Chapter 15

1372 Words
Tina "Okay, I'll hear you out but not here." Sabi ko na nakapagpaliwanag ng kanyang mukha. Maybe, it's the right time to hear him out. After how many long years. Siguro kailangan ko na rin siyang pakinggan para tuluyan akong makausad. Dahil sa totoo lang ay nahihirapan pa din ako sa ngayon. Sana hindi ako magsisi sa gagawin ko. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Tumayo na agad ako at naglakad papuntang kalsada. Alam kong nasa likod ko lang siya at sinusundan ako. Nang humarap ako dito ay nagulat talaga siya. "May dala kang sasakyan?" Tanong ko, "Yeah, nasa parking lot ng mall." May sasabihin pa sana ito kaso tumalikod na ulit ako at naglakad na pabalik nang mall. Nang nasa parking lot na kami. Hinintay ko siyang lumapit sa sasakyan nito bago ako lumapit sa kanya. Pinagbuksan niya muna ako bago siya umikot sa driver seat. "My condo," sabi ko dito habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Walang umiimik sa amin habang binabagtas namin ang daan patungo sa condo ko. I know that he knows where my condo is. So, no need to instruct him where to go. Nang makarating kami sa parking lot ng building ay nauna na ulit akong maglakad at hinintay nalang ito sa harap ng building. Nang makalapit na siya sa akin ay naglakad na ako papuntang elevator. Ilang segundo lang nang bumukas ito at sumakay na kami. Pagdating namin sa condo ko ay pinapasok ko siya at pinaupo sa sala. Nang makaupo ito ay umupo na din ako sa kaharap niyang upuan bago ito tinignan. "Explain," walang emosyong sabi ko sa kanya. Nakita kong kinakabahan ito kaya nagsalita ulit ako. "Why now, Mark? Bakit hindi noon? Bakit ngayon lang? Bakit inabot ka pa ng ilang taon?" sunod-sunod ko ulit na tanong sa kanya na ikinalungkot ng kanyang mukha. Mga tanong na matagal ko ng gustong tanungin sa kanya. "I've made mistake in the past that's haunting me until now..." he paused, "...nagkamali ako sa desisyong ginawa ko at ngayon sobrang nagsisisi ako. I tried finding you but..." napakunot ang noo ko nang tumigil ulit ito at yumuko. Hinintay ko siyang magsalita pero parang nag-aalangan na naman itong magsalita kaya napa-smirk ako. "Tsk! Are you gonna be that silent? Wala ka na bang balak ituloy? Just say so, kasi bukas ang pinto ng condo ko and you're free to go." sarkastikong sabi ko sa kanya at tatayo na sana nang magsalita ito. "I tried really hard to find you but my brain cancer took over my body. Nanghina na ako at ang akala ko ay mamamatay na talaga ako." napatigil ako sa pag-tayo nang sabihin niya 'yan. I'm out of words sa sinasabi niya but my mind says na baka nagsisinungaling lang ito kaya hinarap ko siya at tinaasan ko siya ng kilay. "Do you think that I will buy that crap?" natatawang tanong ko na ikinailing nito. "Don't fool me around Mark because I'm not buying it. Try harder. Wala ka na bang maisip na ibang dahilan? Dahil hindi 'yan kapani-paniwala." sarkastiko kong sabi dito na ikinayuko niya. Wala na ba itong kayang gawin kung hindi ang yumuko. Hindi niya ba kayang salubungin ang mga mata ko? Tsk! Kasi nga nagsisinungaling lang siya. "It's true, Tina. I can prove that to you.  Sinubukan kong maging normal sa harap mo but I just can't. Nang nakipagkalas ako sa 'yo ay triple ang sakit na nadarama ko, Tina. Mahal na mahal kita at ayokong nakikita kang nasasaktan. Gusto kitang yakapin noon at manatili sa tabi mo pero hindi 'yon maaari dahil ayokong kaawaan mo ako." pagpapatuloy niya na ikinatahimik ko at napaisip. Natulala ako sa sinabi niya dahil hindi ko na talaga alam kung ano ang paniniwalaan ko. "Iginupo ako ng sakit ko hanggang sa ma-coma ako for one year. God knows, I'm telling the truth, Tina.  Malapit na akong sumuko pero ikaw ang nagpapalakas ng loob ko. Sa ilang taong pagdurusa ko ay hindi ka nawala sa puso ko, Tina. Pinilit kong gumaling para mabalikan kita kahit alam kong imposible. And now, nagamot na ako, Tina. I'm here and trying very hard to win you back." malungkot na pahayag niya na ikinailing ko. "Ganoon na lang ba 'yon kadali sa 'yo, Mark? Bakit hindi ka nagtiwala sa akin? Bakit mas pinili mo akong saktan kaysa ang samahan ka?" sumbat ko sa kanya at hindi na napigilang hindi mapaiyak. "Mahal kita, Mark, alam mo 'yon. Sinaktan mo ako ng sobra noon at hindi ko na alam kung ano ang papaniwalaan ko pagkatapos mong sabihin ito sa akin." "I'm sorry, Tina. Tuliro ako noon at hindi ko alam ang gagawin ko. Ang unang pumasok noon sa isip ko ay ikaw. Baka pag nalaman mo ay kaawaan mo ako at 'yon ang ayaw kong mangyari. Kaya mas pinili kong saktan ka at ang sarili ko. Ayokong manatili ka noon sa tabi ko dahil sa awa, Tina." paliwanag pa din nito na ikinatayo ko. "That's bullshit, Mark! Hindi ka nagtiwala sa akin. Makasarili ka!" nasasaktang sigaw ko sa kanya dahil hindi siya makatarungan sa naging desisyon nito. "Bakit hindi mo sinubukang magtiwala sa akin? Minahal kita nang higit pa sa buhay ko, Mark! At alam mo 'yan! Pero anong ginawa mo? You decide without telling me. Minahal mo nga ba ako?" umiiyak na tanong ko dito. "Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal, Tina. Walang kahit sino ang pumalit sa 'yo dito sa puso ko. Even if it takes years ay ikaw pa rin. Walang nagbago, Tina. At gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa akin." sabi niya habang umiiyak na din at tinuturo ang dibdib niya. "Ang sakit Mark. Ang sakit sakit. Bakit kailangang malaman ko pa 'yan ngayon? Bakit ka pa bumabalik sa akin? Ginugulo mo lang ang lahat, Mark. Napakamakasarili mo." nanghihinang sambit ko habang umiiyak. Yumuko ako at itinakip ang kamay ko sa aking mukha. Nagugulo ang isip ko ngayon at para bang bumabalik ang pagmamahal na mayroon ako sa kanya. Nang tumingin ako sa kanya ay parang lumambot ang puso ko nang makita ko siyang nakaluhod sa harapan ko at hinawakan ang aking kamay. Hindi ko man lang naramdamang nakalapit na pala ito sa akin. "Please, Tina. Give me another chance. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat bumalik ka lang. Just another chance, Tina." pakiusap nito at yumuko sa aking kamay habang umiiyak din. Hindi na din maampat ang luhang pumapatak sa aking mata. Ang isiping naghirap din siya habang magkahiwalay kami ay nagpapalambot sa aking puso. Paano kung pinagkatiwalaan niya ako noon? Siguro masaya kaming nilalagpasan ang lahat ng problema. Kaya ko na ba siyang patawarin at bigyan ng chance? Naguguluhan na ako dahil biglang pumasok sa isip ko si Tyronne. "Hayaan mo muna akong mag-isip, Mark. Gulong-gulo ako sa mga nalaman ko mula sa 'yo at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Give me space and time to think." umiiyak na pakiusap ko dito na ikinatingin niya agad sa akin. Naawa ako sa hitsura niya dahil hilam  ang mukha niya ng luha. Walang pagdadalawang isip na hinaplos ko ang mukha niya at pinunasan ang kanyang luha. Hinawakan niya naman ang kamay ko at pinanatili nito sa kanyang mukha. "I'll let you think, Tina. At sana maisip mong mabuti ang desisyong gagawin mo. Andito lang ako lagi para sa 'yo kahit ano pang magiging kahihinatnan ng desisyon mo. Mahal na mahal kita at hindi na 'yan magbabago. Maghihintay ako, Tina. Maghihintay ako." buong pagmamahal na pahayag niya at pinunasan ang luhang namamalisbis sa aking mukha. Napapikit ako sa ginawa niya dahil ganoon pa din ang epekto niya sa akin. Hinayaan kong gawin niya sa akin 'yon dahil gusto kong malaman at maramdaman kung may natitira pa bang epekto ang mga hawak niya sa akin. At sa nararamdaman ko ay hindi nabawasan ang epekto niya sa akin. Malungkot akong tumingin dito at nagsalita. "I want you to leave, Mark. I want to think straight at hindi ko 'yon magagawa pag nakikita kita. I'll call you once I decided." sabi ko dito at tinulungan itong tumayo. Tumango siya sa akin at pilit na ngumiti. "Thank you for hearing me out, Tina. Gumaan ang loob ko. Aalis na ako." paalam nito sa akin. Tumango lang ako at hinayaan kong lumabas ito ng aking condo. Naiwan akong nakatulala at umiiyak habang nag-iisip kung ano ang tamang desisyong gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD