Chapter 43

1042 Words

Chapter 43 Sinusubukan kong tawagan sina Robert pero hindi nila alam kung nasaan si Tusher. Nag-aalala na ako, kasalanan ko 'to eh, hindi ko na muna pinauwi 'yong kambal, mas maganda kung doon na muna sila kina Mommy Grace, hindi nila kami pwedeng makita na ganito ni Tusher, ayokong masira ang pamilya namin. Maya maya'y nagvibrate ang phone ko, then pagtingin ko si Tusher, goodness! Buti naman at tumawag siya. "Hello Tusher, nasaan ka na ba ha?" (Ay Ma'am kayo po ba ang asawa ni Mr. De La Vega?) Teka, bakit babae 'yong kausap ko? "Oo ako nga, teka miss, bakit nasa 'yo ang phone ng asawa ko?" sinubukan kong maging kalmado. (Ah Ma'am nurse po ako, isinugod po kasi 'yong asawa niyo rito sa hospital, sabi po niya kayo raw ang tawagan namin) Nanlambot ang tuhod ko sa mga narinig ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD