Chapter 22 Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, nanatili ang tingin ko roon sa box na naihagis ko na dahil sa gulat. Hindi ko nakayanan ang laman no'n. Maya maya lang ay lumabas si Tusher, kasunod na niya lahat ng tao sa aming bahay. Agad na lumapit sa akin ang asawa ko nang makita ang itsura ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Tusher..." naluha na ako. Natatakot ako roon sa manika. Tama, manika ang laman no'ng box, pero hindi siya ordinaryong manika dahil nakakatakot ang kanyang mukha. "Shh, manika lang 'yan babe," sabi niya sabay hagod sa likuran ko, pilit akong pinakakalma. "Sinong nilalang ang magpapadala ng ganyang manika?" tanong ni Mommy Grace. Umiling ako. "Hindi ko po alam, hindi rin sinabi sa akin kung kanino iyan galing, pero paano po kung si ate ang nagpadala niyan?" ta

