CHAPTER 2

2176 Words
Nang maka-uwi na kami sa bahay ay agad naman akong pinaayos ni tatay ng mga gamit. Bukas na kasi ang flight ni Madam Athisa pa Maynila kaya sasama nalang ako. “Sigurado ka ba talaga diyan, Ate?” Napalingon naman ako nang biglang pumasok sa kwarto namin si Shane. “Kailangan kong lumuwas ng Maynila para makapagtapos kayo ng pag-aaral at para maka-alis na rin tayo sa lugar na ‘to.” Puro nalang kasi sama ng loob ang nararanasan ko rito sa amin. Gusto kong tumira kami sa maayos na bahay at malayo sa ganitong pamumuhay. Nagulat naman ako nang bigla akong nilapitan at niyakap ni Shane. “Kapag nasa Maynila ka na Ate, siguradong matatagalan bako ka maka-uwi rito, ano?” Napangiti naman ako dahil simula noong mga bata pa kami ay malapit talaga ang loob namin sa isa’t-isa na magkakapatid. “Hayaan mo, isipin mo nalang na kapag nandoon na ako ay may masarap kayong nakakain dito sa atin,” tugon ko naman sa kaniya at kumawala na sa pagkakayakap. “Paano naman po ang kasal ni Ate Lara, hindi na kayo makakadalo?” Napa-iling naman ako. “Mukhang hindi na nga yata. Babawi nalang ako sa kaniya pag-uwi ko.” “Sige Ate, tutulungan ko muna si Jane sa hapunan natin,” ani naman nito at lumabas na. Tinapos ko na ang paglagay ng iilan kong damit sa backpack at pagkatapos ay lumabas na rin ako para kumain. Nakapwesto na ang lahat ng mesa kaya ako nalang ang kulang. “Halika na rito, Ineng,” pahayag naman ni tatay kaya napangiti ako. Kanina pa walang imik si nanay kaya hinahayaan ko nalang siya muna. Alam kong hindi pa rin siya sigurado sa lakad kong ‘to, pero ipapakita ko naman sa kaniya na worth it ‘to lahat. “Mamayang alas-sais daw ng umaga ang alis namin, Nay,” sambit ko naman habang kumukuha ng kanin. Hindi naman ako pinansin si nanay at tuloy-tuloy lang sa pagkain kaya bahagya nalang akong napangiti. Agad naman akong nginitian ni tatay. “Sige, Nak. Ako na ang bahala sa pamasahe at baon mo dahil may natira pa naman akong pera na hindi ginagamit.” “Hindi na, Tay. May natira pa naman akong pera sa ipon ko, hindi n’yo na ako kailangan pang bigyan ng pera.” Binilisan ko nalang ang pagkain ko dahil sobrang tahimik lang namin sa mesa. Hindi rin naman maka-imik ang mga kapatid ko dahil natatakot sila kay nanay. Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko na ang mga pinag-kainan namin kasama si Shane. “Ate, kapag may pera ka na ay ipa-rebond mo ‘yang buhok mo. Pagkatapos ay gumamit ka rin ng mga beauty soaps at moisturizer para pag-uwi mo rito sa atin ay pwede ka na sumali sa Ms. Universe.” Napatawa naman ako sa sinabi ni Shane habang naghuhugas ng pinggan. “Alam mo ang dami mo talagang alam. Tapusin mo na ‘yang ginagawa mo at magpahinga na dahil may pasok pa kayo bukas.” “Sige, Ate.” “Ineng...” Napalingon naman ako nang biglang hawakan ni nanay ang balikat ko. “Hindi pa po ba kayo magpapahinga, Nay?” kunot-noo kong tanong. Nagulat naman ako nang makita kong tumutulo na ang mga luha ni nanay kaya agad na akong napatayo. “Ayos lang ho ba kayo, Nay?” Marahan naman niya akong hinawakan sa pisngi kaya napakagat ako ng labi. “Pasensya ka na sa nanay ha? Hindi ko manlang napagtanto na nasasaktan na kita sa mga sinasabi ko, Ineng. Ayoko lng talaga kasi na lumayo ka rito dahil panganay kitang anak...” Nagulat naman ako sa mga lumabas sa bibig ni nanay. Hindi ko akalain na maririnig ko ‘to ngayon sa kaniya. Simula kasi noong nagcollege na ako ay hindi na kami masyadong malapit ni nanay sa isa’t-isa dahil na rin nagtatrabaho ako at siya naman ay abala sa pagbebenta ng isda para may makain kami araw-araw. Ngumiti naman ako at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ni nanay. “Tahan na ikaw, Nay. Naiintindihan ko naman po kayo, h’wag kayong mag-alala at pagbubutihin ko ang pagtatrabaho sa Maynila para hindi na kayo mahirapan ni tatay dito sa probinsya.” Gusto ko na kasing makapagpahinga na silang dalawa at ako na ang maging breadwinner ng pamilya. Matanda na ang mga magulang ko kaya responsibilidad ko na silang alagaan. “Mahal na mahal kita, Nak. Pasensya na kung may mga nasasabi man ako sa’yong masasakita na salita,” dagdag niya pa. “Mahal na mahal ko rin po kayong lahat, tahan na ikaw Nay at baka lumaki na naman ‘yang eye bags ninyo,” biro ko pa sabay ngiti. Hinaplos niya naman ang likuran ko. “Magpahinga ka na at ipagluluto kita bukas ng paborito mong ulam dahil aalis ka na,” anito. “Sige po, kayo rin po Nay magpahinga na rin.” Napasulyap nalang ako kay nanay hanggang sa pumasok na siya sa kwarto nila ni tatay at napabuntong-hininga nalang ako at pumasok na rin sa kwarto ko para matulog. Kinaumagahan ay pasado-alas tres palang ay gising na ako. Tumulong muna ako sa paglilinis ng mga isda hanggang sa makaligo na rin ako at makapagbihis. “Susunduin ka ba rito ni Madam Athisa, Ineng?” tanong sa akin ni tatay habang kumakain kami ng almusal. Agad naman akong napa-iling. “Dumiretso nalang daw ho ako sa bayan at doon nalang kami magkikita.” Ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko hanggang sa maka-alis na sila Shane at Jane papuntang eskwelahan kaya sina nanay at tatay nalang ngayon ang kasama ko rito. Hindi na muna sila pumunta sa palengke ng maaga dahil hinintay muna nila akong maka-alis. “Ano, nakahanda na ba lahat ng mga dadalhin mo, Ineng?” tanong ni nanay habang nandito na ako sa labas ng bahay. Wala kami masyadong mga kabitbahay kaya pabor din naman sa akin dahil walang masyadong mga chismosa maliban lang doon sa palengke. Tumango naman ako sabay ngiti. “Opo, Nay. Wala naman akong maraming damit kaya hindi naman ganoon kadami ang dadalhin ko,” tugon ko pa. Nagulat naman ako nang may biglang iniabt si tatay na pera sa kamay ko. “Idagdag mo sa baon mo, Nak.” Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang tatlong-libong piso na nasa kamay ko. “Tay, may pera pa nga ho akong natira...” “Pangbili mo lang ng pagkain ‘yan, Nak. Hayaan mo na at ngayon lang naman ako nangbigay ng pera sa’yo simula noong college ka pa.” Napangiti naman ako ng malapad at niyakap ko na silang dalawa. “Maraming salamat sa inyo dalawa, Nay, Tay. Mahal na mahal ko po kayo.” Natawa naman sila sa sinabi ko at kumawala na sa pagkakayakap. “Ay siya tama na ang drama natin at naghihintay na sa’yo si Parang Elbert doon sa labasan para maihatid ka na niya sa bayan, Nak.” Napangiti naman ako. “Sige po, aalis na ako.” Kahit na gustong-gusto kong umiyak ay hindi ko nalang pinakita sa kanila dahil baka mahirapan na naman silang paalisin ako kapag nagkataon. “Mag-iingat ka sa byahe, Ineng. Palagi ka lang tumawag sa mga kapatid mo ha para maka-usap ka naman namin kapag wala kang trabaho,” pahayag naman ni nanay habang naglalakad na ako palayo sa kanila. Hindi na ako lumingon dahil tumutulo na ang mga luha ko, at ayaw ko namang makita nilang naiyak ako at alam kong gano’n din ang mangyayari sa kanila. Sana nga ay sa pag-alis ko na ‘to ay maiahon ko na ang pamilya ko sa kahirapan. “Aalis ka pala papuntang Maynila ngayon, Chan?” Napatingala naman ako kay Mang Elbert na nasa harapan ko na pala ngayon. “Opo, Tsong. May nag-offer po kasing trabaho sa akin sa isang BPO company kaya tinanggap ko na ang oportunidad na ‘to.” “Aba’y oo nga naman, Chan. Ayos nga ‘yang plano mo.” Mga ilang minuto rin bago kami nakarating sa bayan. Bumaba na ako ay nagbayad at naghintay sa 7/11 dahil ang sabi sa akin ni Madam Athisa ay dito niya ako susunduin. Wala pang sampung minuto ang tigil ko rito at dumating na ang sasakyan ni Madam. “You ready? Get inside,” anito. Napangiti naman ako at pumasok na sa loob. “Maraming salamat po ulit pala, Madam.” “No worries, I bet you’ll really love your work in Manila.” Hindi nalang ako umimik sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa airport. Isang oras lang daw ang byahe mula rito sa amin papuntang Maynila kaya mga lunch time ay nandoon na siguro kami. “I think you just need to fix your hair and face then it’s settled. Pwede ka na,” sambit naman ni Madam kaya napatingin ako sa kaniya. Ayusin ang mukha at buhok ko? Ayos naman na ‘to ah, ano pa bang ayos ang gusto niya? “Uhmm, ano pong ibig niyong sabihin, Madam?” pagtatakang tanong ko. Ngumiti naman siya sa akin. “Nothing. We’re here, let’s head out.” Tumango nalang ako at bumaba na kami ng sasakyan. Kinuha naman ng crew ang mga gamit namin kaya tumungo na kami ni Madam sa security area para makapunta na rin sa boarding station. Nang makapasok kami sa eroplano ay nanibago naman ako dahil syempre unang beses ko lang makasakay ngayon. “Are you going to be fine?” tanong sa akin ni Madam kaya napalingon ako. Magkaiba kasi kami ng designated seat. “Yes, Madam. I’ll be fine.” Napabuntong-hininga nalang ako at napa-upo sa pwesto ko. Ipinikit ko nalang muna ang mga mata ko dahil baka masuka pa ako kapag buong byahe ay mulat na mulat pa ako. Hindi naman kasi ako sanay sa malalayong byahe. Nagising naman ako dahil sa ingay ng mga tao sa loob. “Let’s go.” Napatingin naman ako kay Madam na sumenyas na sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya at kinuha na ang bag ko sa taas. Nang makalabas kami ng eroplano ay hindi ko naman akalain na ganito pala ang itsura ng Maynila. Alam kong urbanisadong lugar ‘to sa buong Pilipinas, pero iba pa rin pala talaga kapag ikaw na mismo ang nakakita sa personal. “You will be staying in my house for a while habang inaayos ko pa ang mga requirements mo,” wika niya naman habang naglalakad kami kaya tumango ako. “Copy that po, Madam. Huwag kayong mag-alala at masipag naman ho akong tao.” “Good to hear that.” Sumakay na kaming dalawa sa taxi hanggang sa makarating kami sa isang two-storey house na medyo may kalumaan na rin. “Mama!” Nagulat naman ako nang may lumabas na dalawang lalaking bata sabay yakap kay Madam kaya napangiti ako. Hindi ko naman akalain na may anak na pala siya dahil mukhang bagets lang naman siya kung kumilos. “This is Chandria, she will be your temporary yaya for now, okay kids?” “Okay Mama, na-miss ka po namin.” Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Madam sa mga anak niya. Mukhang hindi naman yaya ang pinasok ko, pero bakit gano’n ang sinabi niya? Kumibit-balikat nalang ako at hinayaan nalang ‘yon. Nagbibiro lang din naman siguro si Madam, ‘di ba? Pumasok na kami sa loob ng bahay at nagtaka naman ako kung bakit punong-puno ng mga damit na malalaswa ang nakasabit sa bawat sulok kaya napasulyap ako kay Madam. “Uhmm, para saan po ang mga ‘to, Madam?” Bigla naman siyang napangiti. “Rumaraket din ako sa pagsupply ng mga damit sa iba’t-ibang clubs kaya nandiyan lahat ng mga ‘yan. By the way, aalis muna ako for now para maasikaso ko ang mga requirements mo, ikaw na ang bahala sa mga bata at baka sa susunod na araw pa ako makaka-uwi.” Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. “Ho? Ako po ang magbabantay sa anak niyo habang wala kayo?” “Why? Is there any problem? Kung gusto mo ay ikaw nalang ang mag process ng mga requirements mo sa office at para wala na akong iisipin pa...” “No, it’s okay Madam. Ako na po ang bahala rito sa kanilang dalawa,” agad ko namang tugon dahil ayaw ko naman na unang araw palang ay magkaroon na ng problema. Napabuntong-hininga naman siya. “Okay, good. Mabuti na ‘yang nagkakaintindihan tayong dalawa. I’ll go ahead now, magluto ka nalang ng tanghalian niyo diyan at alam na rin naman ‘yan ng mga anak ko.” Napatingin ako sa mga anak niya na abala sa paglalaro sa salas. Lumabas na rin ng bahay si Madam at umalis na kaya napahinga nalang ako ng malalim. Kailangan kong magtiis dahil minsan lang naman dumating ang blessing na ‘to sa akin kaya kung ano ang ipapagawa niya ay gagawin ko nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD