Marahan naman akong napamulat dahil sa narinig kong pagbukas ng sliding door. Ang buong akala ko na umaga na ay hindi pa pala. Naalala ko naman tuloy na dito na pala ako pinatulog ni Sir Ace sa kama dahil masyadong maikli ang sofa. Nang mapalingon ako ay hindi ko si Sir nakita at napansin ko ring nakahawi na ang puting kurtina sa may bandang sliding door kaya dahan-dahan na akong napabangon. Nasaan kaya si Sir? “S-sir Ace?” Naglakad na ako papunta sa sliding door at nadatnan ko naman siyang nakatayo sa bandang terrace habang itinataas ang kaniyang cellphone. “Hindi pa po kayo natutulog, Sir?” “No, I’ve been trying to get some signal. I just can’t sleep without saying good night to Adeline.” Napa-iling naman ako sa kaniya. “Nako, Sir, mukhang malabo po talagang magkaroon ng signal sa l

