaeng katabi ko. "Hi," bati nito at ngumiti sa akin. May dala siyang bulaklak. "I'm Daniel." He extended his arms in front of me. "By the way, ako nga pala iyong nakatama ng bola sa 'yo. I just wanna say sorry for what happened." "So ikaw pala iyon?" "A-Ako nga, Miss." "Halika." Sinenyasan ko siyang lumapit na siyang ginawa naman niya. "Ano 'yon?" tanong nito at yumuko upang ilapit ang mukha sa akin. "Jusko po!" naibulalas ng dalawa nang sampalin ko ang lalakeng nasa harapan ko. "Alam mo ba kung gaano kasakit iyong ginawa mo? Akala ko nga mamamatay na ako kanina. Paano na lang kung namatay ako sa nangyari? Maibabalik ba ng mga bulaklak na 'yan ang buhay ko?" galit kong tanong. Tumayo siya ng tuwid at walang imik na ipinatong ang bouquet ng bulaklak sa lamesa sa tabi ng aking kama. Naglakad siya pabalik sa akin at hinaplos ang pisnge niyang medyo namumula pa dahil sa sampal ko. Tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi. He looks hot when he did that but it gives me goosebumps. Isinilid niya ang kamay sa bulsa at hinawi pataas ang buhok na nakatabon sa kaniyang noo gamit ang isa pa niyang kamay. "Pwede pa rin naman kitang dalhan ng bulaklak sa puntod mo," anito na ikinainit ng ulo ko. "Kung wala kang magandang sasabihin, umalis ka na lang." "Ganoon ba? Okay, tutal naparito lang naman ako para mag-sorry sa 'yo. Nasa iyo na kung tatanggapin mo iyon o hindi." "Arogante!" singhal ko sa galit ko. Hindi ko alam na ganito pala ang ugali niya. Napakagaspang at ang yabang pa. "You don't know me, miss." Tumalikod na siya at naglakad na palabas pero tumigil siya sa may pintuan at muling nagsalita. "Nga pala, ang lakas ng sampal mo. Pasalamat ka wala ako sa mood makipag-away ngayon. Pagod pa ako sa laro namin kanina. Saka na lang kita sisingilin." Lumabas na siya pagkasabi nun. Kumuyom ang magkabilang kamao kong nakapatong sa aking mga hita. "T-Totoo ba talaga iyong mga n-nakita ko? Hindi kaya nananaginip lang ako ngayon?" naguguluhang tanong ni James na hindi makapaniwala sa mga nangyari. "Gusto mo bang sampalin din kita nang matauhan ka?" sarkastika kong tanong. "S-Sabi ko nga totoo," kabado nitong sagot. Umiinit talaga ang dugo ko sa lalakeng iyon. Porke sikat sa school ang yabang na. Gusto pa akong mamatay. Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo roon? "Naku bhe sisingilin ka raw," alalang sambit ni Sazha. "Edi maningil siya. Tingin mo ba natatakot ako sa kaniya? Oo, mahirap kami pero hindi ibig sabihin nun na pwede na niya akong api-apihin. Bahala siya sa kung anong trip niya. Basta ako magfo-focus lang ako sa pag-aaral ko. Sayang ang scholarship ko rito sa school kung matatanggal lang ako dahil sa pakikipag-away sa lalakeng iyon." "Update lang kita sissy dahil mukhang huli ka sa balita. Hindi mo ba knows na anak siya ng may-ari ng school?" "Luh! `Di nga?" tanong ko at magkasabay pa silang tumango-tango. OMG! Paano na? Nakagat ko na lang ang dulo ng aking hintuturong daliri. —Azureriel
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD