Kanina pa nanlalamig ang kamay ko rito dahil sa naging tanong ni Mira kay Sir Ace kanina. Hiyang-hiya tuloy ako sa kaniya na halos bawat pagtawag niya sa akin ay umiiwas na lang ako ng tingin. Baka isipin pa ni Sir Ace na manyak ako kahit hindi naman. Dahil siguro ‘to sa mga kapatid ko na kung ano-ano ang tinuturo sa akin dati at dinagdagan pa ni Mira kaya kung ano tuloy ang mga lumalabas sa bibig ko. “They looked so happy kahit ang dami nating work kanina,” sambit ni Mira habang nakatitig sa ibang mga staff nag nagkakatuwaan sa mga pwesto nila. Napangiti naman si Sir Spencer. “They deserved it. We’re so burnt out sa trabaho for these past few months at kahit ngayon lang sila makapagpahinga ay maayos din.” Katatapos lang naming kumain ng dinner habang nagmamasid sa kalangitan. Pakira

