"Dito nalang muna tayo," saad ko kay Orson. "Heto ba ang lugar na tinutukoy mo?" tanong ni Orson sa'kin. "Yeah, heto nga. Teka, ba't wala sila?" takang tanong ko. Kunot ang aking noo. Nasaan na kaya ang mag-ina? Lalabas na sana ako ng kotse nang maagap na pinigilan ako ni Orson. "Just stay in a minute, hindi mo ba napapansin ang ilang mga tambay riyan? Paano kung may gawin silang masama sa iyo?" Pansin ko ang kakaibang timbre ng boses ni Orson. Napalingon ako rito. Salubong ang dalawang kilay nito at bahagyang nakaigting ang panga. "Don't worry kilala ko sila. Kaibigan ko sila. Magtatanong lang ako sa kanila. Aalamin ko lang kung nasaan ang mag-ina," tugon ko kay Orson. "Are you, sure?" paniniguro pa ni Orson sa'kin. "Yes, I am. Trust me," tugon ko. Saka ako binitiwan nito. Na

