Pakiramdam ni Kimberly para syang ilog na sumusunod na lang sa agos.
Kahit nag - iisa pinilit nyang kumilos ng wala si Leejong sa tabi nya, lumuwas sya ng Manila para mag entrance exam sa mga University na maari nyang pasukan.
Di naman sya nabigo, nakapasok sya sa isang kilalang University at kumuha sya ng Kursong Journalism.
Halos dalawang oras ang byahe ni Kimberly pag pumapasok sya sa School pero nagtyaga sya mag - uwian
dahil natatakot syang mapag - isa sa Maynila.
Gabi - gabi pa din pakiramdam nya laging may mga matang nakatingin sa kanya pero binabalewala nya iyon. Madalas nakakaramdam sya na parang may humahaplos sa kanya, noong una natatakot sya talaga hanggang parang nasasanay na din sya na laging may nagpaparamdam sa kanya.
Isang araw sa School , nawala ang kanyang mahalagang kwintas na nilagay nya sa kanyang bag, ang sama ng loob nya, pinag - ipunan nya iyon para mabili lamang. Hanggang bahay hindi sya mapakali at parang kinakausap ang sarili na
"sino kaya kumuha ng kwintas ko! Ang sama ng loob ko, di bale may karma din iyon"
Hanggang sa wala sa loob nya na kinakausap na pala nya ang mahiwagang nilalang na nagpaparamdam sa kanya..
"Maari ba ako humingi ng tulong mo na malaman ko sino kumuha ng kwintas ko at maibalik sa akin? Ano ba itatawag ko sayo.. alam kong mabait ka at laging nakabantay sa akin.."
Para syang nababaliw na kumakausap sa hangin dahil na rin sa desperado na syang makita pa ang mahalagang kwintas nya.
Napaisip si Kimberly!
"Pwede ba kitang bigyan ng pangalan? Para alam ko na rin itatawag ko sayo, gusto mo bang name ang Raffy? Or Aira?!
Hanggang parang may nagbulong sa isip nya na . .
"Aira ang itawag mo sa akin"
Ewan ni Kimberly pero hindi na sya natatakot sa kakaibang nilalang na pinangalanan nyang Aira..
Hanggang naramdaman nya na may kakaibang humaplos sa buo nyang katawan na parang nakayakap sa kanya.. napasinghap si Kimberly... Ramdam nya ang parang mabigat na hangin na nakayakap sa kanya..
Kinabukasan sa School, may quiz sila, nagrereview si Kimberly sa Library ng makita nya ang ilang classmate nya na babae na nagkkwentuhan sa likuran nya..
Hindi nya maintindihan pero parang may nagbubulong sa kanya na pakinggan ang usapan ng mga iyon..
"Liza may kwintas nakaipit sa libro mo oh! sa iyo ba toh?"
"Oo Jem sa akin yan naipit ko kahapon ng nagrereview ako! Akina!"
"Teka parang pamilyar toh sa akin! Kapareho ng kwintas ni Kimberly na binili namin ng minsan mag mall kami"
Sabay hablot ni Liza sa Kwintas!
"Akin yan! Anong kay Kimberly, paano mapunta sakin kwintas nya!"
Doon hindi na nakatiis si Kimberly na hindi nila napansin na kanina pa nakikinig sa usapan nila, humarap sya kina Jem at nagtanong;
"Patingin nga ako Liza ng kwintas mo?"
Nagulat si Liza, hindi nya akalain na nasa tabi lang pala si Kimberly
"Titingnan ko lang kung pareho tayo, personalized kasi yung kwintas ko at magkano bili mo"
"Bigay lang ito sa akin ng mama ko" sagot ni Liza
"Bakit ayaw mo ipakita? Pede ko makita lang?"
Nakamasid lang sa kanilang dalawa si Jem ng una hanggang sa nagsabi na rin ito na "Liza pakita mo, tingnan daw ni Kim"
Napilitan iabot ni Liza ang kwintas kay Kimberly, wala na sya magawa dahil na corner na sya. Kung di nya bibigay baka maghinala pa ito ng kung ano.
Sinipat - sipat ni Kimberly ang kwintas, lingid sa kaalaman ni Liza, pinapersonalized ito ni Kimberly, ang pendant nito ay nabubuksan na hindi mo mahalata at doon nakaukit ang pangalan ni Kimberly at Leejong!
Nagulat si Liza ng binuksan ni Kimberly ang pendant at tumambad sa kanya ang pangalan ni Kimberly at Leejong!
"This is mine! Look Jem ito yung pinagawa natin na may name namin ni Leejong! Hinahanap ko ito kahapon pa! Nawala sa loob ng bag ko, paano ito napunta sayo Liza?
Nabigla si Liza sa pangyayari medyo nalakas ang boses ni Kimberly na dahilan para maka - agaw ng atensyon sa loob ng library at pinuntahan sila ng Librarian para kausapin.
At doon sinabi ni Kimberly ang ngyari at dinala sila sa dean office.
Sa Dean office umiiyak si Liza, nahihiya sya sa ginawa nya hanggang sa inamin na rin nya na natukso syang kuhanin ang kwintas sa bag dahil nagandahan sya dito!
Nag - usap usap pa sila hanggang sa nagkaayos na huwag ng palakihin pa ang issue, pero mula noon lumayo ang loob ni Kimberly kay Liza na kahit paano naituring na din nyang malapit na kaibigan.