CHAPTER 2

1494 Words
Chapter 2 "Saan ka pupunta?" tanong ni Auntie kaya hindi ako natuloy sa paglabas. "P-Papasok na po sa school," kabado kong sagot. Kilala ko ang Auntie ko at sa ilang buwang pananatili ko rito ay kabisado ko na ang ugali niya. Mukha ngang alam ko na rin kung ano ang sunod na mangyayari. "Papasok ka na? Eh paano iyong labahin mong iniwan mo kagabi?" nakapamey-awang nitong tanong sa akin. "T-Tatapusin ko na lang po pag-uwi ko mamaya, Auntie Lucy." "Bakit kasi hindi mo pa tinapos kagabi? Halika nga rito nanggigigil ako sa 'yo," utos nito na siyang ginawa ko naman. "Aray!" daing ko nang kutusan niya ako sa ulo. "Sira ka ba? Anong mamaya-mamaya? May lakad mamayang tanghali ang pinsan mo. Kailangan matuyo na iyong dress niya bago magtanghali." "Pero Auntie Lucy kahit naman po labhan ko iyan ngayong umaga hindi ko pa rin naman po iyan matutuyo ng ganoon kabi—" "Aba! Edi gumawa ka ng paraan. Makigamit ka ng dryer. Gamitin mo nga 'yang utak mo. Naturingan kang running for Dean List tapos ganiyan ka. Akala ko ba matalino ka?" "S-Sige po, aasikasuhin ko po iyong gagamitin niyang dress mamaya." Hindi na ako nagsalita pa at kumilos na lang. Kahit naman anong sabihin ko ay hindi ako mananalo. Mas magagalit lang siya sa akin at baka hindi pa ako papasukin. Wala naman akong magawa sa pang-aapi niya dahil dito ako nakatira. Kapag pinalayas ako ay wala akong ibang mapupuntahan. Tiis-tiis na lang muna kaysa naman matulog ako sa bangketa. Ako na lang ang inaasahan ng aking pamilya sa probinsya. Tinapos ko ang pagbabanlaw ng dress na tinutukoy niya. Ibinabad ko iyon ng ilang minuto sa liquid detergent tapos ay inilagay sa maliit na planggana. Nakiusap ako sa kapitbahay namin na may dryer kung pwedeng makigamit. Buti na lang talaga at kasundo ko ang nakatira rito kaya pinagamit ako. Matapos iyong mai-dryer ay umuwi na ako para i-hanger. Nag-ayos akong muli tapos ay tumakbo na palabas upang pumara ng jeep. "Nand'yan na ba si Ma'am?" kabado kong tanong kay Sazha na nagsisintas ng sapatos. Pagdating ko kasi sa classroom ay naabutan ko na naka-PE uniform ang lahat. "Wala pa pero maya-maya nandito na iyon." Tumayo siya at hinarap ako. "A-Ano ba iyang suot mo? Bakit naka-uniform ka?" "M-May PE ba ngayon?" "Ano pa ba sa tingin mo? Nakalimutan mo ba na Friday ngayon?" "OMG! Ang dami ko kasing ginawa kagabi kaya nakalimutan ko na kung anong araw ngayon. Paano 'to? Baka ma-demerit ako." "Wala rin naman kasi akong dalang extra PE uniform." Napatingin siya sa ulo ko. "Ang swerte mo pa rin bhe." "Huh? Paanong swerte eh hindi nga ako nakapam-PE?" kunot noo kong tanong at umikot ang mata niya. "Alam mo bhe kahit naman nakapam-PE ka pa hindi ka rin paglalaruin ni Ma'am. Nagka-injury ka sa nangyari kahapon. Kailangan mo pang magpahinga." Tinapik niya ang balikat ko at kinindatan ako. Dumating ang PE teacher namin at pinapunta kami sa school volleyball court para sa PE class namin. Volleyball ang sports namin ngayon kaya nangangamote talaga mga grades ko. Wala naman akong ka-skill-skills pagdating sa sports. Tulad ng inaasahan excuse ako dahil sa injuring tinamo ko kahapon. Buti na lang talaga dahil kung hindi baka nagkalat lang ako ng kahihiyan dito. Pinanuod ko na lang iyong mga kaklase kong naglalaro. Pagkatapos naman ng PE class namin ay lunch break na. Isang subject lang kami sa umaga kapag araw ng Biyernes kaya medyo chillax pa ang araw na ito. Matapos ang PE ay nagsilapitan na sa pwesto ko ang mga kaklase ko para kuhain ang mga bag nila. Pawis-pawisan iyong iba tapos ako heto fresh na fresh pa. Masarap pala maupo lang. "Saan ka kakain?" tanong ni Sazha kay Keno habang may hinahanap sa bag. Inilabas niya ang panyo at ipinunas iyon sa mukha upang tuyuin ang pawis. "Sa plato," pamimilosopong sagot nito at natawa na rin ang ilang nakarinig. "Ang tanong ko saan. Hindi ko naman sinabing ano. Kapag "saan" ang tanong, ang hinahanap ay lugar. Kapag "ano" tao o bagay. Kaya tigil-tigilan mo ako sa plato-plato na iyan. Hambalusin kita ng plato mamaya eh." "Nadali ka roon, pre!" tukso ng isa naming kaklase na tropa ni Keno. "Ang pilosopo mo naman kasi, tol. Si Sazha pa pinilosopo mo eh alam mo namang naligaw lang sa Culinary Department 'yan. Alam mo namang Philosophy talaga gusto n'yan," gatong pa ng isa niyang tropa. Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena dahil madalas naman talaga silang magtalong dalawa. Sanay na nga ako. KATATAPOS lang naming kumain ng lunch. Inaya ako nina Sazha na gumala sa Mall ngayong lunch break. May event daw kasi ngayon doon ang ilang kilalang artista. Sisilip lang daw sila. Hindi ako sumama dahil hindi naman ako mahilig sa ganoon. Sinakbit ko ang bag ko at naglakad na palabas ng Cafeteria yakap ang aking mga libro. Doon na lang muna ako sa Library tatambay habang wala pang klase. Sa paglalakad ko sa hallway ay bigla na lang may bumangga sa akin. Nawalan ako ng balanse at tumilapon ang mga dala ko. Nakita ko ang nike shoes sa harapan. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa may suot nun at nakita ko ang lalakeng bumisita sa akin sa Clinic kahapon. Nakasilid ang mga kamay niya sa bulsa habang nakatingin sa akin. Akala ko ay tutulungan niya ako pero hindi iyon ang nangyari. Nginitian niya lamang ako na para bang nang iinsulto tapos ay nilampasan. Nanggigigil kong dinampot ang pencil case ko at ibinato sa kaniya. Napangiti ako sa pag-aakalang tatamaan siya pero nawala ang ngiting napakapinta sa aking mukha nang masalo niya iyon nang walang kahirap-hirap. Grabe may mata ba siya sa likod? Ni hindi man lang siya lumingon sa akin. Kaya papaano niya nalaman na babatuhin ko siya? "Kung iniisip mo na makakaganti ka sa pamamagitan ng pagbato nito sa akin pwes nagkakamali ka," aniya habang nakatalikod pa rin sa akin. Tumayo ako kahit na masakit ang balakang ko sa biglang pagbagsak. Naku kapag ako talaga nabalian dito ipapapulis ko na ang isang ito. "Nabangga mo ako tapos ano? Wala man lang sorry?" "Binato mo ako ng pencil case tingin ko naman patas na tayo." Tiningnan niya ang binato ko bago muling nagwika. "Sinabi ko naman, hindi ba? I'm not done with you, Ms. Dimartir." Ibinulsa niya ang hawak at naglakad na papalayo. Bwisit! Alam na niya pati pangalan ko. "Hoy! Iyong pencil case ko!" sigaw ko pero wala ring nangyari. "Ang pencil case ko." Nanghihina akong napaluhod. TAPOS na ang klase para sa araw na ito at pauwi na rin ako. Walang kabuhay-buhay akong naglalakad dahil sa nangyari kanina. Hindi ko man lang nabawi iyong pencil case ko sa Captain na iyon. Bakit ba puro yata kamalasan ang nangyayari sa akin simula pa kahapon? Nagtaka pa ako kung paano niya nasalo eh Basketball player nga pala iyon. Malamang malakas ang reflexes niya. Nandito ako sa National Bookstore ngayon para bumili ng bagong ballpen at ilang study stuffs tulad ng stapler, puncher, scissor, at double sided tape. Medyo natagalan ako sa National Bookstore dahil sa haba ng pila. May sale kasi sila rito ngayon. Iyon din ang rason kung bakit nandito ako, sayang din ang discount. Kailangan ko iyon dahil mahirap ang buhay. Matapos bayaran ang mga pinamili ko ay lumabas na ako para umuwi. Patawid na sana ako ng kalsada nang bigla namang bumuhos ang ulan. Wala pa naman akong dalang payong. Kung minamalas ka nga naman. Itinakip ko sa aking ulo ang isang kamay ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kaliwa't kanan upang tingnan ang mga sasakyan. Patawid pa lang ako ng pedestrian lane nang may kung sinong nagpatong ng tingin ko ay jacket sa aking ulo. Naamoy ko ang pabango roon. Magsasalita pa sana ako pero nauna na sa paglakad iyong lalake. Tulala ako sa ginawa ng isang iyon kaya hindi ako nakapag-react kaagad. Pinanuod ko na lamang ang likod niya habang papalayo siya sa akin. Matangkad siya at naka-basketball shoes din. Nakasuot siya ng uniporme na sa pagkakatanda ko ay uniform ng Meyer High University. Kinusot ko ang mata kong nabasa ng ulan. Nang magmulat ako ay wala na ang lalakeng naglagay ng jacket sa aking ulo. Sinubukan ko pa siyang habulin pero hindi ko na siya naabutan. Hinanap ko siya pero sa dami rin ng tao rito ay hindi ko na nahanap. Sumakay na lang ako ng train dala-dala pa rin iyon. Pagkaupo ko sa upuan ay tinuyo ko ang nabasa kong buhok kanina gamit ang jacket. Nanlaki ang mga mata ko nang makita iyon. Ang jacket na ito ay pamilyar sa akin. Kung tama ang pagkakaalala ko ang varsity jacket na ito ang suot ng nakalaban ng school namin kahapon. Inilatag ko iyon sa hita ko at tiningnan ang nakasulat sa harapan ng jacket sa may bandang dibdib. May logo iyon ng Meyer High University. Binaliktad ko iyon at binasa. "Delveña, number 14," sambit ko sa hangin at humigpit ang hawak sa tela. —Azureriel
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD