Episode 2

1264 Words
Penelope POV Hingal na hingal ako ng makarating sa canteen. Oh, god nasaan na si Heidi? Hala, naiwan ko doon! Nagmadali akong lumabas ng canteen para hanapin ang best friend ko. Nakahinga ako ng maluwag nakita ko siyang tumatakbo patungo sa kinalalagyan ko. Nang makalapit niyakap ko siya. Tiningnan ko kung may pasa or bugbog siya sa kamay at sa face niya. Diyos ko hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa kanya. " Sorry, Hei iniwan kita doon natakot kasi ako," paghingi ko ng paumanhin. " I'm okay Pen. Tumakbo din ako no! Ang bilis mo ha hindi kita naabutan. Whew!" sabi nito.  Pinunasan nito ang noo na may pawis. " Grabe akala ko kakatayin na tayo doon. Diyos ko ayoko pang mamatay! Gra-graduate pa tayo! Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay!" sabi ni Heidi.  Napatirik ako ng mata. " Katayin talaga? Nakakatakot nga sila lalo ang isa napaka antipatiko," napasimangot ako kainis bakit ba hinalikan niya ako. Siya tuloy ang first kiss ko. " Oo nga! Buwisit 'yun. Alam mo bang si Zandro ang humalik sa'yo. Siya ang pinaka-leader ng grupo nila. Naku Pen mag-ingat ka doon. Sigurado ako hindi ka na titigilan noon." napatingin ako sa kanya. Natatakot na ako ngayon pa lang. Kailangan ko talaga magdoble ingat at iwasan ang mga place na pinupuntahan nila para hindi magkrus ang landas namin. Zandro POV " Hey, dude para yatang namatanda ka sa babaeng 'yun, ah. That was the first time, man!" nagtawanan sila.  Aaminin ko hindi naman kasi ako nanghahalik sa mga babae. Sila ang humahalik sa akin. Halos iduldulan na nila ang sarili sa akin magustuhan ko lang sila. Like the f**k hindi ako ang tipo ng lalaki na gagawa ng first move. Nagtataka ako sa sarili ko bakit ko hinalikan ang babaeng iyon?  Yeah, they're right it was the first time. f**k! Delikado ako. Tinaasan ko lang ng kilay ang kaibigan kong namatanda rin sa kasama kanina ni Penelope. What a beautiful name. " Nagsalita ang hindi namatanda. Naitanong mo ba ang name ng kasama niya?" natatawa kong sabi.  Napapailing na lang ako sa gagong 'to. " Gago!" binato niya ako ng ballpen. Buti hindi ako tinamaan. Tumayo na ako para pumunta sa canteen. Nagugutom na ako. Sumunod sa akin ang mga barkada ko. Mga asungot ko.  Penelope POV " Heidi, dahan-dahan naman sa pagsubo baka mabilaukan ka diyan." " Nagugutom na kasi ako. Kung hindi lang tayo naharang kanina ng mga buwisit na lalaki na 'yun, malamang hindi ako magmamadali kumain ngayon. Like duh anong oras na. May next subject pa tayo. Hindi pa natin na-e-edit ang thesis natin," nakasimangot na sabi niya habang ngumunguya. " Malay ba natin na bigla na lang tayo haharangin, no? Nakakainis nga sila ang yayabang nila. Palibhasa kasi mayayaman," sabi ko.  Wala talagang magawa sa buhay ang mga mayayaman na iyon. " Oh my gosh! Speaking of the demonyo ay mga demonyo talaga! Nandito sila Pene!  Naku halika na umalis na tayo. Ay teka takpan mo ang face mo tatakpan ko din face ko. Dali!" natataranta akong naghagilap ng maipangtatakip sa mukha ko. " Oh, s**t!" napatingin ako kay Heidi nanlalaki ang mata niya. " Hey, man looks who's here!" napatingin ako sa nagsalita. Oh my god bakit ba hindi na lang sila maglaho. Napapatingin na ang mga studyante sa amin. We're making a scene na. Ang mga ibang babae parang kinikilig sa mga demonyong nasa harapan namin. Hindi naman kasi maikakailang mga guwapo ang mga walanghiya. Sino naman ang hindi kikiligin. " Heidi halika ka na umalis na tayo," bulong ko sa kanya. Akmang tatayo na kami ng humarang sa daraanan namin ang isang maangas na pogi. Pinilig ko ang ulo ko sa nasabi ko.  Pogi pero mga demonyo naman. Kinabahan ako nang lumapit si Zandro sa amin or sa akin lalapit? Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa upuan. Pinagpawisan ako ng butil-butil, pati yata singit ko pinagpapawisan na rin. Tiningnan ko si Heidi nakasimangot na nakatingin sa lalaking may maangas na itsura pero pogi.  Ano ba Pene may gana ka pang magsabi ng pogi. Kastigo ko sa sarili ko. " Where do you think you're going, honey?"  Bakit parang kinilig ako sa endearment niya sa akin na honey. Dapat magalit ako sa buwisit na ito. Hinalikan niya ako! Pambabastos iyon for pete sake! Nasaan na ba ang paniniwala ko hindi dapat hinahalikan ang babae kapag labag sa kagustuhan nito. Para yatang naglaho na lang bigla. " Ah ...kasi... ano... nagmamadali kami may tatapusin pa kasi kami. Please excuse us," pakiusap ko sa kanila.  Nag-cross finger ako, sana padaanin na kami upang makaalis na kami. " No! Stay here honey and you!" tinuro niya si Heidi. " You can go without her" Sabi niya sa kaibigan ko. " Sino ka para utusan ako? Hindi kita boss!" pumameywang pa si Heidi, habang matalim na nakatingin kay Zandro.  Pinanlakihan ko siya ng mata. Oh god bakit ba papatulan niya pa baka mas lalo lang kami mapahamak, eh.  Napakagat ako sa labi ko. " Get her out of here!" utos ni Zandro sa kaibigan nito.  Kinaladkad ng lalaking maangas ang bestfriend ko palabas ng canteen. Oh god no!  Nagsisigaw si Heidi habang nilalabas siya. " Gago ka! Kapag sinaktan mo ang best friend ko ni daliri niya, humanda ka magtago ka sa saya ng nanay mo! Mark my word!"  Napapikit ako, gusto kong umiyak. Sobrang nanginginig ang katawan kodahil sa nerbiyos. " Please, don't hurt my best friend. She didn't mean it," pakiusap ko kay Zandro.  Baka saktan nila si Heidi. Ayoko may mangyari masama sa kaibigan ng dahil sa akin. Kahit ako na lang, huwag ang kaibigan.  Nangilid na luha ko. Pinipigilan kong hindi mapaiyak. " Penelope," he whispers into my ears.  His deep voice makes me shiver, but it also gives me a little thrill. Ewan ko bakit iyon ang naramdaman ko. Ano bang meron sa boses niya para ako magkaganito.  " Don't worry she will be fine. Zaccheaus will take care of her," napatango na lang ako.  Kung magsasalita pa ako baka ano pa ang gawin nila sa amin. Mas mabuti na lang manahimik. " Sit. We have so many things to talk about," umupo na lang ako ng hindi siya tinatapunan ng tingin. " Am I ugly? You don't even give me a look?" napatingin ako sa kanya.  Nakakunot ang noo niya sa akin na parang naiinis sa inasal ko. " Sorry. Nahihiya lang ako," napayuko ako.  God huwag sana siya magalit. Sigurado namumutla na ako sa kaba. Napaigtad ako ng kunin niya ang kamay ko. Hinila niya ako palabas ng canteen. Nagpatinaod na lang ako kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hala, bakit dito sa parking lot ng campus kami nagpunta. Doon na ako kinabahan. Gusto ko sanang magprotesta ngunit naumid ang dila ko. Hindi ako makapagsalita, walang salita na lumabas sa bibig ko. Pinatunog niya ang kotse niya. Isang magarang sport car kulay blue. In-open niya ang passenger sit at pinasok niya ako doon. Naging sunod-sunuran ako sa kanya. Hindi ako makapag-react.  Ano ba Pene galaw galaw naman, oh. Sabi ng diwa ko. " Saan mo ako dadalhin? Please open the door lalabas ako," napapiyok ako, nagbabanta ng malaglag ang luha ko.   Pinilit kong buksan ang pinto ng kotse niya ngunit naka autolock.  Dahil sa takot naiyak ako.  Ayaw ko dito. Hindi niya ako pinakinggan, in-start niya ang sasakyan at umalis kami sa campus.  Takot ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya. Samot saring mga pangyayari ang pumasok sa isipan ko.  Diyos ko huwag naman po. Please. Piping dasal ko.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD