bc

Romance with Incubus

book_age18+
113
FOLLOW
1K
READ
sex
manipulative
incubus/succubus
serious
mystery
scary
friendship
spiritual
addiction
seductive
like
intro-logo
Blurb

Maraming milagro ang mundo.. hindi lang natin napapansin, sa likod ng ating mga mata, merong nararamdaman ang ating katawan na hindi nakikita ng paningin..

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaing umibig sa hindi nya nakikitang nilalang..

Sa bawat araw ng buhay nya ramdam nya na may kasama sya..

Sa bawat galaw, alam nya may bantay sya..

Umiwas man sya at isiping wala syang pakiramdam, hindi nya maitatanggi na umabot sa puntong tinatanggap na nya ito, umiibig na pala sya sa hindi nya nakikitang nilalang, tinatanggap na pala ng katawan nya ang mga haplos nito, ang mga yakap nito na nagpapainit sa buo nyang pagkatao... kahit sino pa sya, kahit anupaman, sa kanyang pakiramdam hindi ito maibibigay ng normal na taong kasama nya...

*** Ang kwentong ito ay kathang isip lamang, anumang pagkakatulad sa kwento ng tunay na buhay ay hindi sinasadya.. ***

chap-preview
Free preview
EPISODE 1 - KABATAAN
Graduate na sa Elementary si Kimberly, nagsisimula na sya mag-ayos ng mga kailangang dokumento para makapasok sa Highschool, napili nyang mag enroll sa Sacred Heart School na malapit lamang sa bahay nila.. Kahit pa Highschool na si Kimberly, hindi pa rin nya maiwanan ang pagiging bata nya, madalas pa din sya makipaglaro sa mga batang kapitbahay nya ng piko, moro-moro, tumbang preso at habulan taga... Madalas nilang lugar na paglaruan ang bakood na malapit sa bahay nila.. isa itong malawak na lupain na maraming mga puno ng akasya at sampaloc, dito din mahilig syang mamingwit ng palaka kasama ang mga kaibigan dahil madamo ito at maraming nakatirang palaka na ulam na nila ng kapatid nya sa gabi.. Isang araw ginabi si Kimberly sa pag-uwi galing sa paglalaro, nalibang kasi sila kaka-akyat sa mga puno at sa pagkuha ng mga bulaklak na damo sa paligid.. pagdating nya kumain na sya at umakyat agad sa itaas ng kanilang bahay para matulog.. Dahil pagod sa paglalaro nakatulog na sya.. alas dos ng madaling araw, naalimpungatan sya dahil umangat yung bintanang capis nila, lumang bahay pa noon ang tinitirhan nila, ang bintana madali iangat dahil gawa sa kahoy na may capis na disenyo.. Tumingin sya sa bintana pero wala syang nakitang anuman na maaring magpa-angat nito na wari bang meron pumasok sa bintana.. hanggang sa itinuloy na nya ang pagtulog nya.. Pero muli syang nagising dahil pakiramdam nya may narinig syang umihip na hininga malapit sa tenga nya na parang sumipol... Medyo natakot si Kimberly at kinabahan, tatayo sana sya pero hindi nya maiangat ang katawan nya.. biglang pakiramdam nya naninigas sya, nanginginig na hindi nya maintindihan.. hanggang sa pumikit na lang sya at umiyak , bagay na narinig ng kanyang lola na nasa malapit lang sa higaan nya at nilapitan sya nito.. at nasabi nya ang naramdaman nya pero hindi ito naniwala, sinabing panaginip lang at tinabihan na lang sya nito hanggang sa makatulog na sya.. Kinabukasan pag gising nya, papunta sana si Kimberly sa Cr ng bigla syang kinabahan sa nakita nya sa lapag na daraanan nya, puro bakas ng paa na maliit na puting alikabok, hindi nya alam kung anong klaseng nilalang ba ang naglakad doon.. dahil tinatawag na sya ng kalikasan hindi nya ito gaanong naasikasong pansinin at nagmamadali syang pumunta ng Cr. Paglabas nya sa Cr hinanap nya ang bakas pero sa pagtataka nya, wala na ang mga ito.. Hapon kasama ni Kimberly ang mga kaibigan nya sa paglalaro pero hindi pa rin mawala sa isip nya ang nangyari kagabi.. Naisip nya natatakot na syang mapag- isa.. alam nya may kakaibang nilalang na pumasok kagabi sa bahay nila pero wala syang mapagsabihan dahil natatakot syang walang maniwala sa kanya.. Sumapit na muli ang gabi at oras na para matulog, kabado si Kimberly pero antok na antok na sya.. kaya pinikit na nya ang kanyang mga mata hanggang sa makatulog.. Kalagitnaan ng gabi dinalaw sya ng isang panaginip na lalakeng misteryoso na parang prinsipe ang kasuotan, pero ang mukha nito, malabo at hindi nya maaninag.. nakangiti ito sa kanya parang naulinigan nya ang sinabi nito.. akin ka... Nagising si Kimberly na nakikiramdam sa paligid nya.. parang wala naman kakaiba.. tumingin sya uli sa bintana pero walang bakas na kung anuman. kaya itinuloy na uli nya ang tulog nya.. Isang gabi habang nasa sala sila ng kanyang ina sa ibaba at nanonood ng Tv, naisipan nyang umakyat sa itaas para kunin ang kanyang libro... Pag-akyat nya parang may kakaiba pero hindi nya pinansin.. Habang naghahalungkat sya ng libro na kukunin biglang kumalampag ang bintana paangat at biglang bagsak.. Ninerbyos si Kimberly, nasabi nya na ayan na naman sya.. natakot sya at biglang kumaripas pababa sa sala..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

NINONG III

read
416.9K
bc

Just A Taste (SPG)

read
930.5K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.5K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.4K
bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
265.7K
bc

The Dark Psycho Angel(TAGALOG)

read
83.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook