"Are you sure na aalis na tayo?" tanong pa ni Fei sa akin. "Yes, Fei," sagot ko. Nag-angat ako nang tingin kay Ziel. "Sabihin mo nalang Kay Orson na masama ang pakiramdam ko," tugon ko kay Ziel. Umigting ang panga ni Ziel. At walang sabing marahas itong tumayo. Mabuti na lang at nahawakan ko ang braso nito. Tanda na pinipigilan ko ito sa anumang nais nitong gawin. Sana lang makumbinsi ko ito. "Please, Ziel. Ayoko nang gulo. Hindi ko ipipilit ang sarili sa taong hindi deserved. Sa ngayon, habang kaya mo pang pigilan. Pigilan mo. I think, much better na sumama ka na lang kaya sa'min," ani ko rito. "No! Kayo na muna ang umalis. Dahil sinabi mo. I try to stay calm. Pero hindi ko maipapangako sa iyo. Sige na, Fei. Umalis na kayo, ilayo mo na si Hera dito." Hindi na lamang ako nagsalita

