Tina
It's been three days and I'm still hoping he'll come to my condo. Simula kasi nang gabing 'yon ay hindi na ito nagparamdam sa akin. Tinitext ko din siya pero ayaw niyang sumagot. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako.
"Siguro, affected lang ako dahil sa nangyari nang gabing iyon. Until now, I don't know why he's acting really weird." naguguluhang tanong ko sa aking sarili.
Gusto ko siyang puntahan kaso nahihiya naman ako. Namiss ko tuloy ang pagpunta-punta niya sa condo ko at ang araw-araw na pangungulit nito sa akin. And now, iba na ang nangungulit sa akin at sobrang naiirita na ako.
Andito ako ngayon sa isang mall at nakasunod sa akin si Mark. Naiiritang napabaling ako dito nang kalabitin niya ulit ako. Kanina pa kasi ito kalabit nang kalabit.
"What!" inis kong sigaw dito na ikinangiti niya lamang. The Marc I used to know in the past na kahit anong pagsusungit ko ay nakangiti pa din ito.
"Kain tayo. It's my treat." aya niya,
Napataas ang kilay ko, "Kumain ka mag-isa mo. I can buy and eat whenever I want to. Just stop pestering me. Will you?"
"Not until you hear me out." nakapamulsang saad niya sa akin at ngumiti.
"In your dreams!" napairap ako sa sinabi niya. Tinalikuran ko na ito at nagmadali nang maglakad. Kahit alam ko namang hindi niya pa din ako titigilan. Papaliko na sana ako nang makita ko si Tyronne na naglalakad papasok sa isang shop. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at kung bakit ko siya sinundan doon.
"Hi," alanganing bati ko sa nakatalikod na lalake sa harap ko. Nang humarap ito ay napatingin siya sa akin nang matagal bago lumingon sa taong nasa likod ko.
"Damn!" napamurang sambit ko nang maalala kong kasama ko pala si Mark. Nakasunod pala ito sa kahit saan ako pumunta at huli na para ideny na kasama ko siya. Kaibigan niya pa man din ito at hindi pa nito alam na ito ang tinutukoy ko sa kanyang nanakit sa akin.
Bumalik ang tingin niya sa akin and this time ay seryoso na siya at wala ka nang makikitang emosyon. Hindi ito umimik kaya tinanong ko ulit siya not minding Mark on my back.
"Hindi ka na ata napapadaan sa condo ko? Are you that busy?" lakas loob kong tanong dito.
"I'm not busy. Maybe you're the one who's busy with someone." seryosong sabi nito na ikinakunot nang noo ko.
"What are you talking about, Ty?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Naguguluhan kasi ako sa mga sagot niya.
"Nothing. Just don't mind me. I'll go ahead, marami pa kasi akong gagawin at baka makaabala pa ako sa inyo." saad nito at napatingin ulit sa likod ko.
"Kain muna tayo, Ty." aya ko sa kanya dahil ayoko pang doon magtapos ang pag-uusap namin. Pero biglang nagsalita ang nasa likod ko na ikinainis ko nang sobra.
"Kanina ina-aya kita and now ina-aya mo din siya." tanong nito sa akin sabay tingin niya kay Ty at nagsalita ulit. "Why don't you join us, Tyronne?"
"Makakaistorbo lang ako sa inyo. Just enjoy your day. I'll go ahead, may lakad pa ako." paalam nito, hindi man lang siya tumingin sa akin. Basta tumalikod nalang ito. Bakit parang may alam na ito sa amin ni Mark. Dahil kung wala pa itong alam ay nagtatanong na sana siya kanina pa.
"Tyronne!" tawag ko, pero hindi man lang siya tumingin. Huminto lang ito at parang hinihintay nitong magsalita ulit ako. Wala akong maapuhap na sasabihin sa kanya kaya natahimik lang ako at nagbabakasakaling humarap uli ito. Pero dumaan ang ilang segundong pananahimik ko ay tuluyan na itong naglakad paalis.
Gusto ko siyang habulin para kausapin ito pero parang nahiya naman ako. Wala akong nagawa kung hindi ang pagmasdan ang papalato niyang pigura. Nagbago na siya, hindi na siya katulad nang masayang Ty na kilala ko.
"Bakit parang apektado ako sa pagbabago niya?" tanong ko sa isip ko. Nabalik lang ako sa aking sarili nang magsalita uli si Mark sa likuran ko.
"Kain na tayo, mukhang gutom ka na." aya ulit nito, at dahil wala ako sa tamang pag-iisip ko ay nagpahila nalang ako dito sa kung saan.
Pagdating namin sa isang fast food Chain ay nauna itong pumasok. Nag-alangan pa akong sumunod dito. Naiisip ko na ngang layasan nalang sana ito kaso hindi naman ako ganoon kasama. Nang mabungaran ko ito sa isang mesa ay nakangiti na ito sa akin. Hinila nito ang silya at naupo ako doon. Hinayaan ko na siyang umorder dahil lutang ang isip ko kakaisip kung bakit bigla nalang nagbago sa akin si Ty.
"What's with you?" mahinang bulong ko sa sarili ko dahil okupado pa rin ni Ty ang aking isipan.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Mark sa akin na ikinataas ko lang ng kilay sa kanya.
"Why? Do you even care?"
Natahimik naman ito at inilapag na ang pagkaing inorder niya sa lamesa. Umupo na ito sa kaharap kong silya at ngumiti lang sa akin.
"Stop smiling. It's disgusting." nakairap na sambit ko sa kanya at hinawakan ang kutsara sa harapan ko.
"Wala pa ding pinagbago ang ugali mo noon at ngayon, Tina. Ang suplada mo pa din." nakangiti pa din ito. Hindi ba siya napapagod ngumiti? Parang si Tyronne lang. Kahit anong pagsusuplada ko sa kanya ay nginingitian niya pa din ako at hindi napapagod.
"Hindi man nagbago ang ugali ko noon at ngayon, pero ito lang ang masasabi ko sa 'yo, Mark." diniinan ko ang pagsasabi ko sa pangalan niya at nagsalita ulit. "I'm not the Tina you used to know. At mas lalong hindi na ako 'yong Tina na nagpapakatanga sa 'yo."
Nanahimik ulit ito at nagsimula nang kumain. Ako naman ay pinaglaruan lang ang pagkain ko dahil wala talaga akong gana. Nang makita kong tapos na ito ay tumayo na agad ako.
"Let's go. Pagod na ako and I want to go home and rest." pagsisinungaling ko at nagpatiuna nang lumabas. Hindi ko na dapat ito kakausapin pero may natitira pa namang kabaitan sa loob ko. Hindi ko tinignan kung sinundan niya ako o hindi. Basta diretso lang akong lumabas ng mall.
Sa totoo lang ay wala pa talaga akong balak umuwi dahil gusto kong pumunta kina Tyronne. Pero hindi ko alam kung nakauwi na ba ito o hindi. At saka, sinusundan pa din ako ng asungot na lalakeng 'to.
I rolled my eyes upward nang marinig ko ang nagtatanong niyang boses sa aking likuran.
"Akala ko ba uuwi ka na, Tina?" hindi ko siya sinagot, naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa makakita ako ng parke. Umupo ako sa bench na nakita ko at isinandal ang likod ko bago pumikit.
"Akala ko ba pagod ka na at gusto mo nang makauwi?" tanong ulit nito na nakapagpamulat sa akin.
"Paki mo ba? Kung gusto mo umuwi ka na. Huwag mo akong pinapakialaman sa gagawin ko dahil nakakairita na." irap ko dito at tumingin nalang sa mga batang naglalaro sa playground.
"Sorry for everything, Tina."
Magsasalita pa sana ito nang pinatigil ko siya. Ayokong marinig ang susunod nitong sasabihin.
"Don't open topics that supposed to be burned long time ago. Nangyari ito sa nakaraan kaya huwag mo nang ungkatin." nakapikit na sambit ko dahil parang bumabalik na naman ang sakit nang nakaraan.
"I just want to let you know my side, Tina. Just hear me out. Just this once." pakiusap nito sa akin.
Tinignan ko lang siya at ibinalik na ulit ang tingin ko sa mga bata bago pumikit.
"Anong magbabago pag pinakinggan kita, Mark? Will it change everything? Maalis ba nito ang sakit na ibinigay mo sa akin sa mahabang panahon? Maibabalik mo ba ang mga panahong sinayang ko sa pagluluksa ko sa 'yo?" nagmulat ako at seryoso ko siyang tinignan bago nagsalita ulit. "Tell me, Mark. If it will change everything, i'll hear you out. But it's not the same as before. You changed and so do I. Let's just end everything and forget that we've met."
Nakita ko ang lungkot na rumehistro sa mukha niya. But I don't care. I just want to end what's between us. Gusto ko na itong matapos para makakamove on na ako nang tuluyan. Pero bakit parang lumalambot ang puso ko sa kanya? Bakit parang gusto kong pakinggan ang paliwanag niya? At higit sa lahat ay bakit pakiramdam ko ay may puwang pa siya sa aking puso. Naguguluhang tanong ko sa sariki ko habang nakatingin sa nakayukong Mark sa aking tabi.