HTBC's Chapter 5

856 Words
Cassandra's POV Patapos na ang event ng hindi man lang ako umaalis sa upuan ko kahit nga ata pagkuha ng pagkain ay iniutos ko pa sa waiter. Kinakausap naman ako ni Jared, puro tango nga lang ata ang nasasagot ko dito. Hindi ko na nga ata ito nakwentuhan tungkol sa buhay namin ng kuya niya. Haysss. Kung alam niya lang. Pumunta kasi si Jared ng abroad para mag-aral ng business dahil ito na ang susunod na uupo sa RT company nila. Ayaw kasi ni Tito Reuel na si Mike ang susunod na uupo bilang CEO ng company. Matapobre kasi si Mike at happy go lucky, buti nalang at wala pa itong asawa kaya kung magka-asawa man ito ay matik na, Kawawa ang babae na mamahalin nito. Tsk. "Honey, sabi nila Mom, dito na daw tayo sa hotel mag rest, Ito yung key, pasamahan na kita kay Jared. Mukhang pagod ka na kasi." sabi nito sabay ngiti ni Jake sakin. "Sige" pagsang-ayon ko dito. "Hi Ate Cass, tara punta na tayo sa room niyo." dating naman na sabi ni Jared. Tango na naman ang sagot ko dito. Tila naman akong hapong-hapo kahit hindi naman ako kumilos buong maghapon. Feeling ko napagod ako sa kakatingin sa mga bisita kanina. "Ate Cass, kamusta na kayo ni kuya? Balita ko nag-away daw kayo?" sabat ni Jared ng nasa elevator na kami. Ngitian ko lang ito. "Sus, Jared, di totoo yun. Ano ka ba, ang bait-bait nga ng kuya mo." pilit ngiti kong sabi dito sabay akbay sa balikat nito. "Your liar, Anyway, take medicine Ate Cass, ang thin mo na kasi unlike dati." bungisngis na asar naman nito sa akin. "Bakit naman, eh wala naman akong sakit noh." harap ko dito. "I know pero you have eyebags na oh, Yuck." sabay turo nito sa mga mata ko. "Aba't, ikaw talaga Jared ha." kurot ko sana dito kaso bumukas na yung elevator kaya hindi ko ito nagantihan. "Oopss, here's your room na with kuya, take rest na ha. Bye" paalam nito para hindi ko mabatukan. "Bye" sabay unlock ko sa room. Malaki ang room kaya dumiretso ako agad sa kama para matulog. Nagcellphone lang ako ng konti hanggang sa makatulog na ako. Mahimbing na akong natutulog ng biglang may nagbuhos ng tubig sa mukha ko. Pagtingin ko si Tita Teresa pala. Ang mama ni Jake. "Hi Cassandra, kamusta ang buhay prinsesa, masarap ba? mukhang damang-dama mo ah?" bungad sa akin ni Tita Teresa "Po? Teka ano pong sinasabi niyo?" naguguluhan kong tanong "Hindi ko alam kung ano nga bang nagustuhan ng anak ko sayo at nagawa ka pang ipaglaban. Alam mo, may mas napupusuan ako sa kanya at hindi ikaw yun." turan nito. "Ano po bang kasalan ko Ti---" yingin ko dito pero *slap* "Wag na wag mo kong matatawag na Mommy or Tita dahil hindi naman kita tanggap, Ano kalang ba sa buhay ng anak ko. Sampid ka lang, Bukod na sa pabigat ka eh Gold digger kapa!" sabay sampal ulit nito hanggang sa sabunot na ang ginagawa niya sa akin. "Aray ko, Tama na Mam, Masakit po, ano po bang kasalanan ko at galit na galit kayo sa akin. Aray!" pagtatanggal ko sa kamay nito sa buhok ko. Tila mapapanot ako sa sabunot niya. "Lahat-lahat, kasalanan mo kung bakit wala pang anak si Jake, Baog ka! Wala kang kwentang babae, pabigat at dahil sayo ay hindi na bumibisita si Jake sa pamamahay ko simula ng ipaglaban ka niya sa akin. Mang-aagaw ka!" wagwag nito sa ulo ko. "Hindi ko po kasalanan yun Mam kung ganun po si Jake, Aray!" sa sobrang diin ng pagkakahawak nito sa buhok ko ay lalo lang itong nanggigil at hinihigpitan ang kapit sa buhok ko. "Walang modo. Pabigat!" siil pa ng pagkakahawak ng kamay ni Mam Teresa. Mataas ang respeto ko sa kanila nung nagtatatrabho pa ko pero parang nagbabago dahil sa ginagawa niya. "Tama na ho, hindi ko ho kasalanan kung bakit ako ang asawa ni Jake, nakakasakit na ho kayo hindi lang sarili ko ang tinapakan niyo kundi pagkatao ko." naluluha kong sabi. Kaya kahit ayaw ko mang lumaban ay natulak ko siya kaso nadulas ang mama ni Jake kaya tumama ang ulo nito sa kanto ng mesa at hindi na nagkamalay pa. Sakto naman ang pagpasok nila Jake, Tito Reuel at Jared, sa kwarto ng makita niya ang sitwasyon namin ng mama niya. "Ma? Cass? What happen? F*CK, MA WHAT IS THIS? MA!!!!“ Sigaw ni Jake habang ginigising niya si Mam Teresa. Nanginginig naman ako sa takot dahil hindi gumigising ang mama niya. Tinabig ni Jake ang kamay ko at binantaan ako. "YOU WILL NEVER REGRET THIS CASS, KAPAG MAY NANGYARI KAY MAMA IKAW ANG MAY KASALANAN!" Banta nito sa akin. "EMERGENCY!" Sigaw ni Jake habang palabas ng kwarto namin ni Jake at buhat ni Tito Reuel si Mam Teresa. Samantalang si Jared tulalang nakatingin sa akin. Umiiling ako sa kanya na hindi ko kasalanan. "Hindi ako ang may kasalanan Jared. Please." Humahagulgol kong iyak kay Jared pero parang wala siyang naririnig sa mga sinasabi ko. Unti-unti itong lumuha pero tinalikuran lang ako at hindi man lang nila ako pinakinggan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD