Cassandra's POV Nang makakita kami ng Playground ay hinanap ko kaagad ang seesaw. Agad akong umupo dun at inisway ito. "Gusto mo itulak kita?" alok ni Jake. Tumango lang ako. Ayoko muna kasing magalit sa kanya this time kasi feel ko kasi gusto kong bumalik sa pagkabata. Sinimulan na niya akong itulak. Dahan-dahan lang niya akong tinutulak, never niyang hininaan, never din niyang nilakasan. Yung sakto lang at smooth. Tumingin ako sa kanya. Nakangiti ito kaya ngumiti din ako. Ngayon ko lang napagtanto na sa lahat ng bilyonaryo. Ito ang walang kaaway at kaagaw maliban sa kuya Mike niya. Baka sadyang mabait talaga ito. Oo nga pala, mabait nga pala siya dati bago nangyari na macomatose si Tita Teresa. Pero okay naman na kami ni Tita Teresa. Tsaka nakikita naman ni Tita ang mga a

