Hindi ko alam kung ano bang iisipin ko. Dahil sa ilang buwan palang naming pagtira dito sa mansion ay nagiging maligalig na rin ang asawa ko. Ilang buwan palang silang magkakasama ni Lola at Mama. Hindi ko na nga siya masolo dahil lagi siyang karay nila Mama at Lola kung saan.
Tinanong ko sila kung kailan ang permanenteng balik nila sa Hacienda pero hindi nila ako pinapansin. Basta pabalik balik sila dito sa metro. Ginawa nilang kapit bahay. Meron pa daw kase silang project. At iyon ay walang iba kung hindi ang manugang na hilaw ni Tita Ezra.
Tapos naging busy pa sila sa mga gowns na ginamit ni Maria sa Binibining Nueva Ecija. Hands on na hands on si Cassandra kaya wala naman kaming naging normal na honeymoon kung hindi iyong dalawang linggo lang naming bakasyon pagkatapos ng kasal.
Hindi naman nasayang iyong pagod ng asawa ko. Nanalo naman si Maria iyon nga lang hopia daw siya sa pag ibig. Kaya ito kami ngayon ng asawa ko at mga kaibigan ko para tulungan ito sa pang babaliw kay Matt. Natapos naman na namin ang eksena nito sa ospital.
"Tang ina nyo naman! Papaakyatin nyo ako dyan? Kung sumabit itong super long hair ko? Kung malaglag ako? Edi sira ang puhunan ko? Aba't sasali pa akong Binibining Pilipinas! Nakapasa na nga ako sa screening!" talak nito.
Ang dami niyang sinasabi pero hindi ko naman siya pinapansin. Si Cassandra naman ay natatawa lang sa tabi ko.
"Babe, she's so funny!" bulong nito sa akin.
I smirked. Mukang libang na libang sa kabaliwan nito ang asawa ko. Kaya ko siya sinosoportahan dahil sa hiling ni Casey ko. Pero kung hindi hahayaan ko silang dalawa ni Mattheo, tutal ay malalaki naman na sila. Pero dahil napapasaya niya si Cassandra, kaya ito kaming lahat ngayon. Pinapatulan ang kalokohan nito.
"Hermes, wala pa ring balita?" pasimpleng bulong ko kay Hermes. Umiling ito.
"Mukang mahina yata si Rizza Mae Pascual." napailing pa ako.
Ayoko na siyang tawaging Ekang dahil hindi naman pala totoong iyon ang pangalan niya. Hindi ko lang alam kung may idea na si Maria sa pagkatao ng kaibigan niya. Pero tingin ko hindi pa siya nakakahalata.
"Just give her more time. Hindi ganon kadali ang pinagagawa mo, lalo na at kahit pangalan ng Tatay niya hindi natin alam. Nakakuha naman na siya ng sample para sa DNA test ni Maria at ng Papa mo." sagot nito.
Hindi nalang ako kumibo. Sa totoo lang ayokong kumpirmahin ang hinala ko na baka nga kapatid ko siya. Dahil kapag nagkataon masasaktan ang Mama ko. Ayokong isipin na kayang gawin ni Papa iyon pero may posibilidad. I sighed. And if ever three years lang ang agwat ng edad naming dalawa.
"Babe, nagugutom ako." pasimple pang hinila ni Cassandra iyong laylayan ng polo shirt ko. I smiled at her.
"What do you want to eat?" masuyong tanong ko dito at inaya ko itong maupo sa loob ng sasakyan.
"I don't know. Basta nagugutom lang ako." Nakapout pa ito.
I chuckled. Inayos ko iyong buhok niyang nakatabing sa maganda niyang muka.
"Gusto mo ako nalang ang kainin mo? Mas masarap ako?" I even winked at her.
Namula naman iyong pisngi niya tapos ay tinakpan nito iyong bibig ko at nagpalinga linga.
"Ang bad mo! Baka kung anong isipin nila kapag narinig ka!" She hissed.
"Bakit? Masarap naman talaga ako, Hindi ba? You scream my name everytime we made love." I even wiggled my eyebrows.
Sinabunutan na nito iyong buhok ko. I gasped. Kinakarinyo brutal na naman ako nito. Talagang hindi tama na lagi niyang kasama sila Mama at Lola. Isama pa si Maria.
"Aray! Babe! Aray!" maktol ko.
"Ang sama ng bibig mo! You shouldn't discuss our sexlife! Paano kung may makarinig sayo sa mga sinasabi mo?! Nakakahiya! Do you even know what you are talking about?!" sabi nito at nilamutak naman niya iyong gwapo kong muka.
"Babe, masakit na! Alam kong gwapo ako kaya kahit anong gawin mo hindi mo mababago ang kagwapuhan ko." natatawang sabi ko dito at hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya.
Para siyang bata na pinaglalaruan iyong gwapo kong muka. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Hahawakan niya iyong gilid ng magkabila kong mata tapos iistrecth niya saka siya tatawa. Tapos iyong pisngi ko ay iipitin niya sa mga palad niya. Saka siya ngingisi.
Mukang maling mali na lagi niyang kasama si Mama at Lola. My pure and innocent Cassandra. Nahahawa tuloy sa kabaliwan nila.
"Bakit kahit anong gawin ko sayo hindi ka pumapangit?! Ang gwapo gwapo mo pa rin! Unfair!" sabi pa nito. I grinned at her.
"Alam mo Babe, That won't never happened. Gwapo talaga ang asawa mo. Tanggapin mo na. Mamaya ha? Iyong bonding time natin?" I even wiggled my eyebrows.
Ngumiti siya ng matamis sa akin at tinitigan ako ng matagal. Napalunok ako. Mukang may balak itong asawa ko na hindi ko alam kung magugustuhan ko.
"Sige, mamaya. Kaya lang, tapusin na natin muna itong teleseryeng lovelife ni Maria. Saka kapag naisip ko na kung anong pagkain ang gusto kong kainin saka kita pagbibigyan ha?" hinaplos pa nito iyong pisngi ko. Napangisi ako.
"Sure! Sabi mo yan ha?" tinaasan niya lang ako ng kilay.
Ako naman ay sinenyasan sila Nardo na bantayan ito at bilin ang pagkain na ipapabili nito. At saka ko nilapitan ang nagrereklamo pa ring si Maria.
"Bakit ba kase kailangan pa natin itong gawin? Umamin naman na si boyfriend na love niya ako. Edi may pornever na kami este forever pala. Bakit ba kase kailangan pa natin siyang pahirapan ng ganito?" maktol nito. Napailing nalang ako.
"Ayaw mo o gusto mo?" tanong ko at humalukipkip ako. Inismiran ako nito.
"Gusto ko! Kaya lang kase bakit may paganito effect tayo? Pang MMK ba itong gagawin natin o gabi ng lagim?" patuloy na maktol nito. Napasimangot ako.
"Ang dami mong reklamo. Umuwi nalang kaya tayo?" pananakot ko dito. Ito naman ang sumimangot.
"Bagay na bagay talaga sayo ang tawag na Emperor! Grabe! Oo! Ang galing mong manakot ng tao!" sabi pa nito.
I just grinned at her. Patay malisya naman itong nag iwas ng tingin.
"Huwag mo nalang siyang pansinin. Nababaliw lang iyan. Hindi kana nasanay." bulong sa akin ni Gabriel.
"Bakit hindi mo yata kasama si Liway?" tanong ko dito.
At sinenyasan ko si Hermes at Mikhael na patahimik ang nag iingay na si Maria.
"Nakila Mama siya, iniwan ko muna. Gabi na at baka makasama pa sa kanya at buntis. Alam mo naman, kailangang mag ingat at bubuo pa kami ng isang basketball team." nakangisi pa ito sa akin.
"Sinong mag aakala na si Liway lang ang magpapatino sayo?" sabad ni Mikhael.
"Ikaw? Sino kayang magpapalimot sayo sa katangahan mo kay Samantha?" baling ko dito. Ito naman ang sumimangot.
"Bakit sa akin napunta ang usapan? Problema ni Maria at Mattheo ang topic dito, Emperor!" Mikhael hissed. Napailing nalang ako.
"Dati sa first love mo hindi ka makamove on. Ngayon kay Samantha. Sinong susunod?" sabad ni Hermes.
"Oh, shut up, Hermes! Shut the f**k up!" Mikhael hissed at Hermes.
I Smirked when Mikhael walked away. Tuluyan na itong nagwalked out sakay ng sasakyan niya at iniwan kami. Nagkatawanan kaming tatlong magkakaibigan.
"Hermes, bakit mo naman kase binanggit si Samantha? Nag momoveon na nga daw si Mik Mik. Di ba't mukang balak pang maging vice president sa Camp Hopia ni Maria?" pang aasar pa ni Gabriel.
"Wala naman akong ibang sinabi." tanggi agad ni Hermes.
"Haler?! Nandito ako oh? Ako kaya iyong bida dito. Baka gusto nyo akong pansinin para matapos na ito?" singit ni Maria.
Sinenyasan ko iyong mga bodyguards ni Hermes.
"Kayo na ang bahala. Alam nyo na ang gagawin nyo." utos ko.
Nagsitango naman ang mga ito at kinaray na si Maria paaakyat sa veranda ng kwarto ni Mattheo.
"Emperor, sigurado ka bang wala kang kapatid? Muka kaseng kaalyansa ng Lola Margs iyang si Maria. Mukang laging may sapi." tatawa tawang komento ni Gabriel habang pinagmamasdan namin ang ginagawang pag akyat ni Maria sa veranda ng kwarto ni Mattheo sa tulong ng mga bodyguards ni Hermes.
"Nang makilala ko siya, malaki ang posibilidad na may kapatid nga ako sa ama. Pero kilala ko ang Papa na hindi niya kayang gawin iyon kay Mama. Pero habang tumatagal na kasama natin iyang syotang hilaw ni Matt, hindi ko na alam." I sighed.
Si Gabriel naman ay nasamid ng iniinom nitong beer. Saka nanlalaking mata na nilingon ako. Nagkatinginan pa kami ni Hermes. I just shrugged my shoulder.
"The f**k?! Binibiro lang kita!" Gabriel hissed. I smirked.
"Ako ba mukang nagbibiro? I even hired agent RM to solved this mystery. Na nagkataon na kaibigan pala siya ni Maria Angelette." Nanlaki na naman iyong mga mata ni Gabriel.
Si Hermes naman ay ngumisi lang dito. At iniwan kami ni Gabriel para tulungan sa kalokohan ni Maria. Na ngayon ay muka ng White Lady na nakatayo sa veranda ni Mattheo.
"What?! You mean iyong maliit na nilalang ay kaibigan ni Maria at isa sa mga secret agent nyo ni Hermes?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. I nodded.
"The f**k?! Small but terrible!" sabi pa nito. Napangisi nalang ako.
"You can say that, pero hindi pa naman din ako siguro. Pero malaki ang posibilidad. Lalo na at kaugali niya si Lola sa kalokohan. Lalo na si Lolo nung nabubuhay pa siya. If ever, she is a Fontanilla and she deserved that name." I said and sighed.
"Ibibigay mo sa kanya ng ganun lang kadali ang lahat?" Tumango ako.
Napailing nalang ito. Nakatanaw lang ako sa kinaroroonan ni Maria.
"Your nuts, Emperor!" tumawa lang ako sa sinabi nito.
Wala naman talagang masama. Maria deserve the name and be a Fontanilla if ever. Hindi naman ako madamot. Ang inaalala ko lang ngayon ay si Mama, dahil siguradong masasaktan siya. I sighed.
Nilingon ko iyong asawa ko na ngayon ay masayang kumakain ng french Fries kasama sila Nardo. Napailing nalang ako. Ngumiti lang ako ng kawayan ako nito.
"Natutunaw na naman ang puso mo. The Emperor's downfall." komento pa ni Gabriel kaya napalingon ako dito.
Sumeryoso ako. Pati ito ay sumeryoso rin at tinitigan ako.
"What if makatakas si Ysabel at guluhin na naman kayo? Sa pagkakataong ito wala ka para protektahan siya?" biglang tanong nito.
Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya siya nagtaas ng dalawang kamay tanda ng pagsuko.
"I'm just asking." depensa pa nito.
"Kung mangyayari man ang bagay na iyon. Sisiguraduhin kong sa hukay na ang bagsak niya. I'm dead serious, Gabriel! Mark my word. Walang pwedeng manakit kay Cassandra. I will do everything to protect my heart and life." sabi ko dito.
May sasabihin pa sana ito ng sumenyas si Hermes. Nakita kong nagmamadaling pababa na si Maria sa veranda. I smirked. Si Gabriel naman ay nag umpisa ng magbilang.
"One.....Two....Three..."
Hindi pa man ito nakakatapos magbilang hanggang sampu ay nakarinig na kami ng sigaw. At ang nagmamay ari lang naman ng boses na iyon ay walang iba kundi ang baliw na si Mattheo. Agad kaming nagpulasang magkakaibigan.
Si Gabriel ay agad na sumakay sa sasakyan niya. Si Hermes at ang mga bodyguards nito kasama si Maria na hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa nakalagay sa muka nito. Ako naman ay agad na sinenyasan ang mga bodyguards namin ni Cassandra at agad akong sumakay sa sasakyan katabi ang asawa ko.
"Babe, tapos na?" tanong pa nito sa akin habang kumakain. Ngumiti ako dito at tumango.
"Hintayin nalang nating humingi ng tulong si Matt." makahulugang sabi ko dito. She winked at me.
Kung mangyayari man ang sinabi ni Gabriel. Sisiguraduhin kong sa impyerno ko ihahatid si Ysabel.
___________________
Cassandra's POV
Paalis palang sana kami ng bahay ni Elvin para kumain sa labas. Sunday is our bonding time, kase medyo naging busy ito sa trabaho at sa problema ng kaibigan niya na si Mattheo. Pero hindi na kami natuloy sa date namin ng isa isang pumasok sa mansion ang mga kaibigan nito. Una iyong mag asawang Gabriel, sumunod si Hermes tapos si Mikhael, nangingisi ngisi lang. Mukang may binabalak na namang kalokohan iyong mga kaibigan niya.
"Bakit nandito kayong lahat? May pupuntahan kami ni Cassandra, kaya mag silayas kayo!" masungit na sabi ni Elvin sa mga kaibigan niya. Hindi naman ito pinansin nila Hermes at nagtuloy tuloy ito sa kusina.
Napangiwi ako. Mukang may problema na naman si Hermes at sa kusina na naman siya dumeretcho. Ako naman ay inaya sila Liway sa garden kung nasaan ang green house garden ni Lola Margs. Ito iyong pinakapaborito kong lugar dito sa buong mansion. Nakakagaan kase ng pakiramdam kapag nandito ako at mga bulaklak ang nakapaligid sa akin.
"Mukang may problema na naman si Hermes." sabi ko sa kanila.
"Huwag mong pinapansin si Hermes, Empress. Patay gutom lang talaga iyan." natatawang sabi ni Gabriel sa akin. Tinampal naman agad ni Liway iyong bibig nito.
"Pagpasensyahan nyo na itong si Gab. Pasaway lang talaga siya." Pinanlakihan pa ni Liway ng mga mata ang asawa niya kaya lang ito tumahimik.
Natawa nalang ako at tumabi ako dito. Hinaplos ko iyong tyan niya na halatang halata na iyong umbok. Ngumiti ako dito ng pigain ni Liway iyong pisngi ko. Nagkatawanan pa nga kaming dalawa.
"Babe, hayaan muna sila. Minsan na nga lang silang madalaw dito." nakangiting saway ko sa asawa ko.
"Minsan? Halos araw araw na nga silang nandito. Kahit iyang si Gabriel na buntis na iyang si Liway, lagi pa rin dito?" giit pa nito. Napatawa nalang ako.
"Emperor, namimiss na kase kita. At saka itong si Liway mukang iyang si Empress ang pinaglilihian." depensa ni Gabriel. Ngumisi si Elvin dito at saka tumabi sa akin.
"Well, hindi na lugi ang magiging anak mo kung maging kamuka ng asawa ko." Nagkibit balikat lang si Gab at itinuro si Mikhael na mukang masayang masaya sa kung anong pinagkakaabalahan nito sa cellphone niya.
"Ikaw naman Mikhael, anong drama mo sa buhay at nandito ka din sa bahay?" masungit na tanong pa rin ng asawa ko kay Mikhael na may kung anong pinagkakaabalahan sa cellphone niya.
"Iyong drama ko ngayon sa buhay ay iyong pagkawala ng wallet ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita. Doon pa naman nakasalalay ang kaban ng kayamanan ng mga Cruz. Mamaya naman ay action ang magaganap. Just wait and see. Tapos mamayang gabi naman ay Romantic Comedy. At ang bida sa lahat ng iyon ay walang iba kung hindi si Doc Lumot!" saka ito tumawa ng nakakaloko.
Nakita ko naman nag apir pa si Gabriel at Mikhael. Iyong asawa ko naman ay kakaiba iyong ngiti at pati si Hermes na ngayon ay dala dala iyong isang buong cake na mukang nakulimbat nito sa kusina. Alam ko na may binabalak silang magkakaibigan kaya sila nandito. Ganyan naman sila. Nasanay na ako. Saka natutuwa ako sa samahan nila dahil para silang magkakapatid kahit minsan ay nagkakasakitan na sila.
"Babe, kukuha lang ako ng makakain nila." paalam ko kay Elvin.
"Babe, ang dami dami nating maids. Utusan mo nalang sila." maktol nito. Pinanlakihan ko siya ng mga mata kay hindi na ito kumibo.
"Tulungan na kita, Cassandra." nakangiting presinta ni Liway kaya sabay kaming nagtungo sa kusina at naghanda ng mirienda para sa mga ito katulong ang dalawang maids namin.
"Mahal na mahal ka talaga ni Emperor." nakangiting sabi sa akin ni Liway kay napalingon ako dito.
"Yeah, mahal na mahal ko rin naman siya. Hindi ko nga alam ang gagawin ko kung sakaling mawala siya sa akin. Elvin is my everything." I sighed.
"Pareho tayo. Hindi ko rin alam ang gagawin ko kung sakaling mawala si Gabriel sa akin." sabi nito.
Tumango lang ako at inutusan ko silang dalin na doon iyong pagkain. Nakita ko pa nga si Mikhael na dumaan. Mukang lalabas yata.
"Mauna kana Liway, susunod na ako." sabi ko dito.
Out of curiosity ay sinundan ko ito. Nakita ko itong nakatayo sa gitna ng maluwang na sala ng mansion. Tatawagin ko sana siya ng makita ko si Mattheo na papasok ng bahay. Nakakatakot iyong itsura niya. Parang si Elvin kapag nagagalit.
"Doc!" tawag ko dito pero hindi niya ako pinansin.
Napasinghap ako ng sinalubong ni Matt ng suntok si Mikhael. Sumadsad si Mikhael sa isang stante at nabasag iyong vase na nakalagay doon. Hindi naman nag patalo si Mikhael at ito naman ang sumuntok kay Matt. Nagpambuno iyong dalawa sa maluwang na sala ng mansion. Bigla akong nagpanic. Ayoko pa naman ng may nag aaway.
"Babe! Babe! Stop them!" tili ko.
"Stop! Mattheo! Mikhael! Stop it!" sigaw ko sa dalawa pero mukang matindi ang galit nila sa isa't isa at hindi nila ako pinapansin.
"Babe!" I screamed.
Humahangos na lumapit sa akin si Elvin kasunod si Gabriel at Hermes. Pati si Liway at ang mga bodyguards ko.
"What happened?" Nag aalalang tanong sa akin ng asawa ko.
At biniling biling pa ako nito para inspectionin. Nanginginig na itinuro ko si Mattheo at Mikhael na ayaw mag paawat.
"I-I'm scared! Make them stop." utos ko.
Parang nanghihina iyong mga tuhod ko kaya napakapit ako sa braso ni Elvin. May mga bumabalik na nakakatakot na ala ala sa isip ko kapag may nag aaway. Iyon pa naman daw ang iwasan ko sabi ni Tita Ezra.
Sinamaan ko ng tingin si Hermes at Gabriel ng magcheer pa iyong dalawa. Sila Rogelio naman ang umawat sa dalawa sa utos ng asawa ko. Ayaw pa nga sana nilang magpaawat na dalawa kung hindi lang pumagitna si Elvin sa mga ito.
"Ano na naman bang problema nyong dalawa?!" Elvin hissed.
Napaupo nalang ako sa upuan na naroon dahil bigla akong nanlambot dahil nakakita ako ng dugo.
"Iyang si Mikhael! Napakalaking Gago!" sabay turo ni Matt kay Mikhael na nakangisi lang.
"Mas gago ka! Ulol!" sigaw din dito ni Mikhael.
"Anong sabi mo?!" angil ni Matt.
"Gago! May agiw ka lang pero hindi ka bingi!" sagot dito ni Mikhael.
"Bakit ba ayaw mong tantanan si Maria? She is mine Mikhael. Mahal niya ako! Mahal ko din siya! Hindi ba at sinabi ko ng ayokong lalapitan mo pa siya? Tapos hilong hilo ako kakahanap sa kanya. Nasa condo lang pala sila ni Gabriel. Bakit itinatago nyo siya sa akin? Ano ba talagang balak nyong mangyari?" galit na galit na dinuro pa ni Matt si Mikhael.
"Kung mahal mo siya! Hindi mo siya nasaktan!" giit ni Mikhael. Ngumisi dito si Matt.
"Bakit ka ba galit na galit sa akin Mikhael. Is this because of Samantha again? Why don't you try to move on. Huwag kang magpakatanga sa kanya!" Matt hissed
Mag aaway na naman sana iyong dalawa kung hindi lang agad ito nahawakan nila Rogelio. Napahawak nalang ako sa sentido ko kase parang sumakit iyong ulo ko sa naririnig kong sigawan nilang dalawa.
"Sa private office ko tayong lima na mag-uusap. Huwag nyong ubusing dalawa ang pasensya ko. Lalo kana Mattheo." seryosong sabi ng asawa ko sa mga kaibigan niya at hinila si Mattheo at itinulak kay Hermes. Si Mikhael naman ay ipinasa nito kay Gabriel.
"Babe, dito ka lang kasama ni Liway. Tuturuan ko lang ng leksyon iyong dalawa." sabi nito sa akin.
Tumango lang ako tapos ay hinalikan ako ni sa labi at umalis na.
"Mukang masinsinan na naman ang usapan nila." sabi ni Liway. Tumango ako.
"Babe!" napaangat iyong tingin ko ng sumilip si Elvin sa may living room.
"Call Lola Margs and Mama. This is the time." makahulugang sabi nito sa akin.
He even winked at me at nawala na ito sa paningin ko. Nagtataka akong tiningnan ni Liway. I just smiled at her.
This is the time! Okay!