Chapter 14 "Why are you crying?" tanong niya nang makitang tumulo ang luha ko. Agad ko 'yong pinunasan. "Hindi lang ako makapaniwala na sinasabi mo ang lahat ng 'yan ngayon." "I'm sorry," bulong niya at yumakap na muli sa akin. Mahigpit ko rin siyang niyakap. "Thank you, Tusher." "I'll be careful from now on, I can't promise na hindi na kita masasaktan, but I'll try," aniya nang magtama na namang muli ang mata namin. "Malaking bagay na 'to sa akin," nakangiti kong sinabi habang panay pa rin ang tulo ng aking luha. Nakangiting pinunasan ni Tusher ang mga luha ko. Ito 'yong matagal ko ng gusto eh. Ang marinig mismo sa kanya ang mga bagay na ito. Bumalik kami sa table matapos magsayaw. Sandaling nakipagkumustuhan sina Naviory kay Tusher. Nang hindi nagtagal ay nagpaalam na kami dahi

