Two weeks later
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatitig sa muka ng natutulog kong asawa. She's sleeping peacefully on my laps. I don't have a heart to wake her up. Alam ko na napagod ito sa byahe namin pabalik dito sa metro. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ko siya. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na si Cassandra lang ang makakabali sa paniniwala ko na hindi ako mag aasawa kahit kailan. Siya lang pala ang hinihintay ko.
Oo nga at wala akong kinatatakutan, Pero hindi ko maiwasang matakot kapag si Cassandra na ang involve. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag siya ang nawala sa buhay ko. Cassandra is my everything now.
I gentle stroke her hair when she stir a bit. And she slowly open her eyes at me. Tapos dahan dahang sumilay iyong maganda niyang ngiti na alam kong para lang sa akin.
"Hey, nagising ba kita?" masuyong tanong ko dito.
Umiling siya at mas yumakap sa bewang ko. Inayos ko lang ang kumot na nakatakip sa mga hita nito.
"You smell so good, Babe. Where are we?" tanong nito.
"Malapit na tayo. Dito muna tayo sa Subic dumiretcho, pupunta tayong Marina. Ipinaaayos pa daw nila Lola ang Mansion." sabi ko dito.
"Can we just live in my house?" ungot nito. I sighed.
"Babe, we already talked about this. Sa mansion tayo titira dahil iyon ang gusto ng Lola Margs. It's their tradition. Tayo lang naman ang titira doon dahil sila Papa at Mama ay sa Hacienda na umuuwi. Hindi ka naman maiinip doon dahil sa tapat lang ng bahay ang bahay ni Tita Ezra. You can visit her anytime kung wala siya sa ospital. Si Liway at Gabriel naman ay ilang blocks lang ang layo ng bahay sa Mansion." mahabang paliwanag ko dito.
"Papayagan kaya ni Gabriel maglibot si Liway sa mansion kung buntis naman na siya?" tanong nito at tinitigan ako.
I can see the best in me while staring on her hazelnut brown eyes.
"Babe, matutuwa nga si Liway at makakalabas siya ng bahay nila. Because if I remember pinatigil na siya ni Gabriel na pumasok sa kompanya ng malaman na buntis na siya. Bakit ba ayaw mo sa mansion? Mas safe ka doon." She pouted her lips. I pinched her nose.
"Hindi naman sa ayaw ko. Natatakot lang kase ako dahil ang laki laki. Parang palasyo. Baka kase maligaw ako tapos hindi mo na ako makita baka umiyak ka pa. Kawawa ka naman." sabi nito at humagikgik pa. Napailing nalang ako.
"Alam mo namang hindi ko kakayanin na kapag ikaw ang nawala. I will move heaven and hell just to be with you." sabi ko dito at inalalayan ko itong maupong mabuti.
Malambing naman itong yumakap sa akin at tiningala ako at nginitian.
"Ganya mo talaga ako kamahal? Siguro magwawala ka saka iiyak kapag nawala ako." sabi pa nito.
Napahigpit ang yakap ko dito at Nanlaki iyong mga mata ko.
"Don't ever say that Cassandra!" Saway ko dito. Hinarap ko pa siya at niyugyog sa magkabilang balikat.
"Don't you dare f*****g leave me!" I hissed.
Napamaang ako dito ng humagikgik na naman siya at ngumiti sa akin. Tapos ay mabilis akong hinalikan sa labi.
"Hindi kita iiwan kahit na anong mangyari. Kahit kailan hindi kita mabiro kapag dating sa akin. Am I really your biggest downfall?" tanong nito.
Tapos ay pinaglaruan na naman niya iyong palad ko at may kunwaring isinusulat doon.
"Cassandra, I'm serious! Don't ever say that or mentioned it, ever again. And yes, you are my biggest downfall. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag ikaw ang nawala sa akin. Kaya ka nga may mga bodyguards na magbabantay sayo para walang mangyaring masama kapag wala ako sa tabi mo. Dahil hindi sa lahat ng oras ay kasama mo ako." napabuntong hininga pa ako.
"Ang swerte swerte ko sayo dahil mahal na mahal mo ako kahit na minsan may topak ako." dagdag niya.
"Babe, mas maswerte ako kase minahal mo ako kahit sobrang gwapo at hot- Aray!" daig ko ng kurutin nito ang tagliran ko.
"Okay na sana kaya lang naisingit mo na naman iyang tinatawag mong kagwapuhan. Sana lang talaga kapag nagkaanak tayo hindi mamana ang ugali mo. So full of yourself." sabay irap nito sa akin. Ngumisi lang ako.
"Babe, iyong mga ganitong bagay kase ay dapat na ipinagmamalaki. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Bakit? Hindi ba ako gwapo?" tanong ko dito. She pouted her lips and stared at me.
"Gwapo!" sagot nito. Kaya mas lalo akong napangisi. She smirked.
"Stop smirking like that to me, Babe. You looked hot doing that. Baka hindi na naman tayo makaabot sa Marina. Nabitin pa naman ako sa honeymoon natin." I even winked at her. She just blushed kaya natawa na ako.
"p*****t! Mahiya ka nga kila Nardo at Rogelio!" pinanlakihan pa ako nito ng mga mata.
"Wala po kaming naririnig, Empress!" mabilis na sagot ng dalawa.
Tinaasan niya lang ako ng isang kilay. I just shrugged my shoulder.
"Talaga naman, Babe. Bitin ang two weeks para sa honeymoon natin. Ayaw mo lang mag extend. Sabagay we all have the time para dyan. Mamayang gabi nalang ha?" tapos ay bumulong ako sa kanya.
"Wear you edible panty that I bought in Paris. Iyong gummy bacon flavor. I will eat you alive. Rawr!" Nanlaki ang mga mata nito at pulang pula iyong muka niya.
Mabilis na tinakpan nito iyong bibig ko at hinila iyong buhok ko. Ako naman ay tatawa tawa lang. She's still innocent as ever.
"Ang halay ng bibig mo! Baka marinig ka ng dalawa." she hissed at nagpalipat lipat iyong tingin niya kay Nardo at Rogelio.
"What is wrong with that? We're already married. Normal na usapan lang ito ng mag asawa." tatawa tawa kong katwiran dito. Nanlaki na naman iyong mga mata niya.
"Hindi normal iyan para sa akin. So shut up kung gusto mo ng may part 2 ang honeymoon natin." sabi pa nito.
I bit my lower lip para pigilin ang tawa ko. Kinurot na naman ako nito sa tagliran. I gasped.
"Why you do that for?" angal ko dito.
"You're laughing at me!" she hissed.
"No!" tanggi ko. Inismiran ako nito.
"Yes you are!" giit nito. I just shaked my head.
"Emperor, nandito na po tayo." anunsyon ni Rogelio sa amin.
Agad akong pinagbuksan ng pintuan ni Nardo at pinayungan ng makababa.
"They are here? Lahat sila?" baling sa akin ni Cassandra. Tumango ako dito.
"I think so? Si Hermes lang ang tinawagan ko pero alam ko na tatawagan niya ang lahat kaya siguradong nandito sila. Even Mattheo is here." sagot ko dito at itinuro ko pa ang sasakyan nito.
Bago ito bumaba ay isinuot ko ang heels nito na hinubad kanina. Inalis ko na ang maliit na kumot na nakapatong sa hita nito kaninang natutulog sa sasakyan. Inayos ko rin ang bestidang suot nito dahil ayokong may ibang makakita ng mga hita nito at baka makapatay ako ng tao. Gusto ko ako lang at wala ng iba. I even comb her hair using my fingers. Nang masiyahan ako ay inalalayan ko na itong bumaba.
"Emperor, may kasama daw pong babae si Dos." bulong sa akin ni Rogelio na ang tinutukoy ay si Mattheo. Napangisi ako.
"Is that the same girl two years ago?" I asked. Umiling ito.
"I see. Let the game begin." nakangisi kong bulong.
"Sinong Dos?" biglang tanong sa akin ni Cassandra. Mukang narinig nito ang ibinulong ni Rogelio.
"Si Mattheo. It's just their code name. Para hindi malito ang mga bodyguards. Iyan din iyong code name namin when we were still in Senior High." Paliwanag ko dito. Tumango tango pa ito.
"Ganun? Sino ang Uno? Ikaw?" sabay turo nito sa akin. Tumango ako at inalalayan ko itong makasampa sa yate.
"Sino ang tres, kwatro at singko?"
"Hermes, Mikhael and Gabriel. And Mattheo has a new girl." bulong ko dito. Hindi naniniwalang tiningnan niya ako.
Nakarinig kami ng kumosyon sa upper deck kaya nagkatinginan kami ni Cassandra at sabay na nangiti sa isat isa. Mukang alam na din ng asawa ko kung ano ang maaaring mangyayari.
"I smell love trouble for my favorite Doctor." tatawa tawang sabi niyo.
Napasimangot ako. Hindi pa rin mawala sa isip ko na na idate siya ni Mattheo. The Doctor Lumot.
"Nakasimangot ka na naman. Don't tell me hanggang ngayon nagseselos ka pa din sa kanya dahil na idate niya ako dati?" Lalong nalukot ang muka ko sa sinabi nito.
"Babe, huwag mo ng ipaalala. Baka masakal ko si Matt at makalimutan kong kaibigan ko siya." I smirked. Ito naman ay natawa lang.
Napahinto kami ni Cassandra ng makita namin si Mattheo at Mikhael na may pinag aagawan. Hindi isang bagay kung hindi isang babae.
Mukang ano mang oras ay mag aaway na ang dalawa kong kaibigan. I looked at my wife. She just shrugged her shoulder and smiled at me. Pumito ako. Agad na nabaling ang atensyon ng mga ito sa amin.
"Wow! Dalawang linggo lang kaming nawala ni Casey, may ganito ng eksena dito sa yate ko? At talagang ikaw pa ang involve, Mattheo?" I smirked.
"Hello, everyone!" Masayang bati ni Cassandra sa lahat.
Gusto kong takpan ang tenga ko ng tumili iyong babaeng pinag aagawan ni Matt at Mikhael.
"Wahhhh! Bakit may isa pang gwapo! Sinamahan pa ng anghel! Mamamatay na ba ako Lord at talagang it's raining men?! Alelujahhh! It's raining men! Hindi ko na kaya! Ihhhhh!" Napangiwi kami ni Cassandra ng malakas na naman itong tumili.
"Kuya?! Is that you?" Parang tanga na tanong pa nito sa akin.
Tatakbo sana ito papunta sa amin ni Cassandra ng harangin ito ng apat kong bodyguards kaya ang ginawa nito ay tumakbo palapit sa mga pagkaing nakahain at tumabi kay Hermes saka sila nagtawanang dalawa. Napailing nalang ako.
"Who is she?" Tanong ni Cassandra sa mga ito ng makalapit kami.
"Jowa ni Mik Mik!" Sagot ni Gabriel at dinamba na naman ako.
"Namiss kita Emperor! Pakiss nga!" Hinawi ko lang si Gabriel na nakangisi lang sa akin at tumabi ulit kay Liway na halata na ang umbok sa tyan.
"Hindi siya girlfriend ni Mikhael. She's my girl!" Giit ni Mattheo.
Nabaling lahat ng atensyon namin dito dahil halatang pikon na pikon ito ngayon. Napapito na naman ako. Dahil ang isang Mattheo Andew Sebastian Sr. ay naubusan ng pasensya.
"Nagagalit din pala si Matt?" bulong sa akin ni Cassandra at humagikgik. Inakbayan ko siya at hinapit palapit sa akin at hinarap ko ang inis na inis na si Matt.
"Wow! Just wow, Mattheo? Hindi kana santo? What happened?" Pang aasar ko pa dito. He just smirked at me.
"Pero mukang hindi naman si Mattheo ang pinagkakainteresan niya ngayon. Mukang iyong mga pagkain." Komento ni Liway.
"And Hermes already found his eating buddy." Dagdag na komento ni Cassandra.
"What's her name?" Tanong ko dito. He sighed.
"Maria." Simpleng sagot nito at nag iwas ng tingin sa amin.
"What?" Sabay sabay naming bulalas. He just rolled his eyes.
Padabog itong naupo sa couch na naroon. Sumunod naman kami dito. Si Mattheo ay wala naman ang atensyon sa amin kung hindi nakila Hermes na masayang kumakain. Pati si Cassandra at Liway ay lumapit sa mga ito.
"Is her name is really Maria?" paninigurado ko sa kanila. Ngumisi lang sa akin si Mikhael at Gabriel.
"Yeah, and she even have a green eyes like yours." seryosong sabi ni Mikhael sa akin. Napakunot ang nuo ko sa sinabi nito.
"Hindi kaya may nawawala kang kapatid o kamag anak, Emperor? Mukang kalahi pa naman nila Lola Margs ang topak." natatawang komento ni Gabriel.
"I don't think so na may kapatid akong iba. Kahit ganon si Mama alam ko na hindi kayang gawin ni Papa na mambabae. But let us dig deeper about this mystery girl of Mattheo. And let the production begin. At ang story ni Mattheo ang iproproduce natin. Overdue na kase ang love story niya. Baka may ugat na si Matt at hindi na makapagperform ng maayos" nakangising bulong ko sa dalawa. Nagtawanan naman kaming tatlo.
"I love that!" pilyong saad ni Gabriel.
"I'm on it!" dagdag ni Mikhael.
"Don't worry Mikhael, malaki ang papel na gagampanan mo sa buhay pag ibig ni Dos." dagdag ko pa dito. Tumaas naman ang kilay nito.
"Dos huh? Nakakamiss din pala ang mga code name mo sa amin dati. And why me? Kung sabagay, talagang magandang lalake ako. Hindi na nakakapagtaka." mayabang pang sabi nito.
Gabriel smirked na halatang hindi sang ayon sa sinabi ni Mikhael.
"Halatang halata naman na nagseselos sa inyo ni Hermes si Mattheo. Kaya alam mo na ang papel mo. Si Gabriel sana pero loyal na si Blue Eyed Womanizer. Ikaw naman ay mukang walang pinagkakaabalahan." I even smirked. Napailing naman ako
Ilang minuto lang ay narinig ko na ang tawanan nila. Lalo na ang tawa ng asawa ko kaya napabaling ang buong atensyon ko dito. Mukang makakasundo ko itong Maria na ito dahil napapatawa niya ang Casey ko.
"Hulihin, bantayan, huwag pakawalan..... ITALY!"
Hindi ko mapigilan ang humalakhak sa sinabi nito. Mattheo's face was commical. It's priceless. Mukang hindi ito makapaniwala na tinawanan ko ang sinasabi ni Maria. I grinned at him.
"Oh, I think she got a sense of humor. Bagay na bagay kayo Matt. You got a decent lady now." Sabi ko pa dito.
"Decent ba iyan? She was really weird. Puputi na nga ang buhok ko sa konsumisyon sa babaeng yan." Reklamo nito.
"Exactly. That was a good sign, Matt." Dagdag ko pa.
Napasimangot naman ito. Mukang alam ko na kung sino ang katapat nito. Kung sino ang nakakapagpawala sa poise at pasensya ni Matt. Mukang mauumpisahan ko na din ang magawan ng forever si Matt.
"Kaya naman pala problemadong problemado ka. Dahil pala sa kanya. Welcome to the club Mattheo!" Nakangising tinapik tapik pa ito sa balikat ni Gabriel. Pinalis lang nito iyong kamay ni Gabriel.
"Iniwan mo nga daw siya kanina kaya inis na inis siya sayo. Nakita ko lang sila ni Hermes na kumakain sa kusina. Akala ko nga mauubos na nilang dalawa iyong pagkain." Makahulugang paliwanag ni Mikhael.
"May pababy girl ka pang nalalaman kanina. Bigwasan kita!" Inis na sabi nito kay Mikhael.
Nanlaki iyong mga mata naming tatlo sa sinabi nito at ng makabawi kami ay saka kami nagtawanan.
"What?!" He hissed.
"Looked at yourself. Ngayon lang kita nakita na pikon na pikon. Sa ating lima, ikaw ang may pinakamahabang pasensya. And you even said those kanto word. Bigwasan." Tumatawang sagot ko. Lalong nadagdagan ang pagkainis nito.
"Hindi dinamita, hindi rin bomba. GRENADA!"
Nakarinig na naman kami ng tawanan kay nabaling na naman ang atensyon namin kila Cassandra. Iyong asawa ko mukang nakahanap ng libangan sa katauhan nitong si Maria. Pati si Hermes na seryoso ay napatawa ng babaeng ito. She's something. And I need to find out more about her.
"Hindi kayo magtatagumpay. Dahil wala pa ring tatalo sa... ALASKA!" Patuloy na hirit nito at iwinagayway pa niya iyong table napkin at kumaway sa gawi namin.
"Pero walang mas makakatalo sa gatas na nakakasamid! Si Mik Mik!"
Nagtawanan na naman kami sa huling sinabi nito. Hindi ako nakatiis ay lumapit ako sa mga ito. Hinagkan ko lang sa labi ang asawa ko at nakisali ako sa kanila.
"Hala Miss Cassandra, kapatid ko yata iyang asawa mo. Magkamuka kami ng mga mata. Ihhh! Baka yayamanin din ako. Bakit ang gwagwapo nyo at ang gaganda? How to be you po?" Komento pa ni Maria.
"Siya iyong apo ni Lola Margs. At si Cassandra iyong asawa niya." Biglang sabi ni Matt kay Maria. Nanlaki ang mga mata nito at itinuro ako.
"Hala? Apo ka nuong amiga ko na ang lakas ng trip sa buhay? Iyong matanda na akala mo laging may martial law kapag nasa paligid lang sa dami ng bodyguards. Dinaig pa si Imelda Marcos. Iyong matanda na ipinagmamalaki iyong nabuong love story ng apo niya. Iyong matanda na kasama ng byanan kong hilaw na nagpapahirap sa akin dahil pinakakain at pinaiinom ako ng dahon at d**o?" Tuloy tuloy na tanong nito.
Napangiti ako sa sinabi nito. Si Cassandra naman ay humagikgik na naman sa tabi ko.
"That's indeed my Grand Ma." Nakangiting sagot ko dito at hinarap ko ang asawa ko para ipakilala dito.
"And this is my loving wife, Cassandra." hinalikan ko pa si Cassandra sa sentido.
I saw Maria how she pouted her lips at tumingin kay Matr.
"Boyfriend, naiinggit ako. Kiss mo din ako mamaya ha? Iyong nakakakilig. Tapos iyong maghahatid sa ikapitong langit. Iyong makalaglag panty at bra." Pinipigilan ko ang tumawa ng manlaki ang mga mata ni Matt.
"Hala, nagblush si boyfriend. Ibig sabihin kinikilig ka. Huwag ka ng mahiya, alam naman na nila na hinalikan mo na ako. Dalawang beses tapos pangatlo sana kanina kaya lang nagwalked out ka." Dagdag nito.
"You kissed her?!" Sabay sabay na bulalas namin.
"Oo, bakit? Hinalikan talaga ako niyang kaibigan nyo. Gusto ako niyang kaibigan nyo, hindi niya lang maamin kase hinihintay niya daw iyo-"
Hindi na nito pinatapos ni Mattheo sa iba pang sasabihin ng takpan nito ang bibig.
"Don't believe her!" Sabi sa amin ni Matt.
Pero iyong si Maria naman ay pilit na kumakawala sa pagkakahawak nito.
"Anong don't believe her!? Nagsasabi ako ng totoo! Believe me! Ay! Shet! English iyon! Mayaman na ako!" Giit nito at binalingan ako.
"Bakit ba ayaw mong malaman nila? E sa talaga namang hinalikan mo ako. Sa lips pa. Iyong laway mo nga hanggang ngayon nalalasahan ko. Pero okay lang, masarap naman kase. Hindi pwedeng itapon. O kung ayaw mo, iba nalang hahanapin ko na kaforever. Si Mik Mik nalang o kaya itong si Hermes. Hindi na ako lugi, kaseng hot mo naman sila."
Nagtawanan na naman kami sa sinabi nito. Hindi lang siya talaga masarap kausap. Masyado ring madaldal ang isang ito. Hindi yata niya kinikilala iyong tuldok sa salita at hindi uso ang huminga sa kanya.
"I already like her, Babe." sabi sa akin ni Cassandra. Ngumiti lang ako dito.
"Gusto mo iuwi na natin siya?" biro ko dito. Sumimangot lang siya sa akin
"Ginawa mo pa siyang laruan." sagot naman nito sa akin. Saka kami nagtawanang mag asawa.
"Iphone 7, dual sim, 20k. Made in... CHINA!"
Hirit na naman nito na tinawanan na naman ng asawa ko. Seeing her like this na sobrang saya ay masaya na rin ako. Gusto ko laging nakangiti si Cassandra. Gusto ko lagi lang siyang masaya. Doon lang ay parang buo na ang araw ko.
Pero bago pa mapalagay ang loob ni Cassandra dito ay kailangan kong masiguro na hindi ito isa sa mga sugo ni Ysabell. Mahirap na. Ayoko ng maulit ang nangyari sa asawa ko na ikinapahamak nito.
Siniko ako ni Cassandra at itinuro ang katabi na ngayon ni Mattheo sa couch na naroon.
"Who is she?" Tanong sa akin nito.
"That's Bless Elizabeth. Hermes wife." sagot ko kaya natigilan sa pagkain si Hermes.
Narinig ko pa ang usapan ni Hermes at Maria pero hindi ko sila pinansin.
"Matagal ng kasal si Hermes? Hindi ba siya iyong pinsan mo na galing pang Spain? Siya nga ba iyon?" paninigurado pa ng asawa ko. Tumango ako dito.
"Parang nakita ko na siya somewhere else. Hindi noong kasal nyo. Parang sa magazine yata." sabi naman ni Liway.
"Because she's a chef. She own a famous restaurant in Spain." sagot ni Hermes at ipinagpatuloy ang pagkain.
"He's still got it." Bulong sa akin ni Cassandra.
"You think so?" Ngumiti itong tumango sa akin.
"Yeah. Pero mukang balak pa nilang mag ikutan. Hayaan mo muna sila. But, for the mean time, Babe. Tutal ok naman na si Gabriel. Tapos gusto pang maglaro ni Liza at Hermes ng tagutaguan ng feelings. Bakit hindi muna natin unahin iyang paborito kong doctor para hindi kana nagseselos?" she even wiggled her eyebrows. I grinned at her.
"I think about it kapag nasuot mo na mamaya iyong edible panty. Gusto ko iyong gummy bacon, tapos bukas iyong Candy G string." bulong ko pa dito at pabiro kong kinagat ang isang tenga nito.
"Stop it, Babe! It tickled!" saway nito.
"Uuwi na tayo!" Anunsyo ni Mattheo kaya nabaling na naman ang atensyon naming lahat dito.
"Hala kayo! Ginalit nyo ang Santo!" Nakangising pang gagatong ko sa pagkainis nito.
Pinalo lang ako sa braso ni Cassandra kaya ako tumahimik.
"Teka lang, hindi pa ako tapos kumain. Hindi pa kami busog ni Hermes!" Giit ni Maria.
Pinanlakihan lang siya ng mga mata ni Matt kaya siya tumahimik.
"Sabi ko nga huwag na akong maingay." Sabi nito at binalingan lahat kaming magkakaibigan.
"Kayo ha! Huwag kayong ano! Uuwi na nga daw kami nitong boyfriend ko na saksakan ng gwapo, matcho at saksakan ng bait! As in! Nag jejelly na siya sa inyo. Kayo kase! Beast mode tuloy, masarap pa naman ang mga pagkain dito."
"I told you so." Sabi pa dito ni Hermes.
Sumimangot lalo si Mattheo kaya hindi ko maiwasang matawa. Siniko lang ako ni Cassandra kaya tumahimik ako.
"Oo na! You told you so na!" Inis na sagot ni Matt at tuluyan ng hinila patayo si Maria. Pero huminto muna ito at humirit pa talaga.
"Bansang laman ng balita ay Puro si De Lima at Duterte! Puro extra judicial killing! Mahal ang bigas. Gayun din ang Gas!"
"PILIPINAS!" Sabay sabay na sagot naming magkakaibigan.
"Very good! Aasahan ko ang suporta nyo sa darating na patimpalak!" Hirit pa nitong si Maria. She even waved goodbye to us like a true beauty Queen.
Tinakpan lang ni Matt ang bibig nito para tumahimik at hinila palayo sa amin.
"Mukang masama na talaga ang tama ni Mattheo." napapailing na komento ni Gabriel.
"Ang tanong kaya niya bang panindigan iyan kung dumating si M1?" seryosong tanong ni Mikhael.
"It's for him to decide." makahulugang sabi ko sa kanila.
Nagpalitan kami ng makahulugang tinging magkakaibigan. Mukang nagkakaintindihan na kami.