Cassandra's POV 2 days ng hindi tumatawag si Jake sa akin pero patuloy naman ang pagbibigay nito ng pagkain sa apartment ko. *Bzzz. Bzzz* Napatingin naman ako sa pinto. Agad naman akong tumayo sa sofa at mabilis na binuksan ito. "Hi, Good Morning." bati ko dito. "Good Morning too Mam. For Ms. Cassandra Collin." sabi ng delivery guy. "Yeah, that's me." ngiti ko dito. Inabot naman niya sa akin yung pinadeliver. Hindi ko na din tinanong kung kanino galing dahil alam ko naman na si Jake na naman ang nagpadeliver nito. Kaya naman ang lagi kong ginagawa ay kinukuha ito at syempre kinakain. Sayang din ito no. Kapag hindi ko nauubos ay nilalagay ko lang ito sa mini ref ko para kung sakali na abutan ako ng gutom ay makakakain ulit ako kahit madaling-araw. Hahaha. Maya-maya pa ay bigl

