•Thunder• Nagtagis ang aking mga ngipin para pigilin ang luha na pumatak. Umiinit na ang bawat gilid ng aking mga mata dahil sa namumuong luha roon. Habang tinitingnan ko ang nasasaktan at umiiyak na mukha ni Eychan pakiramdam ko ay hinahati ang puso ko sa sobrang sakit. Ayaw ko siyang iwan pero hindi ko rin siya pwedeng isama sa pupuntahan ko. Hindi maipagkakaila na sobrang delikado no'n kaya hindi ko nanaisin na mapahamak siya. Hinila ko siya papalapit sa akin at hinaplos ang kanyang buhok. "Pasok na tayo sa loob baka hinihintay na tayo ng daddy mo," mahinahon kong wika. Hinawakan ko ang kanyang kamay para mahila siya papasok sa loob nang hinigpitan niya ang pagkakapit doon at hindi kumikilos sa kanyang kinauupuan. Kaagad ko siyang nilingon nang nakakunot ang noo. "May problema ka b

