Chapter 23 Matapos magpahinga ay lumabas na rin kami ni Tusher. Sinalubong kami ng mga friends namin. "Why did you change your outfit? Pati tirintas mo tinanggal mo," puna ni Heize. "Bagay sa 'yo iyong tirintas kanina!" Si Francheska. "Naastigan ako roon kanina eh. Hindi ko alam na marunong ka no'n." "Oo nga naman, bagay kaya sa 'yo," dagdag naman ni Nav. Alanganin akong ngumiti. Syempre hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila ang totoong dahilan. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila, ayoko lang din mag alala sila saka hindi naman sure na ako iyong nginitian at kinawayan no'ng babae. "Pinagpawisan na kasi ako sa suot ko kanina. Saka iyong buhok ko, basa pa pala kaya tinanggal ko na muna." Sinabi ko rin sa kanila kung anong sinabi ko sa asawa ko kanina. "Sabagay, napakainit di

