Cassandra POV
Mahigit isang buwan ng nakakabawi ako at hanggang ngayon ay hindi padin nagpaparamdam si Jake.
Nakakalabas na rin ako at hinahayaan ko nalang kung anong mangyayari sa akin kahit malaman pa ni Jake na umalis ako ng mansion.
Basta ang alam ko lang masaya ako ngayon dahil may mga nabubuhay sa loob ng sinapupunan ko na kailangan kong ingatan.
"Good morning Manang." bati ko dito.
"Oh iha, gising ka na pala. Halika at sabay na tayong mag-almusal." alok nito.
Agad kaming pumunta sa hapag kainan para sabay na kumain.
Sanay na naman ako na si Manang Lucy lagi ang aking kasabay sa tuwing kakain kami umaga, tanghali, hapunan at gabi.
"Kamusta na kaya si Mam Teresa?" biglang lumabas sa mga bibig ko.
"Hindi pa daw siya nagigising. Gusto mo bang bumisita?" seryosong tingin nito.
"Naku, baka kapag bumisita ako Manang, maabutan ako ni Jake. Baka di ko alam ang gagawin ko." pag-dadalawang isip kong sabi sa kanya.
"Minsan kalang naman bumisita. Aalalayan tayo ni Berto."tingin nito sa akin.
" Sige po. Basta samahan mo po ako. Baka kung ano po kasing mangyari." hawak ko sa kamay nito.
" Sige Iha." pisil nito sa mga kamay ko.
Pagkatapos namin kumain ay nag-asikaso na ako ng sarili at hinanda ang sarili para makita ko ulit si Mam Teresa.
Balisa at Kabado padin ako sa tuwing iniisip kung ano ang mangyayari mamaya.
Sabi kasi ng psychologist ko na kailangan kong labanan ang emotional trauma ko para maging maayos na ulit ako. Buti nalang healthy ang mga babies ko.
*tok, tok, tok*
"Tapos ka na Iha" ani ni Manang.
"Opo, Palabas na po ako." tugon ko dito.
Nakangiti akong sumalubong sa kanya.
"Yan, mas maganda ka kapag lagi kang nakangiti." kurot nito sa mga pisngi ko.
"Naku si Manang talaga, binola na naman ako." sabay akbay ko sa balikat nito.
Parang pamilya ko na talaga tong si Manang.
Bukod sa mabait napakalamabing pa. Kaya love na love ko na ito eh.
"Iha, relax lang ha kapag nadating na tayo sa hospital ng mga Collins." biglang singit ni Manang habang nasa byahe kami.
Tumango naman ako dito samantalang si Mang Berto ay kalmado lang na nagdadrive.
Ito ang kadalasan na kasama ni Jake, buti nalang kahit papaano ay nalalaman ko sa kanya kung ano mga ginagawa ni Jake sa pang-araw-araw.
"Mam Cassandra, Huwag po kayong mag-alala kasi ngayong araw po ay busy si Sir Jake sa Opisina kaya hindi po siya makakadalaw ngayong araw." biglang sabi ni Mang Berto.
"Ganun po ba. Salamat po ng marami Mang Berto." tingin ko dito.
"Walang anuman po Mam Cassandra, basta para sa inyo din po." tugon nito.
Nakarating din kami sa Hospital. Nag log-in muna ako para sa visitor pass ni Mam Teresa ganun din si Manang.
Habang papalapit ako ng papalapit sa kwarto ni Mam Teresa ay mas lalong kumakabog ang dibdib ko.
Inayusan din ako ng nurse dahil kakailanganin namin mag gown para iwas sa mikrobyo na dala namin dahil galing kami sa labas.
Nung nasa tapat na kami ng ICU. Binuksan na ng nurse yung pinto at bumungad sa akin ang namamayat na si Mam Teresa.
Tila nanlumo ang pakiramdam ko. Hindi ko akalain na hahantong sa ganto ang sitwasyon ni Mam Teresa. Nanlambot pa ang mga tuhod ko at buti nalang ay nasalo ako ni Manang.
Agad akong lumapit sa gilid ng kama ni Mam Teresa. Tinignan ang kabuuan nito. Ang bigat sa pakiramdam. Mga aparatong nakakabit sa katawan niya ay nakakapanghina sa pakiramdam ko.
Hinawakan ko kaagad ang kamay nito. Pinisil-pisil at hinaplos-haplos ko ito. Isa-isang bumagsak ang mga luha ko.
Kulang ang isang libong sorry para mapatawad ako nito. Siguro deserve ko ang pumalit sa kalagayan nito para naman maramdaman ko ang pagdalaw ng anak niya sa akin.
Pinilit kong ikalma ang sarili ko para hindi mabasag ang boses ko.
"Hi, Mam Teresa, Pasensya na at ngayon lang ako nakadalaw, Sorry po at nasa gantong kalagayan ka ngayon. Hindi mo naman po deserve ito. Siguro kung hindi po ako lumaban nung panahon na iyon baka wala po kayo sa gantong sitwasyon ngayon." iyak kong sabi dito.
"Oo nga po pala, may magandang balita po ako sa inyo at sa inyo ko lang po muna sasabihin, baka sakali kasing matanggap niyo ko bilang daughter-in-law. Magkakaapo na po ulit kayo. Sana matuwa po kayo." ngiti kong sabi sabay lagay ng kamay nito sa aking namimilog na tyan.
"Tsaka balik na po kayo Mam Teresa kasi namimiss na po kayo ng mga anak niyo. Alam ko naman na mabuti kayo Mam Teresa pero ng dumating ako sa buhay ni Jake ay nag-iba ang ihip ng hangin kaya ganto po kayo sa akin ngayon. Pinapangako ko po nakapag nagising kayo. Kahit mabigat at masakit sa loob ay makikipag hiwalay na po ako kay Jake. Pangako po yan. Bumalik kalang po sa kanila. Please Mam Teresa. Please. " hagulgol kong iyak.
Maya-maya pa'y humigpit ang hawak ng kamay nito tanda na naging responsive na ito.
" Manang, patawag ng doctor Please" habang pahid ko sa mga luha ko.
"Sige, sige" takbo ni Manang palabas.
"Thank you Lord, Mam Teresa Laban lang po ha." pisil ko ulit sa kamay niya at pinisil din nito ang kamay ko.
Dumating ang mga doctor para icheck si Mam Teresa pero agad din kaming nagpaalam dahil hindi naman kami allowed sa pagiging bisita. Pinakiusapan ko yung mga doctor na wag sanang sabihin na nagpunta kami dun at buti nalang ay sumang-ayon ang mga ito. Agad din naman nilang tinawagan ang pamilya ng mga ito.
"Manang, magigising na po si Mam Teresa, Thanks to Lord." ngiti ko dito.
"Kaya nga eh, pero handa ka na ba sa mgiging kabayaran nito? “ malungkot na sabi nito.
"Ano pa po bang magagawa ko Manang para lang bayaran ang lahat ng kasalanan na nagawa ko sa pamilya nila." dantay ko sa balikat nito.
"Naku iha, bilib din ako sayo. Kahit sa gantong sitwasyon mo ay mas pipiliin mo ang iba kaysa sa pansarili." himas nito sa buhok ko.
"Naku, Mam Cassandra, sa buong apat na buwan pong kinakausap ng mga anak niyan si Mam Teresa, ikaw lang po ang bukod tangi na natugunan niya at thank you din po sa inyo dahil magigising na si Madam. Mabait naman po talaga yan si Madam, baka ho naimpluwensyahan lang ng mga kumare at maldita niyang anak isama mo pa ho ang swapang niyang anak na si Sir Mike." paliwanag ni Mang Berto.
" Naku, hayaan na lang po natin sila Mang Berto pero salamat din po dahil kung hindi po sa inyo ay hindi ko na po makikita si Mam Teresa." pasasalamat ko dito.
Maya-maya pa ay nakauwi narin kami at nagpahinga na rin ako sa kung ano ang dati kong gawain.
Jake POV
Almost 4 months na akong hindi bumabalik sa mansion. Sa tuwing nakikita ko si Mommy sa kalagayan niya gustong-gusto kong ipalit ang babaeng yun.
Sana siya nalang ang nasa ganung sitwasyon. Damn it.
"Mr. Collins, are you agree in our new project in Catanduanes? Mr. Jake? " Mr. Ry
Kinalabit naman ako ng secretary ko na si Mr. Cyrus.
"Sir, may sinasabi po si Mr. Ry" Cyrus
"Oh, I'm so sorry Mr. Ry, please repeat the question." bawi ko
"Mr. Collins, I repeat, are you agree in our projects in Catanduanes or baka gusto mo ulitin namin ung proposal para magets mo?" gigil na tugon ni Mr. Ry
"Hmmm, well. Mr. Ry, please re-sched this meeting tomorrow. Note this Cyrus." sabay kuha ko ng tuxedo ko at umalis sa meeting ng walang paalam.
"Noted, Mr. Collins" sunod nmn ni Cyrus.
Ilang beses na akong nag-iisip sa meeting ko at hindi maintindihan ang mga proposal nila. Tsk.
*kring, kring*
Baste calling
"Jake, ikaw ba yan?" tanong nito.
"Baste, Bakit napatawag ka, may balita na ba?" agad kong tanong sa kanya.
"ahh, Jake, si Tita gising na kaso," alanganing tanong nito.
"What? Tell me, what happen to Mom?" pag-aalala kong tanong sa kanya.
"Si Tita. hinahanap niya si Cassandra." hirap na sabi sa pangalan ng asawa ko.
"What?Bakit niya hinahanap ang babaeng yun?" gigil kong sabi.
"Hindi ko alam Jake." buntong hininga nitong sabi.
"Okay punta ako dyan." sabay patay ko ng phone.
Tumingin naman ako kay Cyrus.
"Cyrus , Please update me, punta lang ako ng hospital." paalam ko dito.
"Okay Mr. Collins." sabay balik nito sa Monitor.
Agad akong pumunta sa Hospital.
Naabutan ko silang nagkakagulo. Nagtanong kaagad ako kay Baste. Isa sa mga nagbabantay kay Mom simula ng macomatose ito.
"What happen here Baste" bungad ko sa kanya.
"Sorry Jake pero mukhang hindi tayo maalala ni Tita. Si Cassandra ang hinahanap niya. Based naman sa vital signs niya, normal naman, pero ang nakakapagtaka ay hindi niya tayo maalala" explain ni Baste.
Napatingin kaming lahat kay Mom ng magsalita ito.
"Ano ba? Asan ba si Cassandra. Sino ba kayo?" takang tanong ni mommy sa aming lahat.
"Please Mommy, wag mong alalahanin yung babaeng yung. Gold digger yun."pigil ni Jade sa pagwawala ni Mommy dahil nagsisimula na itong maaburido dahil hindi niya makita si Cassandra.
Samantalang si Jared, tahimik lang sa isang tabi at si Mike naman ay tiim bagang nakakunot ang mga kamao na akala moy gustong manakit.
" Mom, I'm here, Si Jake, naalala mo ba ako?" hawak ko sa mga kamay niya.
Tumingin lang sa akin ito.
"Asan si Cassandra? Miss ko na siya? Si Cassandra" parang bata na tila iiyak.
"Ma, ano ba, we're here, kami ang mga anak mo pero yung pesteng babaeng yun ang hinahanap mo." yugyog ni Mike sa balikat ng Mommy nila.
"Waaahhh, ayoko sayo, ayoko sayo. Bad ka, Bad ka." Hampas nito kay Mike.
"Damn" sigaw ni Mike.
"Dad, ano ba, gumawa ka naman ng paraan. Please." pagmamakaawa ni Jade.
"Wala tayong magagawa kung hinahanap niya si Cass." sabi nito.
"Damn Cass. May araw ka sa akin" ani ni Jade.
Bakit siya pa. Kami na mga anak andito pero bakit siya pa ang hinahanap.