Hindi pa rin ako maka-get over sa sinabi sa akin kanina ni Sir Ace. Tumila na ang ulan kaya nakaalis na kami ulit at bumyahe na naman. Napakalayo pala sobra ng Batanes kaya kahit ilang oras na ay hindi pa rin kami nakakarating do'n. Nakakaramdam na rin ako ng gutom pero hindi ko na lang pinansin at may pagkain din naman daw ro'n pagdating namin sa venue. "Hey... we're here. Wake up." Napamulat ako dahil sa narinig kong malambot ngunit malamig na boses. "Hmm..." daing ko. Nagulat naman ako nang mapansin kong nakayakap pa rin ako kay Sir Ace habang nakasandal sa likod niya. "A-ay...sorry po." Inalis ko na ang kamay ko sa bandang tiyan niya at bumaba na rin sa motorbike. "It’s okay,” aniya. Ngayon ko lang napagtanto na nandito na pala kami sa venue ngayon at nanlaki ang mga mata ko n

