Chapter 15 Nang matapos kami doon ay dumiretso kami kina mommy Grace, may sasabihin daw kasi siya at si Daddy Alfred sa amin. "Mom, Dad ano ba 'yong sasabihin mo?" inip na inip na siguro itong si Tusher at hindi na makapaghintay. Tsk ganyan 'yan e, mainipin. "Chill ka nga lang kuya masyado kang mainipin," nakangising sabi ni Creed. Sumama ang mukha ni Tusher. "Shut up Creed." "Okay tama na 'yan, sasabihin na namin," seryosong ani daddy Alfred kaya natahimik ang magkapatid. "Tusher and Lauri," nakangiting sambit ni Mommy, ang paningin ay nasa aming dalawa na ng aking asawa. "Bakit po?" tanong ko agad. "Ano 'yon Mommy?" tanong naman ni Tusher. "Maghihiwalay na sila Mom?" nakangising tanong ni Creed dahilan para lalong mainis sa kanya si Tusher. Grabe naman iyon. Maghihiwalay? E

