Epilogue: Unwanted Wife (Part 1) We were okay, matalik kaming magkaibigan. We are the best of friends, sa sobrang lapit namin ay para ko na siyang kapatid. Kaya nang maikasal kami ay nagbago ang lahat. Oo nga at ako ang nagyaya sa kaniya ng gabing iyon, niyaya ko siyang sumama sa akin sa entablado at humarap sa maraming tao kahit na hindi naman talaga siya ang pakakasalan ko, pero hindi ko naman inakalang mangyayari talaga iyon. When Alex left, my life became hell. Hindi ko alam kung papaano na ako. Para akong nawalan ng ganang mabuhay, kaya siguro nang sabihan ako ni Mommy na pakasalan si Lauri at panindigan ang ginawa ko no'ng gabi ng party ay basta nalang akong pumayag. Not that I want it pero wala na rin namang silbi ang buhay ko kaya hindi ko na inisip ang consequences ng mga iyon.

