Chapter 2
"Hindi ka pa matutulog?"
Nabalik ako sa realidad matapos marinig ang tinig ni Tusher. Yes, I ended up sleeping here in their house. Ayoko naman sana pero mapilit siya. Talagang kinulit niya ako hanggang sa pumayag ako.
Wala naman na akong nagawa dahil mismong mga magulang ko ay pumayag na rin doon. Hindi ko alam kung anong balak ni ate pero kung ano man 'yon, hindi talaga maganda ang kutob ko.
Alam kong gusto niyang umalis, pero iba ang pakiramdam ko e. Pakiramdam ko ay mangyayari pa bukod doon na hindi nila sinasabi sa akin.
"Kanina ko pa napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo," ani Tusher saka naupo sa tabi ko. Nandito ako sa kwarto niya ngayon. Dito naman ako palaging natutulog e.
Kapag nandito ako ay doon siya sa sofa bed niya natutulog at hinahayaan niya ako roon sa kama. Kung paguusapan ang dalas dito sa bahay nila, mas madalas yata akong narito kumpara kay ate. Saka kung titignang maigi, bibihira rin siyang matulog dito, hindi gaya ko na halos kada linggo ay dito natutulog, na kulang nalang ay isipin kong bahay ko na rin ito.
Umiling ako at pilit na ngumiti. "Wala 'yon, huwag mo ng isipin."
"Wala ba talaga?" tanong niya, he cupped my face. Iniharap niya ako sa kanya. Nagtitigan kami sa mata nang mga oras na 'yon. "Hmm, may problema ka talaga e, sabihin mo na, halata dyan sa mga mata mo," sabi niya pa bago pakawalan ang mukha ko.
"Wala nga," tanggi ko na naman.
Kung pwede lang ay sinabi ko na sa kanya e. Pero hindi kasi 'yon ganoon kadali. Mahirap dahil masasaktan ko siya, baka rin masira ang pagkakaibigan namin. Hindi ko yata iyon kakayanin.
Bumuntong-hininga siya. "Sige, ako nalang ang magsasabi ng problema."
Mabilis ko siyang nilingon dahul doon. May problema siya? Tungkol saan? Possible bang tungkol ito kay ate? Nahahalata na ba niya? Gosh.
"Anong problema?" mahina kong tanong, hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Tinignan niya rin ako. Hindi ko alam pero samu't-saring emosyon na ang nakikita ko sa kanyang mga mata.
"May nasabi ba sa 'yo si Alex?"
Bigla akong nakaramdam ng kaba matapos niya iyong itanong sa akin. So confirmed? Tungkol nga ito sa kanila?
Napalunok ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Bakit? May nangyari ba? May problema kayo?"
"Wala naman, pero madalas niya kasing kasama iyong si Zean, close ba talaga sila?" tanong na naman niya.
"Baka naman close lang talaga sila, alam mo naman si ate e, friendly, hindi gaya ko na tatahi-tahimik sa isang tabi."
Totoo naman e. Si Ate Alex iyong tipo ng babae na friendly, masayang kasama, hindi gaya ko na tahimik at parang walang pakialam sa mundo. Kung wala sina Tusher ay baka wala rin akong kaibigan. Kung wala sila, hindi ko rin alam kung papaano ako.
Hindi kasi talaga ako sanay na nakikihalubilo sa maraming tao. Mas gusto ko iyong mag-isa lang o kaya naman, doon lang ako sa mga taong gusto kong kasama, sa mga taong komportable ako.
Tumango-tango siya. "Sabagay, tama ka naman, baka nagooverthink lang ako."
Doon natapos ang usapan namin ni Tusher nang gabing 'yon. Kinabukasan ay sabay kaming pumasok sa school. Si Creed ay hindi na namin nakasabay pa dahil sumabay daw doon sa kaibigan niya.
Saktong pagbaba namin ng sasakyan namin ni Tusher ay naabutan namin si Ate na kasama iyong si Zean. Abala silang nag-uusap doon sa isang tabi, sa harap nila ay iyong mga libro at notebooks nila. Nakabukas ang mga 'yon kaya batid kong nagrereview sila.
Nang lingunin ko si Tusher ay nakatingin na siya kina Ate. Ikinawit ko ang braso ko sa braso niya, dahil doon, napunta sa akin ang paningin at atensyon niya. "Pasok na tayo sa loob?" aya ko sa kanya habang nakangiti.
"Hmm sige pero gusto mo ba munang dumaan tayo sa cafeteria?" tanong niya na ikinagulat ko.
Cafeteria? E halos katatapos lang naming kumain sa kanila ah? Hindi pa ba siya busog doon?
"Cafeteria? Nagugutom ka na naman ba?" tanong ko habang tinatahak namin ang daan papunta roon. Nakakawit pa rin ang braso ko sa braso niya.
Nakangiti siyang umiling. "Hindi naman."
Ngumuso ako. Kung hindi naman pala siya nagugutom, bakit pa kami pupunta roon? Napatingin tuloy ako sa orasan. Sabagay, maaga pa naman para sa unang klase namin ngayong araw kaya pwede pa kaming pumunta roon sandali.
"E, bakit?"
"Bibilhan kita ng pagkain para mamaya, diba may exam kayo? Kailangan mo ng chocolate."
Napakurap ako. Talaga bang ako ang inaalala niya o si Ate?
"Ako ba talaga ang inaalala mo o si ate?" tanong ko, kahit pa na masakit iyon para sa akin.
Pero ano pa nga bang aasahan ko? Una pa lang naman ay si ate na ang mahal niya, una pa lang sigurado na si Tusher na si ate ang gusto niyang pakasalan, kaya sino ako para pumagitna sa kanila hindi ba?
"Of course ikaw, this has nothing to do with her." Ginulo niya ang buhok ko saka ako hinila papasok ng cafeteria. Wala naman na akong nagawa kundi hayaan siya sa gusto niya.
At iyon nga ang nangyari, binilhan niya ako ng maraming chocolates para raw may masagot ako sa exam mamaya. Hinatid niya pa ako sa room ko. Tuloy ay agaw atensyon na naman iyon sa mga kaklase ko, pero hindi ko na lamang pinansin, dahil paniguradong masasayang lang ang oras ko.
Natapos ang klase ko sa araw na 'yon. Nagbabalak sana akong umuwi mag-isa pero naabutan ko na naman si Tusher sa labas ng room ko. Nakasandal siya sa pader habang may nakasalampak na earphones sa kanyang tenga.
Ano na namang ginagawa niya rito? Hindi ba dapat ay magkasama sila ni Ate? Nasaan na naman si ate kung ganoon?
Nang makita akong papalapit ay tinanggal niya ang earphones niya. Nginitian niya ako, iyong malapad na malapad.
"Bakit ka nandito? Hindi ba dapat magkasama kayo ni ate?" tanong ko saka nagsimulang maglakad.
"May group study sila sa bahay ng isa nilang kaibigan e."
"Oh, bakit hindi mo sinamahan?"
Humikab siya at nag-unat sa tabi ko. "Ayoko, hindi ko rin naman kaclose iyong classmates niya, baka maout of place lang ako."
Natawa ako sa sinabi at inakto niya. "Ewan ko sa 'yo, ang sabihin mo, mas gusto mo lang makasama ang iba mong tropa."
"Tropa ko lang? Tropa natin," sabi niya at pinandilatan ako.
I rolled my eyes. "Fine, tropa natin, happy?"
Kinurot niya ang pisngi ko. "Very happy."
Kinita namin ni Tusher ang mga tropa namin, kumain kami sa labas at tumambay doon sa paborito naming tambayan. Isa hanggang dalawang oras lang ang inilagi namin doon dahil kinailangan na naming umuwi. Bigla kasing tinawagan ni Tita Grace si Tusher at pinauuwi ito.
"Bakit ka raw biglang pinauwi nina Tita?" tanong ko nang nasa sasakyan na kami, pauwi.
"Hindi ko rin alam."
"Baka may dinner kayo? Lalabas kayo? Nga pala, ibaba mo nalang ako sa tapat ng bahay namin ah?"
"Hindi."
"Anong hindi?"
"Sasamahan mo 'ko."
"Eh? Kaya mo naman na 'yon."
"Basta samahan mo nalang ako."
At iyon nga ang nangyari, hindi ako ibinaba ni Tusher sa amin. Isinama niya ako hanggang sa kanila. Hindi manlang niya ako hinayaang magpalit. Nakauniform pa ako at amoy pawis na.
Madalas talaga, ako ang lagi niyang kasama sa mga ganito kumpara kay ate. Parang ewan lang dahil parang hindi niya kaya kapag wala ako sa tabi niya o baka naman kasi nasanay lang din siya sa presensya ko kaya ganoon.
"Tusher hindi ba pwedeng umuwi nalang ako?" tanong ko nang makababa kami ng sasakyan.
Nilingon niya ako. Kinuha niya ang bag ko at siya ang nagbibit no'n. Inakbayan niya ako at pilit na isinama sa loob. "Sasamahan mo ako Lauri," sabi niya pa.
Tumango nalang ako at hinayaan siya. Pagpasok namin, naabutan namin ang mga katulong na abalang-abala sa pag-aayos ng bahay. Anong mayroon? May party ba mamaya?
"Mom, we're here," tawag niya rito.
Lumabas naman si Tita Grace mula sa kusina. Nang makita kami ay lalong lumapad ang kanyang ngiti sa labi. "Buti naman at isinama mo si Lauri."
"Of course, palagi ko naman siyang kasama hindi ba?" aniya saka ako nginitian.
Tumango ako at alanganing ngumiti. "Tita ano pong mayroon? Para po kasing abalang-abala kayo ngayon."
Hindi ko na napigilan pang magtanong dahil nacurious talaga ako.
"May dinner kasi mamaya," sagot naman niya habang nakangiti pa rin.
"Dinner lang pala pero bakit may mga ganyan sa paligid?" tanong ni Tusher.
"Wala lang, masama bang magpaayos ng ganyan paminsan-minsan?" tanong naman nito sa anak.
"Whatever Mom."
"By the way, nasaan ang kapatid mo?"
"Si Creed? Baka nandoon sa bahay ng kaibigan niya."
"Okay, tell him na dalhin dito ang kaibigan niya mamaya." Iyon lang at iniwan na kami ni Tita.
Nagtungo kami ni Tusher sa kwarto niya. Naupo kaagad ako sa sofa nang makapasok sa loob no'n. Grabe, gusto kong matulog, inaantok ako.
"Inaantok ka?" tanong ni Tusher.
Tumango ako. "Oo eh."
"Oh sige, doon kana muna sa kama ko, pero bago 'yan, kumuha ka ng damit doon sa closet ko, magpalit ka."
Matapos niya iyong sabihin ay lumabas na siya sa kanyang silid. Nagkibit-balikat nalang ako saka nagtungo sa closet niya.
Hindi na ako nagulat pa na may mga pambabaeng damit doon. Talagang mayroon nito dito dahil nga palagi akong nakikitulog dito, naisipan nina Tita na bilhan ako ng mga damit para hindi ko na kakailanganin pang umuwi para magpalit.
Nang makapagpalit ay nahiga na ako sa kama niya, nagising lamang ako nang maramdaman na may tumatapik sa pisngi ko. Nang magmulat ako ng mata ay si Tusher ang bumungad sa akin.
"Dinner's ready, let's go," sabi niya saka ako pilit itinayo.
Hindi na ako nagsalita at sumunod nalang sa kanya palabas. Habang papalapit kami sa dining area ay panay ang ayos ni Tusher sa buhok ko. Miski ang mata ko ay tinanggalan niya pa ng muta. Talagang sinigurado niyang maayos akong tignan kapag humarap kami sa magulang niya.
"Good evening po," bati ko nang makarating kami roon. Ipinaghila ako ng upuan ni Tusher saka siya naupo sa tabi ko.
Naroon na sa kabilang side ng lamesa si Creed at iyong kaibigan niyang babae.
"Good evening Lauri, nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni Tito Alfred.
Nakangiti ko siyang nilingon. "Yes po Tito."
"That's good, oh siya kumain na kayo, nagluto ako ng marami."
Matapos ang dinner ay nanatili kami nina Tusher sa garden.
"Tusher, bakit ako ang isinama mo rito? Bakit hindi mo tinawagan si ate?"
Nilingon niya ako. Natigilan siya sa paglalaro sa kanyang cellphone. "Wala lang, baka lang kasi gusto niya ng time sa sarili niya kaya hindi ko siya masyadong ginugulo ngayon."
Hinawakan ko ang kamay niya. "Tandaan mo na kahit anong mangyari ay nandito lang ako para sa 'yo, hindi 'yon magbabago kahit ano pa tayo."
Ngumiti siya. "Salamat Lauri, ako rin, dito lang ako."
Sana nga Tusher, sana...
~to be continued~