Habang naglalakad kaming apat ay nagulat naman ako nang tumambad sa amin ang napakalawak na ilog at ilang mga bangka na nandito sa gilid. "Seriously, Mirabella?" walang-ganang saad ni Sir Ace kay Mira. "Huwag ka na lang party pooper, Ace. Behind that tall mountain is the temple kaya don't worry, we won't last an hour naman doon," aniya. Napatingin na lang sa akin si Sir Spencer at napatawa kaming dalawa. Kumuha na si Mira ng dalawang bangka para sa amin at si Sir Ace ang kasama ko sa isa, samantalang sina Mira naman at Sir Spencer sa kabila. "Here we go!" ani Mira at nauna na silang umalis. Napalingon na ako kay Sir Ace habang nakalagay lang ang mga kamay niya sa kaniyang dibdib. Ako lang pala ang magbabalsa nitong bangka na 'to, iisipin ko na lang na isa 'to sa trabaho ko kahit sobra

