Mabigat ang pakiramdam ni Kimberly, halos dalawang araw syang hindi nakapasok, kaya pinilit nyang makapasok ngayong araw dahil napag- iwanan na sya sa klase.
Pagpasok nya sa classroom hindi nya namalayan na nakasunod pala sa kanya si Leejong..
"Hello Kimberly!" at tinabihan sya nito sa upuan nya sa bandang likuran.
Kinamusta sya nito kung bakit hindi sya nakapasok at bago nagsimula ang klase tinuruan sya nito sa mga naiwanan nyang lesson.
Habang nasa klase, napansin nya si Leejong na nakahawak sa ulo nito na parang may masakit..
"Leejong okay ka lang ba?"
"Oo Kim, bigla lang ako nakaramdam ng hilo at pananakit ng ulo"
Hanggang maya maya napansin nya itong namumutla na, at ng kapain nya ito ang taas ng lagnat at ang init ng ulo at leeg..
"Leejong ang taas ng lagnat mo, punta ka sa clinic, uminom gamot at magpahinga"
Tinawag agad ni Kimberly ang atensyon ng teacher nila para madala ito sa clinic at mabigyan ng paunang lunas..
Natapos ang klase wala syang kasabay sa pag -uwi, maaga umuwi si Leejong, sinundo ito ng parents nya ng malaman na mataas ang lagnat ng binatilyo.
Pag - uwi sa bahay , nag asikaso na sya ng mga takdang aralin at nag review sa darating na exam.. hindi pa rin nawawala sa isip nya ang ngyaring panaginip na nagpapagulo sa kanya..
Pagabi na naman, naalala nya hindi pala nya nagagawa ang mga payo ni Apo Bunso, sinubukan nyang dasalin ang bigay nito na ora, at nagsuot sya ng kulay pulang damit at nagpabango bago matulog..
Hatinggabi, naalimpungatan si Kimberly, wari'y may kumakatok sa bintana malapit sa kanyang tinutulugan.. napatitig sya dito pero wala naman syang nakitang kakaiba.. hanggang sa dalawin muli sya ng antok.
Payapa ang magdamag nya, wala syang panaginip na naranasan.. Pero hindi nya maintindihan ang sarili nya, hinahanap ng labi nya ang mga halik nito na nagpa init sa buo nyang katawan.
Sa klase nakita nyang nakapasok na si Leejong..
"Leejong! Kamusta na ang iyong pakiramdam?"
"Oi Kim namiss kita, dalawang araw din akong hindi nakapasok, lagi ka sa isipan ko.. "
"Sus bola na naman" ani kim
"Kain tayo dun sa bagong kainan after ng uwian ah, sabay tayo umuwi"
"Pag- iisipan ko, pero kung libre mo payag na ako hahaha"
"Yes! All is my treat, libre kita! "
Natapos ang klase magkasama sila ni Leejong, kumain sila , nagkwentuhan at aminin nyang nag enjoy sya sa company nito, andami nitong biro na tawa sya ng tawa, hindi nakakasawang kausap at may sense of humor..
Gabi gabi ang dasal na ginagawa ni Kimberly, ilang taon na din na dala dala nya lagi ang orasyon at pagsunod sa payo ni Apo Bunso, bagay na napansin nya naging payapa na ang bawat gabi sa pagtulog nya, wala ng gumagambala sa kanya.
Fourth year Highschool na sila ni Leejong, dahil sa tyaga ng binata nagpasya syang sagutin na ito bago sila mag Graduation.. Napamahal na rin ito sa kanya at hanggat maari ayaw nyang mawala ito sa tabi nya.
Tuwang tuwa si Leejong ng ipagtapat nya dito na mahal na rin nya ito.. at naging sila na nga ,bagay na ikinatuwa ng mga kaklase nila.
Gabi, sinama nya si Leejong sa bahay nila para doon na maghapunan, pagkatapos ng hapunan nagpaalam na rin ang binata na uuwi na dahil maaga pa bukas pagpasok sa school.
Nakatulog agad si Leejong pagdating nya, pakiramdam nya pagod na pagod sya.. hanggang sa lumalim ang tulog nya at isang lalaki ang nagpakita sa panaginip nya.
"Akin lang si Kimberly, hindi rin kayo magiging magkapalaran, maghihiwalay kayo ng landas!"
Napabalikwas ng gising si Leejong, hindi nya maintindihan ang aura ng lalaki sa panaginip, naka jacket ito ng itim na may suklob sa ulo, kinakabahan sya.. "Anong ibig sabihin ng panaginip na yun"