CHANDRIA "Let me help, Mommy!" sigaw ni Benjamin sabay lapit sa akin. "Me too, Mommy!" dagdag pa ni Sebastian. Habang nagluluto ako ng dinner namin ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya sa puso ko na ipagluto ang buong pamilya ko. Kahit pa na nagbabangayan sina Gabriella at Sebastian ay nagpapasalamat naman akong nariyan palagi si Benjamin para awatin ang dalawang kapatid niya. "Don't get too near at the stove, Seb, it's not safe there," sambit ko sa bata. Mabuti na lang dahil kaagad din namang nakinig sa akin si Seb. Hindi ko nga alam kung bakit sinasabi sa akin ni Ace na masungit daw at arogante itong si Seb pero hindi ko naman iyon makita sa bata. “Seb, Benj, what are your favorite foods to eat for dinner?” tanong ko sa dalawa. Lumapit naman na sila sa akin sabay ngiti

