Nakakapagod ang buong araw na ‘to dahil wala na akong ginawa kung hindi ang sundin ang utos ni Sir Ace, pero at the same time ay masaya pa rin ako dahil ganito lang naman ang ginagawa ko pero anlaki ng sahod. “Chandria!” “Yes, Sir?” “First thing in the morning, I want you to buy something for Adeline. She likes tulips so buy her a bouquet of tulips.” Agad naman akong napangiti kay Sir dahil baka ako na naman ang magbayad. “A-ah, Sir, saan po ba ako bibili at magkano ‘yon?” Hindi naman niya ako pinansin habang kay dinudukot sa kaniyang bulsa. May inilabas naman siyang wallet at agad na iniabot sa akin ang isang black card at isang papel. “Go to that shop and use this card to pay for everything.” “Yes, Sir—” “Don’t you ever try steal anything from that card.” Napa-iling na kaagad a

