Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch ngayon ni Mira dahil niyaya niya ako na sumabay na lang sa kaniya. Noong mga nakaraang araw kasi ay hindi kami nagkakasabay lalo na at pareho naman kaming busy sa trabaho. “Chan, may balita ba sa dalawang ‘yon?” Nangunot naman ang noo ko sa naging tanong ni Mira sa akin kaya napatigil ako sa pagkain. “Sinong dalawa?” “Ace and that Adeline, girl. Sinasabi ko sa ‘yo, ever since naging sila ni Ace these past few months, hindi talaga ako nagtiwala sa babaeng ‘yan.” “Bakit naman? Ano’ng meron sa kaniya?” Nagtanong pa rin ako kay Mira kahit na ramdam ko namang hindi mapagkakatiwalaan si Madam Adeline. Ayoko lang din talaga kasing manghusga ng isang tao. Napatigil na rin siya sa pagkain at napatingin na sa akin. “Ace was having a hard moving on from his g

