Habang bumabyahe kami pauwi ngayon ay napapa-isip ako kung kumusta na ba ang pamilya ko sa probinsya. Ayoko namang mag-alala sila sa akin kaya kailangan kong makahanap ng trabaho kaagad. “Hey, Chan, you okay?” Napatingin naman ako kay Mira habang nagda-drive siya. “Ah, ayos lang naman ako. Iniisip ko lang sila Nanay.” “Here, use my phone. You can call them.” “Talaga?” Kinuha ko na ito sa kamay ni Mira. “Salamat talaga, Mira.” “No worries!” Nag-dial na ako ng number ni Jane. Mabuti na lang dahil kahit na ilang segundo pa lang na nag-ring ay agad niya na rin itong sinagot. “Hello?” “Ako ‘to Jane…” “Ate Chan? Nagpalit ba kayo ng number at iba na ang ginagamit n’yo na pantawag?” Bahagya naman akong nalungkot. “A-ah, hindi a-ano na lowbatt kasi ang cellphone ko kaya ginamit ko muna

