Ilang oras din akong natapos sa aking ginagawa. Napasulyap ulit ako kay Orson. He was peacefully sleeping now. Hindi na lamang akong nag-abala pang gisingin siya. Maingat na tumayo ako at inayos ang isang bag kung saan doon ko inilagay lahat ng sobre. Tinungo ko ang patio kung saan doon ko nais ibigay ang sahod ng ilang trabahador ng farm. Sumenyas agad ako sa isang kawaksi. "Ano po iyon ma'am, Hera?" nakangiting tanong nito sa'kin na may kalakip na paggalang. "Tawagin mo lahat ng trabahador, pero bago mo gawin iyon. Tawagin mo ang tatlong kasama mo para mag-assist. Gusto kong mabigyan ang bawat isa sa ilang trabahador ng tig-isang sako ng bigas. Nakuha mo ba ang sinasabi ko, ate Melba?" "Nakuha ko po, ma'am. Sige po." "Mabuti naman, sige na. Tawagin mo na sila," saad ko rito. Mul

