MIRA As I was currently driving one of Ace’s car, I can’t help myself from overthinking. Wala pa akong sinasabihan na kahit sino rito sa problema ko at hindi ko alam kung paano mag-open kahit na kay Chandria. “Mir, ayos ka lang ba? Kanina ka pa atang lutang, a.” Patricia was beside me. Nasa front seat siya habang ako naman ngayon ang magmamaneho papunta sa kaniyang kailangang puntahan. Marahan na lang akong napangiti at umiling na rin. “W-wala naman, Pat. I’m just happy na reunited na ngayon si Chandria and Ace.” “Ayon nga, I’m also happy for them kahit na kakakilala ko pa lang sa kanila. Imagine, five years of being apart from each other? Grabe, ang sama naman ng Fabiano talaga na iyon.” “Sinabi mo pa…” Nang makarating kami sa tapat ng isang facility ay bumaba na rin si Patricia. Hi

