EPISODE 4 - PAGLISAN

595 Words
Graduation na nila.. kanya kanya na ng preparation, busy na lahat. Si Kimberly nagpa-ayos sya kasama ang mga kaklase nyang babae sa isang parlor, si Leejong kasama naman ng mga barkada nya. "Masaya ako Kim at nakatapos na tayo ng highschool, pero hindi ko alam after nito kung saan ako mag-aaral" medyo malungkot si Leejong habang kausap nya si Kimberly "Bakit? Akala ko pareho tayong mag-eenroll sa Manila, susubukan natin makapasok sa mga University doon na kaya ng budget ng mga magulang natin?" "Si mama gusto nya umuwi kami ng Cebu sa bahay ng mga magulang nya, doon ako mag-aaral ng College" Biglang natigilan si Kimberly, naisip nya paano na sya kung wala ito? Sa loob ng apat na taon, nasanay na syang nasa tabi nya ang binata... Medyo napaiyak sya pero inalo sya ni Leejong.. "Paano yung relasyon natin? Paano tayo magkikita?"at tuluyan ng napaiyak ang dalaga.. "Gagawa ako paraan na makauwi kapag sem-break, ano ka ba! Wag kang malungkot, graduation natin dapat masaya tayo okay!" Natapos ang graduation, ilang araw lang nagpaalam na sa kanya si Leejong upang umalis papunta ng Cebu. Tutol man si Kimberly wala syang magawa dahil buong pamilya nito ang umalis para doon na manirahan. Nang umalis si Leejong parang nawalan ng gana si Kimberly sa lahat ng bagay. Lagi syang nagkukulong lang sa kwarto sa itaas ng bahay nila, laging malungkot at naiiyak. Hindi pa ganun kauso ang social media ng panahon na iyon kaya sulat lang ang maaring mag ugnay sa kanilang dalawa, kaya lubhang nababagabag ang dalaga. Kung ano ano ang pumapasok sa isipan nya.. "Paano kung may mahanap na syang iba doon, magaganda pa naman ang mga babaeng Cebuana" Nakatulog syang nag iisip kung ano ang magiging kapalaran nilang dalawa.. hanggang sa lumalim ang gabi at isang anino ang makikitang nakatayo sa tabi ng kama nya.. umupo ito sa tabi nya at pinagmamasdan sya nito.. Pakiramdam ni Kimberly parang may kung ano na umuga sa kama nya kaya naalimpungatan sya at nagising pero wala naman syang kasama sa kwarto. Tuluyan na syang nagising at nakikiramdam, binuhay nya ang ilaw at tiningnan ang bintana, tahimik naman ito. Muling pinatay ni Kimberly ang ilaw na tinuloy nya ang kanyang pagtulog. Napasarap ang kanyang tulog, hindi nya namamalayan unti-unti umaangat ang suot nyang palda at nabubuksan ang butones ng kanyang kasuotan.. Paggising nya kinabukasan nabigla si Kimberly, bukas ang butones ng kanyang blouse na suot at medyo nakababa ang kanyang panty, bagay na lubha nyang ipinagtataka. "Bakit bukas ang damit ko at nakababa ng konti ang panty ko, ano ngyari kagabi na kakaiba?!" Pinapakiramdaman nya ang katawan nya pero wala naman syang maramdaman na nabago dito. Naalala nya, ilang araw na pala mula ng umalis si Leejong hindi na nya nadarasal ang mahabang ora na bigay sa kanya ni Apo Bunso. Hinanap nya ang dasal pero hindi nya makita, nakakapagtaka na sa loob ng apat na taon na dinarasal nya iyon wala syang maalala gaano sa Latin na salita, natatandaan nya lang ang bandang unahan nito. Kinabahan si Kimberly, alam nya sa ilalim lang ng unan nya nilalagay yung dasal na yun. Pero nasaan na.. "Nawala kaya ng magpalit ako ng punda at sapin ng kama" "Paano na yung orasyon ko gabi gabi.. Hindi kaya bumabalik na naman sya dahil ilang araw na ako hindi nakapagdasal.. " Bago sya matulog nagdasal si Kimberly, at dahil nawawala ang dasal nya , nagdasal na lang sya ng alam nyang dasal gaya ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Sumasampalataya. Hanggang sa nakatulog na din sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD