Chapter 1

1596 Words
Chapter 1 Nakangiti ako habang tinatahak ang daan pauwi. Grabe, parang kailan lang, bagong lipat kami rito sa subdivision na ito. Naalala ko pa, no'ng bagong dating namin dito ay si Tusher kaagad ang naging kaibigan ko. Hindi siya nawala sa tabi ko magmula no'ng nangako kami sa isa't isa na magiging magkaibigan hanggang sa lumaki kami, at 'eto, ganoon pa rin kami. I admire Tusher for a lot of things. Iyong dedication niya kasi sa lahat, miski sa pag aaral ay nakakabilib. Nang makarating sa tapat ng bahay namin ay inihinto ko na ang pag iisip. "Lauri..." Kapapasok ko pa lang ng bahay ay iyon agad ang bumungad sa akin. Nasa ganoong eksena ang aking pamilya nang dumating ako galing sa eskwelahan. Katatapos lang kasi ng practice namin sa volleyball kaya ngayon lang ako nakauwi. "Ate, anong mayroon?" tanong ko saka sila tinignan isa isa, pero nag-iwas lamang ng tingin sa akin sina Daddy at Mommy. Lumapit siya sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko. Hindi ko maintindihan pero nagiba bigla ang pakiramdam ko roon. Para bang may mangyayaring hindi maganda. Hindi ko alam pero iyon ang unang pumasok sa isip ko. Nangunot ang noo ko saka ulit sinulyapan sina Mommy at Daddy na hanggang ngayon ay naroon pa rin sa pwesto nila kanina. Hindi sila makatingin sa akin ng diretso. Bakit ganito? May nangyari ba habang wala ako o baka naman may mangyayari pa lang na hindi maganda? "Lauri, aalis ako," ani Ate Alex, walang kahirap-hirap. Aalis siya? Pero bakit parang biglaan naman yata? Paano na si Tusher? Alam na ba niya ito? Paano nalang kapag nalaman niya? Paniguradong masasaktan siya! Hindi maaari, hindi ako makapapayag. Oo at mahal ko si Tusher, sinuportahan ko sila ni ate sa relasyon nila, nagparaya ako kahit masakit, tapos ito lang ang gagawin niya? Iiwan niya ito? Hindi ko maintindihan ang gustong mangyari ng kakambal ko. "Ha? Kailan? Saka saan ka pupunta? Paano na si Tusher ate?" tanong ko. Inalis niya ang kanyang palad sa aking pisngi. Mabilis niyang hinawakan ang dalawa kong kamay kaya naman dumako roon ang paningin ko. Nang mag-angat ako ng tingin kay ate ay para na siyang maluluha. Namamasa na ang kanyang mata. Umiling siya, iyon lang ang isinagot niya. Halatang pinipigilan niya ang kanyang sarili na magsalita dahil parang kapag ginawa niya 'yon ay tuluyan nang lalabas ang mga emosyon na itinatago niya. "Anong—bakit ganyan? Ano bang nangyayari? Hindi ko naiintindihan e, kauuwi ko lang tapos maaabutan ko kayong ganito." Binawi ko ang kamay ko kay ate. Lumayo ako ng bahagya sa kanya. "Aalis ako Lauri, hihiwalayan ko si Tusher, hahanap lang ako ng tiyempo," mahina niyang sinabi. Kasabay no'n ang pagtulo ng kanyang luha. Napatakip pa siya sa kanyang bibig upang pigilan ang sariling humagulgol. Aalis siya at hihiwalayan si Tusher? Just wow, ano bang nangyayari sa kanya? Nag-away ba sila? Bakit naman siya aalis? Gaano ba kalala ang sitwasyon nila ngayon para maisipan niyang umalis? Hindi na ba madadaan ang lahat sa maayos na usapan. Umiling ako. "Hindi mo 'yan gagawin ate, alam mo kung gaano ka niya kamahal." Tumulo na rin ang luha ko. Oo, masakit na sa akin pa iyon mismo nanggaling. Na mahal ng lalaking mahal ko iyong kakambal ko. "Nagparaya ako kasi alam kong mas masaya siya kung kayo ang magkakatuluyan, pero bakit ganito? Ano bang pumasok sa isipan mo? Nag-away ba kayo? Hindi na ba madadaan sa maayos usapan? Ate—" Pinutol niya ako. "I love Zean, Lauri..." Gulat akong tumitig sa kanya. Si Zean? Iyong lalaking palagi niyang kasama na akala ko'y kaibigan niya lang. Paano niya nagawa 'to kay Tusher? "Pero mahal ka ni Tusher, he's planning to marry you pagkagraduate natin," sabi ko, halos pumiyok ako roon. Iyon naman kasi talaga ang plano ni Tusher e. Ang pakasalan ang kakambal ko kapag nakatapos na kami ng college. Marami ng plano si Tusher para sa kanila ni ate at lahat iyon ay alam ko, sinabi niya sa akin. Kahit masakit ay tinanggap ko dahil alam kong sila ang para sa isa't isa, na sasaya sila sa piling ng bawat isa. Pero ano 'to? Lahat ng iyon ay mawawala at masisira dahil lang nafall siya kay Zean? What kind of excuse is that? Kung mahal niya talaga si Tusher ay hindi niya ito gagawin. Sana'y pinigilan niya! "Sa 'yo na si Tusher." Parang ang dali naman yata para sa kanya na sabihin 'yan? Hindi niya ba mahal si Tusher? Anong klaseng girlfriend siya kung ganoon? Sarkastiko akong natawa. Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kanya. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya 'to. Ni minsan ay hindi ko naisip na sasagi ito sa isipan niya. "Ikaw ang mahal niya." Lumapit ulit sa akin si ate. Hinawakan niyang muli ang mga kamay ko. Hinaplos niya iyon. "Makakalimutan niya rin ako at matututunan ka niyang mahalin." "No," matigas kong sinabi. Umiling si ate saka ako niyakap ng mahigpit. "Ginagawa ko lang 'to para sa 'yo." Pilit akong kumawala sa yakap niya. I gave her a cold stare. "Ginagawa mo 'to para sa sarili mo, dahil makasarili ka." Matapos ko 'yong sabihin ay nanakbo ako palabas ng bahay namin at doon umiyak ng umiyak. Napaupo ako sa damuhan at doon niyakap ang pareho kong tuhod. "Lauri are you crying?" Napatigil kaagad ako sa pagiyak nang marinig ang tinig ni Creed. Pinunasan ko ang luha ko saka nag-angat ng tingin sa kanya. Nagulat pa ako nang makitang may kasama siyang babae. Mukhang kagagaling lang nila roon sa may clubhouse. "I'm not crying," agap ko saka ngumiti ng pagkalapad-lapad. Iniwasan ko ang titig ni Creed, ibinaling ko nalang iyon doon sa batang kasama niya. Sa tingin ko'y mas bata iyon sa kanya. Siguro'y nasa 2 hanggang 3 taon ang tanda nila. Si Tusher ay mas matanda sa amin nina Ate Alex at Creed. Ang tanda niya sa amin ni ate Alex ay dalawang taon habang kay Creed naman ay halos tatlo. "Anong pangalan mo?" tanong ko roon sa babae. Batid kong 2nd year high school palang siya dahil sa suot niyang uniform. Kung tatanungin niyo kung anong year na ako. Well, 3rd year college na. Si Creed naman ay nasa 1st year college. Same school lang kaming lahat. Siguro, dahil iyon ang malapit sa amin kaya ganoon. Tumitig muna 'yong babae kay Creed bago sa akin. She was about to say her name nang biglang magsalita si Creed. "Call her Lio," si Creed. Ngumiwi lang iyong babae kay Creed saka ako binalingan. "Lauri ang pangalan mo po?" tanong niya gamit ang kanyang cute na boses. Nakangiti akong tumango. "Oo." "Alam niyo po ba ang ibig sabihin ng pangalang Lauri?" tanong niya. Nagkatinginan tuloy kami ni Creed. Ang aga aga ay mapapasabak ata ako sa patalinuhan sa batang ito. "Hindi e, bakit ikaw, alam mo ba?" tanong ko naman. Tumango siya. "The name Lauri symbolizes victory and honor," sagot naman niya agad. Namamangha akong tumitig doon sa bata pagkatapos ay kay Creed. "Ang talino naman ng girlfriend mo," tukso ko rito saka ngumiti ng nakakaloko. Napakurap si Creed. "Hindi ko siya girlfriend." "Hmm?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi pa," sabi ko. "Tsk, sige na, ihahatid ko pa 'to sa kanila," sabi niya saka hinila paalis iyong kasama niyang babae. Napangisi ako habang pinagmamasdan silang maglakad palayo. Nang mawala sila sa paningin ko ay nalungkot na naman ako. Naalala ko na naman ang problemang mayroon kami. Napabuntong-hininga ako at maglalakad na sana pabalik sa loob ng bahay nang biglang may nagtakip ng mata ko. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko nang maamoy ang pamilyar na pabangong iyon. Si Tusher... "Tusher," tawag ko sa pangalan niya. Nang sabihin ko 'yon ay inalis na rin niya ang kamay na nagtatakip sa aking mata. Humarap ako sa kanya. "May kailangan ka?" tanong ko, hindi ko ipinahalata sa kanya ang lungkot na nararamdaman ko. "Umiyak ka ba?" tanong niya, nakakunot na ang noo. Sasagot na sana ako pero hinaplos na niya ang pisngi ko. "Tsk, may bakas pa ng luha, medyo basa pa rin ang pisngi mo," naiiling niya 'yong sinabi. Tuloy ay natigilan ako. Parang tumigil ang paligid nang sandaling 'yon. Pinanood ko siyang gawin 'yon. "Bakit ka na naman umiyak? Sinong nagpaiyak sa 'yo?" tanong niya. Inakbayan niya ako at naglakad kami paalis sa aming bahay. Saan naman kaya ako dadalhin nito? Malapit pa naman ng maggabi. May pasok pa ako bukas. May mga kailangan pa rin akong gawin na school works. "Wala 'yon, saan pala tayo pupunta?" tanong ko habang diretsong nakatingin sa daan na tinatahak namin. "Sa bahay, by the way, doon kana muna matulog," sabi niya kaya naman natigilan ako sa paglalakad. Nang maramdamang natigilan ako ay nilingon niya ako. "Bakit? Ayaw mo ba?" tanong niya. "Marami ka bang school works? Hayaan mo at tutulungan kita, dala mo naman ang bag mo e." Nasapo ko ang sariling noo nang maalalang hindi ko pa pala natatanggal ang bag ko. Damn, dahil sa nangyari sa bahay ay hindi ko na iyon nagawa pang ilapag manlang sa sofa. "Bakit?" tanong niya na naman. "Ano? Doon kana muna sa bahay, tatawagan ko nalang si Alex mamaya, for sure naman papayag sina Tita." Bumuntong-hininga ako. "Tusher kasi..." Dapat ko na bang sabihin sa kanya? "Kasi?" Mabilis akong umiling. Nauna na akong maglakad sa kanya. Hindi ko yata siya kayang saktan ngayon. Hindi ko kayang sabihin. Hindi ko kakayanin kung sakali mang masaktan siya. This may sound cliché pero gugustuhin ko pang ako nalang, huwag lang siya. At kahit masakit, aaminin ko, ako ang kakambal ng babaeng mahal na mahal niya.  ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD