HTBC's CHAPTER 6

1870 Words
Cassandra's POV Dalawang buwan na ang nakalipas matapos ang nangyari sa mama ni Jake. Dalawang buwan nadin na hindi umuuwi si Jake sa mansion. Dalawang buwan narin akong hindi kinakausap ni Jared dahil sa nangyari ng gabing iyon. Yes, Nacoma si Mam Teresa at hanggang ngayon ay nasa hospital pa ito. Samantalang ako ito, nakatulala sa malayo at iniisip kung uuwi pa ba ang asawa ko sa piling ko. Ito pala ang pakiramdam na nararamdaman ni Mam Teresa. Gantong-ganto pala yun. Sa mga nakalipas na buwan may napapansin ako sa katawan ko pero hindi ko yun pinapansin dahil ang iniisip ko baka paggising ni Mam Teresa ay sisihin ako nito sa nangyari sa kanya. Gulong-gulo na isip ko. Hindi ako makaalis dahil binantaan ako ni Jake. Muling bumalik na naman sa ala-ala ko ang mga sinabi niya sa akin. ------------------------------------------ FLASHBACK ----------------------------------------- 2 months ago. Tahimik akong nakaupo sa sala ng mansion. Balisa at hindi ko alam ang gagawin. Mabilis ang mga pangyayari kani-kanina lang. Hindi na nga ata ako nakatulog matapos nila akong layasan at hindi na binalikan pa sa hotel. Alam kong galit sila sa aking lahat dahil sa nangyari. 'Kamusta na kaya si Mam Teresa' bulong ko sa aking sarili sabay kagat sa kuko ng hinlalaki kong daliri. "ASAN SI CASS, MANANG!" sigaw ni Jake. "Teka Jake, wala pang pahinga ang asawa mo. Maghunos dili ka muna, mapag-uusapan niyo naman yan." pigil ni Manang dahil alam namin kung ano ang gagawin ni Jake sa akin. "Magtigil ka nga Manang, lagi mo nalang kinakampihan yang babaeng yang, Alam niya ba kung anong nagyari kay Mama." Sigaw ni Jake kay Manang. "A-ano bang nagyari kay Madam?" utal na tanong ni Manang. "Comatose si Mama ngayon. Under Observation kung mabubuhay pa siya. Kaya Nasaan si Cass, CASSANDRA, Hayop ka" sabay lakad nito papuntang sala hanggang sa nagtama ang nga mata naming dalawa. Madilim ang mga tingin nito sa akin na kahit ano mang oras ay kaya niya akong patayin. Lumakad ito ng mabigat sa pakiramdam ko at ilang saglit pa. *slap* "Hayop ka Cass dahil sayo naconfine si Mama, alam mo ba kung anong ginawa mo ha!" sabay duro nito sa balikat ko. "S-sorry, Jake, H-hindi ko naman kasalanan eh. Biglaan ang nangyari. S-sorry." hagulgol kong umiiyak sa harap niya. "Wala nang magagawa yang Sorry mo kahit yang Letcheng pag-iyak mo. Nacomatose si Mama, COMATOSE CASS, hindi namin alam kung gigising pa siya. Kaya kasalanan mo dahil ikaw ang nandun sa pangyayari!" Sigaw ni Jake at napaluha na ito. "Hindi ko naman alam na ganun ang mangyayari eh, tsaka ang mama mo naman ang pumasok sa kwarto natin. Masama ba na ipagtanggol ko naman ang sarili ko Jake, MASAMA BA?" duro ko sa sarili ko. "OO, MASAMA ANG GINAWA MO! Wag ka nang magpaliwanag pa Cass, SANA IKAW NA LANG ANG NAAKSIDENTE AT HINDI SI MAMA!" gigil na hawak nito sa akin sabay tulak. Humagulgol lang ang ako dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. "From now on, Dito kalang sa bahay at hindi aalis hanggang hindi nagigising si Mama, Subukan mo lang tumakas, magiging miserable ang buhay mo. Mark my word Cass" tiim bagang nitong tingin sa akin. "And I will file divorce kapag Okay na si Mama." habol nito bago ito nawala sa paningin ko. Lalo lang lumakas ang iyak ko sa buong kabahayan dahil sa huling sinabi niya. Pano na ako? ----------------------------------------- RECENTLY ----------------------------------------- Muli na naman akong umiyak ng maalala ko yun. Agad kong pinunasan ang luha ko ng marinig ko ang katok ni Manang. *knock*knock* Pumasok ito at agad na lumapit sa akin. "Cass kain na, nangangayayat ka na." ani ni Manang. "Sige po ilagay mo lang po dyan. Busog pa po ako." pilit ngiti ko dito. "Cass, panong mabubusog ka, dalawang araw ka ng hindi kumakain pati nga ang tubig hindi man lang mabawasan. Isipin mo naman ang sarili mo." sabay hagod nito sa likod. "Okay lang ako Manang," pilit kong ngiti dito dahil konti pa ay bibigay na naman ako. "Cass, alam kong hindi ka okay, pero sana tulungan mo naman sarili mo. Kahit dalawang subo lang tapos aalis na ako. Makita lang kitang kumain, Ayos na ako." pag-aalala nito. "Sige po." pag-sang-ayon ko dito. Sumubo lang ako ng dalawang kutsarang pagkain na dala ni Manang ay umalis na ito. Iniwan lang ang tubig tulad ng kinagawian niya sa dalawang buwan na nakalipas. Agad akong lumapit sa harap ng salamin at tinignan ang reflection ko. Naawa ako sa sarili ko. Sobrang payat ko na. Hindi, mas lalo akong pumayat. Isa-isang bumagsak ang luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, lalo lang akong nangungulila. Naguguluhan ako. Minsan naisip kong magtangkang patayin ang aking sarili pero hindi ko kaya at laging natatapos lang sa paghagulgol ng iyak. 'Lord, tulungan mo naman ako. Please. Bigyan mo pa ako ng pagkakataaon, naguguluhan na ako' bulong ko sa isip hanggang sa napayuko nalang ako at nahihirapan ng huminga. Agad akong pumunta ng kama at sa hindi ko inaasahan ay nawalan na ako ng malay. Nagising nalang ako na puro puti ang paligid ko. Nakita ko kaagad si Manang na nakahiga sa sofa. Mahimbing ang tulog. Napatingin ako sa paligid, nalungkot naman ako bigla dahil ni anino ni Jake ay wala. Biglang may pumasok na Doctor. Agad ko naman itong ningitian. "Hello, Good Morning. Mrs. Collin." bungad nito sa akin. "Good Morning din po Doc." bati ko dito. "You can call me Doc. Williams, Anyway. Good to see you na nagising ka na after a week." sabi ni Doc Williams. "Po? Ganun katagal akong walang malay? “ takang tanong ko dito. " Yes, buti nga nadala ka ni Mam Lucy kasi kung hindi baka nag-end ka ng cardiac arrest and thanks to her kasi until now okay ka na and your babies." paliwanag nito. "Babies?" takang tingin ko dito. "Yes, Buntis ka. 3months na. Kaya dapat need mo ng pag-iingat. No stress and anxiety since may history ka ng PCOS. Based din pala sa nangyari sayo. You need a Psychologist regarding to your case. Kaya ka siguro nawalan ng malay because of emotional breakdown." paliwanag nito. "Emotional breakdown describes a period of overwhelming mental distress. During this time of psychological disorder a person suffering cannot function in their everyday life and papasok yung depression, anxiety and also the traumatic flashback na naranasan mo ngayon based sa kwento ni Mam Lucy." habol nito. "Oh. Gising ka na pala iha. Hello Doc, Pasensyaa na at ngayon lang ako nagising. Galing pa kasi akong mansion. Buti nalang at hindi pa napunta si Jake." paliwang ni Manang matapos na magising ito sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni Doc. "Okay lang Manang." ngiti ko dito. "See, you have a genuine smile pero nagpapadepress ka. By the way, ingatan mo yung sarili mo and tomorrow pwede ka nang madischarge. Ipadala ko nalang sa nurse ko kung anong mga meds ang dapat itake mo since you are preggy. Congrats." sabay alis nito. "Sabi na, buntis ka. Yes, yes" talon ni Manang. Lumungkot naman ang mukha ko. Kaya ko ba silang dalhin lahat. Matatanggap kaya sila ni Jake? "Oh bakit malungkot ka? Dapat happy tayo!" palo ni Manang sa braso ko. "Paano yan Manang, buntis ako. Paano nalang kung anong isipin ni Jake. Hindi ko alam kung anong reaksiyon ang gagawin niya kahit alam naman natin na comatose pa si Mam Teresa." buntong hininga kong sabi. "Okay sana Manang kung ganyan din reaksyon ni Jake, magiging masaya pa ako kaso sa nangyayari sa pamilya nila bumibigat lang pakiramdam ko" pag-aalala kong tanong sa kanya. "Ahhh, basta, tutulungan kita. Ako bahala sayo. Wag kang mag-alala. Kahit mawalan ako ng trabaho. Wag ka nilang sasaktan dahil parang anak na kita." yakap nito sa akin. "Salamat Manang." yakap ko din dito. Ilang oras lang ang lumipas ay dumating na ang sinabi na nurse ni Doc Williams. Kinuha ko ang reseta para sa monthly check up ko sa ob-gyne at sa Psychologist ko para mabatayan ang emotional breakdown ko. Baka pabayaan ko lang daw kasi ang sarili ko since may traumatic experience ako. Agad din kaming nakauwi ni Manang ng Mansion at walang nakakaalam sa pamilya Collins na nahospital ako. Kinabukasan ay dumalaw si Jared. "Hi ate Cass, How are you?“ yakap nito sa akin. "Oh Jared, nabisita ka? Okay lang ako." yakap ko din dito. "Good, your fine! Based in my Sources, naconfine ka daw almost a week sa isang public hospital. What happen? Bakit ka nahospital? “ sunod sunod na tanong nito na nagpakaba naman sa akin. Hindi ako makapag salita baka malaman nito na buntis ako. "Don't worry Ate Cass, I will keep my mouth shut and Congrats, magiging uncle na ako." ngiti nito. "Pero Jared, Bakit ganto ka sa akin ngayon?" naluluha kong sabi. "Almost 2 months na ang ang nangyari pero parang ang pakikitungo mo sa akin hindi parin nagbabago ngayon." pangungunot ng noo ko. "Alam ko ate Cass, hindi mo kasalanan yun. Una, Basa ang buhok mo that time pero si Mom, hindi. Hindi ko lang matanggap na until now nasa hospital padin siya. Tsk Kasalanan naman din kasi niya. Di bale, Alam ko naman na ayaw sayo ni Mom that's why pumunta ako ng ibang bansa. We're investigate Kuya Jake, my siblings even Mom rather than Nicole, nagtataka kasi kami ni Daddy bakit galit sila sayo without any reason." paliwanag nito. "Kaya kung ano man ang gawin sayo ni kuya Jake, lalo na sa mga pamangkin ko. Without hesitation, I will kill him and We will help you." desididong sabi nito. "Thank you Jared, kahit alam kong may iba ang kuya mo at naimbestigahan niyo na siya. Mahal ko padin ang kuya mo no matter what happen to me." pangigilid ng luha ko "Yah, I know that. Mabait ka ate Cass." sabay hawak nito sa kamay ko. " Tsaka malambing ka sa amin ni Nicole. Baka kapag nalaman ni Nicole na magkakababy na for real. Baka matuwa yun. Anyway, I'll give you this for emergency and also gift to my niece and nephew." sabay abot ng sobre. Pag check ko. Php 500,000 ang nakalagay sa cheque. " No Jared, I won't kept that. Masyadong malaki ang perang yan. " sabay balik ko sa kanya. " Please ate Cass, accept this, for emergency lang naman yan. Kapag hindi kita natulungan at kung sakaling may gawing masama si kuya Jake sayo. Please. Kunin mo na." pagsusumamo nito. "Fine, para sa mga pamangkin mo." pag-sang-ayon ko sa binigay nito "Sige, Alis na ako. At least nakita kitang okay ka for now, ingatan mo sarili mo Ate Cass. Bye" Yakap nito sa akin. Pagkatapos kong ihatid si Jared ay agad akong pumunta ng kusina para hanapin Si Manang Lucy. Hindi naman ako nahirapan hanapin ito dahil nakita ko itong nagluluto ng hapunan namin. "Manang, Pakitago naman ito. Please." abot ko sa sobre. "Ano ito iha?" takang tanong ni Manang. "Malaking pera ho ang nakalagay dyan. Bigay po ni Jared. In case of emergency ko daw po." " Sige sige, itatago ko ito baka makita ni Jake. Baka kung mapano ka pa lalo na at may mga bata dyan sa tyan mo. " paglalagay ni Manang sa bulsa nito. " Salamat Manang" yakap ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD