SWBL 02:

1309 Words
EYCHAN Dala-dala ko ang bag na may laman ng aking mga gamit. Ngayong araw ko iiwan ang bahay na ito, ang bahay na puno ng aming mga alaala ni Kyser.Mabigat man sa aking loob na umalis dito ay wala akong ibang magagawa. Wala na akong pamilya at galit sa akin ang mga magulang ng lalaking mahal ko. "Hindi ka pa pala nakakaalis?" Napatingin ako kay Ianne. Alam ko na may gusto ito kay Kyser, kaya galit na galit ito sa akin. "Ano yung feeling na may iba nang titira sa bahay na akala mo ay sa iyo?"Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula nang maglakad palayo. Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa aking kanang mata. Mainit ang unang pagdampi nito sa aking mukha, ngunit hindi ko iyon pinunasan kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao. Habang naglalakad ako papalayo isa lang ang nasa isip ko. Makakakita pa kaya ako ng taong magmamahal sa akin ng totoo. Makakaya ko pa kayang magmahal ng ibang tao? NAGISING ako mula sa panaginip kong iyon. Tatlong taon na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin para sa akin ang mga pangyayari. Hindi ko pa rin makakalimutan ang kahapon na iyon. Ang kahapong nagpabago sa lahat ng plano ko sa buhay. That will be the biggest plot twist of my life, and the other one? Hindi ko alam kong kailan iyon darating. "Sinabi ko naman sa iyo na wala akong balak na maging nobya ka di'ba?" Bumangon siya mula sa kinahihigaan niyang sofa at pumunta sa pintuan para silipin ang mga taong nasa labas ng kanyang unit. "Mabuti pala at hindi kita ginalaw kagabi. Takot ko lang magpakasal sa iyo ng wala sa oras, tsk. Umalis ka na nga. Ayaw ko nang makita pa muli ang pagmumukha mo." Hindi ko alam o kilala ang nag-uusap sa labas ngunit babae rin ako kaya nasasaktan ako sa sinasabi ng lalaki na nasa labas ng unit ko ngayon. Tumayo ako at tinungo ang pintuan binuksan ko ang pinto at tiningnan silang dalawa na nasa harapan ng pintuan ko. "Anong tinitingin-tingin mo? Wala kang pakialam sa isyu naming dalawa kaya umalis ka na! Sino ka ba?" galit na tanong sa akin ng babae. Nawala 'yong awa na umusbong sa puso ko kanina. Napalitan iyon nang galit at inis kung ganito lang din naman ang ugali niya ay wala talaga akong balak na makialam sa buhay niya at tulungan siya sa kanyang problema. Tinuro ko ang numero ng kwarto at dinuro silang dalawa at tinapik ang pinto para gumawa nang malakas na tunog at magising ang babaeng ito. "Huwag mong ipakita 'yang kamalditahan mo kapag wala ka sa lugar. Nasa harap kayo ng kwarto ko! At excuse me, miss, normal lang na kwarto ito at hindi soundproof kaya kapag nag-iingay ka ay maririnig doon sa loob at nabubulabig ang pagtulog ko. Gets mo?" Tinaasan ko siya ng kilay nang namumula siyang tumingin sa akin. "Wala akong pakialam sa s*x life at love life ninyo, kaya lumayas kayo sa harapan ko!" Pabagsak kong sinarado ang pinto at pumunta sa kusina. Nagutom tuloy ako dahil sa pagmumukha ng babaeng iyon. Hindi ako kumakain ng kanin tuwing umaga, dahil nasusuka ako. Coffee and bread lang busog na ako. Pagkatapos kung kumuha ng kakainin ko ay pumunta na ako sa sofa. Wala akong pasok today kaya manunuod na lang muna ako ng korean drama. Kakaupo ko pa lang sa sofa nang marinig ko ang tunog ng doorbell. "Wait lang! Hindi makapaghintay? May sunog? Kapag walang sunog at gan'yan maka-doorbell ay ikaw talaga ang susunogin ko," sigaw ko nang patuloy pa rin ito sa pagpindot ng doorbell. Tinaasan ko ng kilay ang lalaking nasa harapan ko ngayon. "Anong kailangan mo?" Napakunot ang aking noo nang maalala ko ang pamilyar na pagmumukha nito. Kung hindi ako nagkakamali nakita ko siya three years ago. Siya 'yung lalaking walang modo na bumangga sa akin sa loob ng sports gymnasium. Ngunit sa reaksyon nito ngayon ay natitiyak kong hindi niya ako nakikilala. "Miss, pasensya ka na kanina. Menudo nga pala—" "Busog pa ko," putol ko sa sinasabi niya at isasarado na sana ang pintuan, nang hinarangan niya ito. "Anong kailangan mo? Wala akong oras para kausapin ka." "Sa gwapo kong ito? Sayang naman at hindi mo ako masisilayan nang matagal." Napasigaw ito nang malakas kong pinitik ang kanyang noo. "Aray ko naman, miss! Sadista ka. Ang liit ng mga daliri mo pero sobrang sakit noong tumama sa aking noo sa tingin ko nga pati puso ko ay natamaan na rin." Napangiwi ako sa kakornihan niya at pinag-krus ang aking mga braso, habang nakatitig sa kanyang nakangiting mukha. Hindi ko alam anong problema ng lalaking 'to at paiba-iba ang ugali. Isang pagbabago pa ng ugali nito ay iisipin ko na baliw nga ito. "Hindi kita kilala. Wala akong oras para makipag-kwentuhan sa iyo, kaya pwede ba umalis ka na at—" "Thunder De Silva. Gusto ko lang naman makipag-kaibigan sa'yo." Bumuntong-hininga ako at tinanggal ang kamay niyang nakaharang sa pintuan ko. "Hindi ko kailangan ng kaibigan," usal ko at sinarado na ng tuluyan ang pinto. Simula nang mawala si Kyser sa tabi ko. Wala na rin akong ganang makipaghalubilo sa ibang tao. Natatakot ako na darating ang araw ay iiwan din nila ako. Bumalik ako sa sofa at nagsimula ulit kumain. Binuksan ko na rin ang TV para malibang. Napatigil ako sa pagkain nang makita ko ang mukha ni Monique. "Ikaw na ang champion for three consecutive years. May gusto ka bang sabihin sa mga figure skater na gustong kumalaban sa'yo o gusto mong labanan?" Nakita ko ang pag-iba ng emosyon ng mukha nito habang nakatingin sa may camera. Masaya ako para sa kanya natupad na rin niya ang pangarap na maging champion sa larangang iyon. Ililipat ko na sana sa ibang channel iyon nang marinig ko ang pangalan ko na binanggit niya. "Eychan Kim, narinig mo ba ang sinabi ko? Ikaw lang ang nag-iisang figure skater na gusto kong makalaban sa loob ng rink." Ngumisi ito at itinaas ang trophy na hawak. "Maghihintay ako sa araw nang pagbabalik mo. Ice Queen, gusto kong kunin ang titulong hawak mo." Mapait akong napangiti at inilipat na iyon sa ibang channel. Gustuhin ko man na bumalik sa pagiging figure skater ay di ko na magawa. Nangako ako kay Kyser na hindi na ako babalik. Dahil sa bagay na iyon nawala ang pinakamamahal kong tao. Sumandal ako sa sofa at ipinikit ang aking mga mata. Malapit na ang ikaapat na anibersaryo ng pagkamatay nito, ngunit hanggang ngayon masakit pa rin sa puso ko ang mga alaala. "Kung hindi lang sana kita pinilit na puntahan ako. Sana..." Tumigil ako sa pagsasalita at marahan kong pinahid ang luhang pumatak sa gilid ng aking kaliwang mata. "Sana buhay ka pa ngayon. Edi sana nasa tabi pa kita, tumatawa at patuloy akong sinusuportahan—" Naimulat ko bigla ang aking mata nang may nagpipindot na naman ng doorbell ko. Galit akong tumayo at pinuntahan ang pintuan. Masasapak ko na talaga kung sino man ang taong umistorbo sa pagmumuni ko! "What?" galit kong sigaw dito. Inilapit naman nito ang menudong dala rin niya kanina. "Nakalimutan mo 'yang kunin," saad niya sabay kuha sa kamay ko at ipinatong doon ang plato. "Huwag kang mag-alala masarap 'yan." Bago pa ako makasagot ay tumakbo na ito palayo at pumasok sa loob ng kabilang kwarto. Papasok na rin sana ako nang binuksan nito muli ang pinto at dumukwang doon. "Hindi rin ako aswang." Naiiling akong pumasok at isinarado ang pinto. Hindi ko siya kilala pero nakakatakam naman ang menudong ibinigay niya. "Wala naman sigurong lason ito," kausap ko sa aking sarili at pumunta na sa kusina. Kakainin ko na lang at baka masayang pa, sayang din ang pera na iginastos sa pagluluto ng putaheng ito "Ngayon lang ito, Eychan, tandaan mo 'yan," kastigo ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD