Episode 3

927 Words
Penelope POV " Please, gusto ko ng bumalik sa school may klase pa ako," pakiusap ko sa kanya, ngunit bingi ito sa pakiusap ko.  Tinapunan niya lang ako ng masamang tingin. Nandito kami sa condo unit niya. Ano ba kasi gagawin namin dito. Tumayo siya at pumunta sa kitchen area. Medyo malaki ang unit niya, kumpleto sa gamit halatang mayaman ang nagmamay ari.  Mayaman naman si Zandro. Anang isip ko.  "Unless I say so, you're not going back there. Don't worry, I'll tell your professor that you're not feeling well today." Sabi nito.  Bakit ka-close niya ba ang professor ko? Kung makasabi siya parang susundin siya ng prof. namin.  Oo nga pala anak pala siya ng may-ari ng University. " May gagawin pa kaming thesis. Please, kailangan namin matapos ngayon iyon." Pakiusap ko ulit.  Lumapit siya sa kinauupuan ko bigla niyang hinaklit ang braso ko. Napaigik ako sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.  " Huwag mo akong uutusan kung ano ang gagawin ko!"may diin ang salita nito.  Pabalya niya akong itinulak kaya napaupo ako sa sofa. Hinimas ko ang braso ko. Feeling ko magkakapasa ako sa paghawak niya ng mahigpit. Hindi ko mapigilan ang maluha. Ano bang nagawa kong kasalanan at ginaganito niya ako. Kanina ko lang siya nakita ni hindi ko nga siya kilala. Kahit sinasabi nila na sikat sa campus namin. Sa 4 years ko sa college ngayon ko lang siya nakita in person.  Iniwan niya ako sa living room pumunta ito sa kuwarto. Nang makapasok na siya sa silid niya. Nagkaroon ako ng pagkakataon. Nagmadali akong pumunta sa pinto para makatakas. Sobrang kaba ang nararamdaman ko habang ino-open ko ang pinto. Laking pasasalamat ko nang hindi naka-lock ang pinto. Nagmadali akong lumabas ng condo. Nagtatakbo ako palabas ng unit niya.  Kailangan kong makaalis habang hindi pa siya nakakalabas ng silid niya. Bahala na magtatago na lang ako kapag nasa university.  "Heidi!"  Dito na kami sa library nagkita dahil tinext ko siyang dito kami magkitang dalawa. Wala akong sinabi sa nangyari. Ayokong mag-alalala ang kaibigan. Sinabi ko na lang na nasa canteen lang kami  nag-uusap. " Bakit hindi ka pumasok sa isang subject natin Pene? Buti hindi nagpa-quiz si Sir, " sabi nito. " Ah, ano kasi kinausap ako ni Zandro," napakagat ako sa labi ko. " Ano naman sinabi niya? Nagkuwento ka about sa buhay mo, ganern? Kaya natagalan ka kaya pati sa klase mo hindi ka na pumasok? Huwag mo nga ako pinagloloko Pene. Magsabi ka sa akin ng totoo. Kilala kita alam ko kung kailan ka nagsisinungaling," nakataas ang kilay niya sa akin. " Okay fine! Natakot ako baka kasi kung hindi ko susundin na mag-stay doon. Baka may gawin siya sa iyo at sa akin, mahirap na. Alam mo naman graduating na tayo kaya nag-iingat lang ako. Maimpluwensyang tao si Zandro. Kaya niyang patalsikin tayo sa University kung gugustuhin niya. Remember anak siya ng may ari ng school," sabi ko.  Napa rolyo ng mata si Heidi.  "Hindi ka ba sinaktan ng mga kaibigan ni Zandro?" tanong ko kay Heidi. "Hindi naman, aba subukan niya! naku mata lang ang walang sapak kapag kinanti niya ako kahit daliri ko!" galit na galit na sabi ni Heidi.  Nagsalubong ang kilay ng kaibigan napatingin sa harapan namin. " Oh, bakit nandito ka na naman impakto ka!" sabi nito sa nagngangalang Zaccheus. " Heidi, halika ka na uwi na tayo," hinila ko na siya nag-aalala ako baka dumating si Zandro, lagot ako. " Wait lang Pene bibigyan ko lang naman ng mag-asawang sapak itong isang impakto dito. May kasalanan ito sa akin!" inis na sabi ni Heidi.  Nanlalaki pa ang mga mata nito. Hinila ko na lang siya, kailangan na namin makaalis. Nagpumiglas siya at sinugod nga ang lalaki at sinapak niya sa mukha.  Oh god!  Sa tangkad ng lalaki hindi nakailag sa suntok ni Heidi. Sa ang liit niyang iyon nakaya niya itong mapatumba. "What the heck is this? Why do you punch me, woman? Oh, crap!" napasalampak ang lalaki sa semento.  Hawak ang panga na nasapak. Diyos ko ang laking tao napatumba ng isang Heidi na hindi katangkaran.  Hinila ko na kaagad si Heidi para makaalis na kami sa library. " Halika na baka magpunta dito si Zandro ayokong makita niya tayo dito," pabulong na wika ko sa bestfriend ko. " Sige na nga! Ikaw impakto hindi pa tayo tapos," dinuro niya ang lalaki  " Huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin kundi hindi lang 'yan ang aabutin mo. Gago!" pahabol na sabi nito sa lalaking nakasalampak na. " Halika na tama na 'yan!" pakiusap ko kinakabahan na kasi ako.  Nagpatinaod naman siya kaya nakaalis kami.  Pumara na kami ng jeep. I feel relief ng makasakay, pero paano na kaya bukas. Bahala na si batman kailangan kong iwasan ang taong 'yun. Hindi ko alam kung ano'ng kaya niyang gawin. Sana naman tigilan na niya ako.  Zandro POV Nagbihis muna ako ng damit bago lumabas ng silid ko.  Napangisi ako dahil nasa labas lang ang babaeng gusto kong paglaruan. Pagkalabas napansin kong walang tao. Napatingin ako sa buong living room pero walang Penelope ang naroon.  Fuck! f**k! Napamura siya wala akong naabutang tao sa living room.  Natakasan ako ng babaeng iyon! Tangina nakalimutan ko palang i-locked ang pinto.  Shit! I called Zach's phone number.  Pick up the phone, you jerk! Naiirita ako ang tagal niyang sagutin.  " Man! Look for Penelope there. If you see her don't let her go anywhere! I'm going there now!" hindi ko na pinakinggan ang sinabi niya in-end ko ang call.  Humanda ka sa akin Penelope.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD