"Sige, ano pa ang gusto ninyong bilhin ng ate?" "Gusto ko ng bagong sandals Ate!" Kasalukuyan akong nandito ngayon sa kwartong ipinahiram sa akin ni Mira habang nagtitiklop ako ng mga damit na ibinigay niya. Wala kasi talaga akong damit na nakuha manlang doon kaya wala talaga akong magamit. "Oh, sige, bibilhin lahat 'yan ng Ate, ha? Sa susunod na buwan ay makapagpadala na ako riyan ng pera sa inyo," tugon ko pa. "Siya nga pala, Ate, lowbatt na naman po ulit ba ulit ang cellphone n'yo at least ibang number na aman ang gamit ninyo?" Napatigil naman ako sa biglang pagbanggit ni Shane sa number ko. "A-ah, a-ano kasi, h-hindi nagpalit talaga ako ng number para alam mo 'yon, bagong buhay dahil nandito na ako. Isa pa sobrang luma na rin naman ng sim card ko na 'yon kaya hayaan mo na." "Gano

