Chapter 13 "Eh baka kasi ayaw mo 'kong kasabay ulit," pagdadahilan ko. "Kumuha ka ng pinggan mo at sabayan mo ako," aniya at nagsimula ng sumandok ng kanin at ulam. Agad akong tumalima, naupo ako sa katapat niyang upuan. Ilang sandali pa akong nakatingin sa kanya. Talaga bang sinabayan niya ako? He's very strange talaga! Baka bigyan ko 'to ng kahulugan. "Stop staring and just focus on your food," masungit niyang sabi. Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Hays Tusher, you're very strange lately. ------- Alas otso na ng gabi pero wala pa rin si Tusher, nitong mga nakaraang araw kasi ay 8:00 pm ang uwi niya, malayong malayo sa oras ng uwi niya dati. Dati rati kasi ay halos umaga na 'yon kung umuwi. Kaunti nalang at iisipin ko ng nagbago na talaga siya. Na unti-unti ng bumabalik ang

