HTBC's Chapter 4

1988 Words
Cassandra's POV Lumipas ang mga araw na wala akong Jake na nakikita, pero hindi narin ako bumalik sa kwarto para sa safety ko. Ayoko na kasing masaktan. Mas lalo lang akong nasasaktan. Maya-maya narinig ko si Manang na tinatawag na ako. "Iha, Cassandra. Baba ka muna at may bagahe na dumating dito. Para sayo daw" sigaw ni Manang Lucy "Sige po. Bababa na po ako." sigaw ko dito. 'Ano kaya yun? wala naman akong inorder na kahit ano this past few days. Hmmm. Matignan na nga lang' pilit ko sa sarili. Bumaba ako ng may nakita akong malaking kahon sa mesa ng sala. Nang buksan ko ito ay may laman na kumikinang na black dress at sa ibabaw nito ay may card. Binuksan ko ito at ang nakalagay ay: 'Be on time Wife. I'll fetch you at 6pm sharp. Be wise and elegant.' -J Ano kayang meron? Agad akong nagcheck ng calendar sa phone ko. Shemmss. Anniversary ng company ni Jake, bakit ba nakalimutan ko. Hayss. Napasapo nalang ako ng noo. Chineck ko kaagad ang oras at 9 am na. Grabe magtatanghali na pala. Ganun na ba kabilis ang oras. Hayss Maya-maya ay may mga dumating sa mansion, ito na ata ang make-up artist. May dala-dala kasing mga make-up suitcase at mga salamin na may ilaw. "Hello, Good Morning, Kayo ba yung mga Make-up artist?" Salubong ko dito. "Yah, Kami nga, Hello, Good Morning, You are Cassansdra Collin?“ tanong ng Make-up artist. Tumango naman ako bilang tugon. " Ohh, I see, anyway, kumain ka na ba? Kasi kung hindi pa. Kumain ka muna at magtatagal tayo. Okay." sabay ngiti nito sa akin. Tumango nalang ulit ako bilang sagot. Grabe nakakatunaw yung ngiti niya. Akalain mo yun. Matipunong lalaki pero Bading pero mas gwapo padin si Jake kahit masungit yun. Hmm. Kumain na muna ako ng agahan pero parang nangangasim ako na di ko maintindihan. Baka inaatake lang ako ng ulcer. Hayss. Kaya hinayaan ko nalang ito at ininuman ng maligamgam na tubig. Naligo narin ako para ready na ako mamaya sa gagawin sa akin. "Hi, Cassandra, by the way, I'm Hero Figueroa. Your make-up artist for today and dadating daw si Mr. Collin before mag 6pm to fetch you and kailangan ay maayos na kita. Are you ready Mrs. Collin?" paliwanag nito. "Yes, I'm ready always ready." ngiti ko dito "You're gorgeous in your smile. Ahhm, wag mo kong ngitian baka matunaw ako. Hmmm." ngiti nito sa akin. Mas lalo ko lang itong ningitian. Natatawa naman ako sa reaksyon niya. May palusaw-lusaw effect pa. "Anyway ano skincare mo Mrs. Collin, ang kinis ng balat mo at ang ganda mo?"paniningkit ng mga mata nito sa akin. " hmmm, wala naman akong sikreto regarding sa skincare ko basta sabihin nalang nating 3x a day." pilyong ngiti ko dito. "Whoaa, what do you mean Mrs. Collin about sa 3x a day? Hmm Parang intimidating yan, iba nasa isip ko Mrs. Collin Hahaha" may takip bibig effect pa nito. "Hahaha, Grabe ito. Ano ka ba, 3x a day maligo noh. Ikaw kung ano-ano iniisip mo Ms. Hero, haha." tapik ko sa braso nito. "Hmm, Mrs. Collin ikaw ah niloloko mo ko. Pero ang tawagin mo kong Ms. Hero, I like that, sa lahat ng client ko ikaw palang ang nakakapagsabi niyan sa akin. I like you girl. Hahaha" sabay tapik nito sa braso ko pero mahina lang. "Aray ah, haha" biro ko dito. "Ay Sorry. Ikaw kasi eh. Pinakikilig mo ko hahaha" tingin nito sa braso ko. "Joke lang haha. Call me Cass nalang para formal." sabi ko dito. "Ayy, ikaw talaga Cass. Kung hindi lang ako gay, Naku talaga baka naging gf na kita. You're to jolly. Hahahaha Joke. Ghurlalu ako no, Di tayo talo. Hahaha." Tila naman namula ang mukha ni Hero ng marealize niya ang sinasabi niya kaya siguro iniba nalang niya ang sinabi niya sa dulo. "Sus, palabiro ka talaga Ms. Hero tuloy mo na ginagawa mo baka mamaya dumating pa si Jake." paalala ko dito hanggang sa nagkwentuhan nalang kaming dalawa. Nagtagal pa ng ilang oras ang pag-aayos sa akin pero sa buhok kami nagtaggal since ang buhok ko ay mahaba inistraight nalang niya ito since babagay naman daw sa dress kaya nag okay nalang ako. "Perfect, ang superb Gorgeous muna Cass. So natural." palakpak nitong sabi. "eh, ahm, thank you Ms. Hero." ngiti ko dito. "Ay, thank you lang?? Dapat may kiss. Joke. Hahaha" biro nito. "Aba, hahaha this time, mukhang ikaw naman ang babawi ah" paniningkit ko ng mata sa kanya. "Truely yan hahaha." tawa nito kaya natawa nalang din ako. Maya-maya ay dumating na din si Jake pero naging iba ang aura ni Hero nung naging kaharap na nito ang asawa ko. Yung palabiro at maharot na kilala ko kaninang Hero ay naging matikas at matindig na humarap kay Jake. Napatulala naman si Jake ng makita ako pero humarap na ito kay Hero agad hanggang sa inayusan na ni Hero si Jake. "Make it faster Hero!" bulaslas ni Jake. "Yes, Mr. Collin." pagmamadali ni Hero pero buo na ang boses nito kaya nagtaka naman ako pero di ko na pinansin baka kapag kaharap lang si Jake. Nakakatakot din kasi ito bilang boss. Naiinip na ata si Jake samantalang ako ay nanonood lang sa kanilang ginagawa. Nag-usap pa sila ng mga bagay pero hindi ko na inintindi yun at agad na tumayo para kumuha ng biscuit. Magbabaon kasi ako. Hihi Tsaka sumasakit na namn kasi ang tyan ko since kumain din naman ako ng meryenda kanina dahil naghanda nga si Manang ng hapunan. "Manang, asan po mga biscuit natin?" tanong ko dito. "Andyan lang sa drawer teka tulungan na kita maghanap" ani nito. Tumango naman ako at hinanap na namin. Hindi ko naman inintindi kung may nakakakita ba sa amin or andyan si Jake basta ang importante ay maibsan ang sakit ng tyan ko mamaya. Hindi ko kasi alam kung kumikirot na ewan or gutom lang ako. Eh kakakain ko nga lang kanina. Nang makita na namin ni Manang ay agad akong naglagay sa pouch na gagamitin ko pag-alis namin ni Jake. "Mrs. Collin tawag ka na ni Mr. Collin." ani ng assistant ni Hero. "Ah, sige papunta na. Thank you." harap ko dito. Pumunta na ako sa sala at nakita kong nakatayo na si Jake. Niretouch naman ni Hero ang make-up ko tsaka na kami lumabas. Pagkalabas namin kukunin ko na sana yung saraduhan ng sasakyan ng maunahan ako ni Jake sa pagkuha nito at binuksan ang pinto. Kakaiba man sakin ay pumasok parin ako sa sasakyan at nag thank you dito. Habang nasa byahe kami ay tila kinakabahan ako. Nanlalamig ang mga palad ko ng hawakan bigla ito ni Jake. "Don't be nervous, be calm Cass." tingin nito sa akin. 'thanks' halos bulong ko dito. "Anyway, Cass, You're Gorgeous." sabay halik nito sa noo ko. Namula naman ako ng sinabi niya iyon. Once in a blue moon nalang kasi niya ito sabihin sa akin ng hindi siya nalalasing. Sinunod ko naman ang sinabi niya kaya kumalma ako. Kaya hanggang sa makarating kami sa venue ay mas dumoble ang kaba ko ng makita kong maraming mga flash ng camera ang naghihintay sa amin sa labas. "Are you ready Honey? “ tingin nito sa akin na lalo lang nagpatunaw sa akin. "Be calm and act normal, Honey. I'm here. Trust me. " tingin ulit nito sa akin. Ngayon ko lang naramdaman ang sincere niya sa akin kaya for this time. I will trust him. Maraming camera ang nagflash ng bumaba kami ni Jake sa sasakyan. Dire-diretso kaming nagtungo sa hallway. Pagpasok namin gold and black ang kulay ng theme party. Marami ding mga business man and business woman akong nakita at nagkalat sila sa buong hallway. Sa unahan ay may stage kung saan nakalagay ang pangalan ng company ni Jake. Ang JC company. Hinatid muna ako nito sa table namin bago ako iniwan. Mga ilang minuto pa ay dumating na ang pamilya nito. "Ehem, look who's here? The Pathetic girl na nanggayuma sa kuya namin. Hahaha, Cass ikaw ba yan?“ tila mapanlait na sabi ni Jade, ang pangatlo sa magkakapatid. "Ah, Oo, ako nga Jade pero wala sa pagkatao ko ang witchcraft." pilit-ngiti ko dito. "Hey! Hey! Hey! , sinong nagsabi sayo na dumalo ka dito? Eh hindi ka naman bagay dito sa event na to. Bawal ang call girl dito." eksena naman ni Mike na tila nanggagalaiti. "Si Jake ang nagdala sa akin dito. Natural asawa niya ko kaya dadalhin niya ako dito."mahinahon kong sagot. " Ahh, si Kuya Jake, eh may ibang babae yun na mas maganda pa sayo. Mas mayaman at may trabaho hindi katulad mo. Tskk, pasaway talaga si Kuya, sabi ko magdala ng maayos na sister-in-law pero ang dinala ay basura padin. " si Mike na tila nang-aasar pa. " Oh, tapos? " tanong ko. " Aba, sumasagot ka na kay Kuya Mike. Angas mo ah, may pera ka na ba? Ha! . " Angas na tapik sakin ni Jade. " Hoy! Babae, kasal lang kayo ng kapatid ko sa papel, kung makaasta ka akala mo ikaw ang tagapagmana. Tsk" dagdag pa nito. "Yah, di kalang Palaban ngayon, Gold digger pa." gatong naman ni Mike. Gusto ko man magsalita ay hindi ko na magawa dahil dumating ang isa pa nilang kapatid na si Jared at kasama nito si Tito Reuel. Ang Papa nila. "Hi Pa" sabi ko dito. "Hi Cassandra." Beso ni tito sa akin at nagmano naman ako sa kanya. Pinat niya lang ang balikat ko sabay bulong ng pasensya na, sumagot nalang ako na okay lang ako sabay himas sa likod nito para lang maging kalmado pa ako. Lumapit naman sa akin si Jared "Hi Ate Cass, how are you?" halik nito sa pisngi ko. "Eto, okay lang." ngiti ko dito ng biglang sumabat si Jade. "Don't touch that woman Jared, she's gold digger and pathetic and also a witchcraft." si Jade na may pag-irap habang nilalayo si Jared sakin. "Sis, Don't touch me, and you know, inggetera kalang because Ate Cass is too Gorgeous than you. Diba Ate Cass? " asar nito sa kapatid sabay kindat sa akin. Napaismid naman akong tumingin sa kanya. Napa-ewan nalang ako. Haha. "WHAT?? Bawiin mo yan Jared, I will tell this to Mom. Grr." gigil ni Jade "Hey, Stop that, nasa event kayo ng Kuya niyo. Di ba kayo nahihiya! “ paggitna ni Tito Reuel sa magkakapatid. " You will never regret this day, Ghurl kaya magdasal ka na kung mamahalin ka pa ni Kuya." banta nito sabay alis. Yung mga ngiti ko na kani-kanina lang ay parang nawala ng banggitin iyon ni Jade. Mas lalo namang nadagdagan ang kaba ko siguro mga 100x ng dumating ang Mommy nila. Si Tita Teresa kasama si Nicole. Yinayakap naman ako ni Nicole ng biglang nagsalita si Tita Teresa. " Wow, You're here, I never glad to see you but, I will never miss this chance. Hmm" matunog na salita nito na tila may pinapahiwatig. "Ah opo Mom--" "Whoa, don't call me Mommy because I will never ever accept you as my daughter-in-law. It's to disgusting!" habang umuupo ito sa upuan. 'Tumigil ka nga Teresa' Kurot naman ni Tito Reuel kay Tita Teresa ng sawayin niya ito. "Eh, totoo naman Falcon, dukha yan eh! Tsk." bulong nito pero parang hindi bulong dahil nilakasan niya pa ito para iparinig sa akin. Nakita ko naman si Mike na tila natutuwa sa nangyayari sa amin ng mama nila. Nanginginig man ako ay mas hinabaan ko na lang ang pasensya ko sa pamilyang ito. Buti nalang ay katabi ko si Jared dahil wala ngang gustong tumabi sa akin, ang asawa ko at si Jared lang. Hinawakan naman ni Jared ang kamay ko para pakalmahin ako. "Don't mind them. Will talk later while the event is running. Okay Ate Cass, I miss your story na kasi eh. Hihihi" ngiti nito. Tango na lang ang sinagot ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD