Ilang oras na ako dito sa sasakyan pero hindi ko magawang bumaba kung nasaan nakaburol si Cassandra. Sila Lola at Mama ang nag asikaso. Hindi pa dapat ako lalabas ng ospital pero wala silang nagawa sa kagustuhan ko. At ngayon ay nandito ako sa lugar kung saan nakaburol ang puso ko. Ayokong maniwala na siya iyon. Kahit ilang beses namin ipaulit ang mga laboratory test ay iisa lang ang resultang lumalabas. Ayokong mawalan ng pag asa na hindi talaga siya iyon. Pero lahat positive ang resulta. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang kambal ngayon. Ayokong makita sila na nasasaktan. Hindi ko natupad ang pangako ko sa kanila na iuuwi ko ng ligtas ang Mama nila. Nasira ko na naman ang pangako ko sa kanilang dalawa. "Simon, hinahanap ka ng mga anak mo." sabi sa akin ni Papa ng pagbuksan ako n

